His Side [Part 3]

446 36 79
                                    

 PROM na ngayong araw. Sana pumunta siya pero sure naman ako na pupunta yun at wala siyang option kasi nakipagsabwatan nadin ako sa mga teachers namin. Malakas ako sa kanila since alumni naman ako at madami din naman akong nagawa para sa school so maliit na bagay lang yung hinihiling ko sa kanila.

Sabi ko lang naman sa kanila lalo na yung mga teachers ni Kaye sa mga iba't ibang subjects na... may minus sa grade kapag hindi sasama sa prom. At kapag pumayag si Kaye na okay lang na mabawasan siya ng grade may back up ako dyan syempre... kinausap ko nadin ang principal namin. Na sabihin na hindi gagraduate ang mga hindi aattend ng prom na mga 4th year students since eto naman na ang last year nila part yun ng requirements nila. Hahaha. Ang sama ko ba? Pero nakatulong naman ako sa kanila ah. Win win situation, I get what I want, and they got what they want...ang madaming umattend ngayong prom na mga graduating students.

Nagawa ko ang lahat ng ito dahil na din sa tulong ng mga kaibigan ko at ng bespren ko na si Celine. Malaki na ang naitulong niya sakin para magsetup ng surpresa para kay Kaye. Kaya kailangan hindi ako pumalpak sa gagawin namin mamaya.

Nagsimula na ang prom at kami na ang tutugtog ng isa sa mga kantang para sa sayaw ngayong gabi. Ito yung nirequest ko sa mga teachers kung pwede ba kami magperform ng mga barkada ko. Musically inclined din naman kami kasi sumasali na kami sa battle of the bands sa university kaya sanay nadin naman na kami sa ganitong setup.

Nirequest din namin na magtatakip kami ng mascara para hindi kami makilala, eto yung maskarang ginamit namin last year kasi masquerade ang theme ng prom noon kaya ayos to para hindi niya agad kami makilala. Nagsasalita na ang emcee para iintroduce kami.

"We have a very special guest tonight. They will be singing a song for us. You may grab your partners and let's all welcome...C.L.K" sabi ng emcee and the crowd cheered us and clap their hands.

Nagsimula na kaming tumugtog, hinahanap ko siya sa maraming tao na nagsasayaw pero nagkamali ako ng tinitignan dahil andun pala siya sa table nila. Ang ganda padin niya. Hindi padin kumukupas ang ganda niya, mas lalo pa siyang gumanda. Angat na angat siya sa damit niya ngayong gabi. Mas lalo tuloy akong naiinlove sa kanya.

["If I Let You Go" by Westlife : play niyo nalang po yung song while reading this. Sorry na mejo oldies yung kanta, pero astig yan promise!]

Inumpisahan ko na ang kanta, part by part kami. Mejo acoustic yung tugtog namin since pang slowdance dapat yung tempo nung kanta para medyo sweet daw yung datingan.

[Caleb:] Day after day

Time passed away

And I just can't get you off my mind

Nobody knows, I hide it inside

I keep on searching but I can't find


Tumingin ako sa pwesto niya habang kumakanta ako, pero nung mapansin niyang nakatingin ako sa kanya kaya nagiwas ako ng tingin at binaling ito sa ibang parte ng silid.

[Jeff:] The courage to show to letting you know

I've never felt so much love before


Hindi ko nga alam paano ako kukuha ng lakas ng loob para masabi sayo na mula noon hanggang ngayon Ikaw padin. Mahal padin kita. Hindi ka mapapalitan sa puso ko.

[All (Caleb lead):]And once again I'm thinking about

Taking the easy way out


[All:] But if I let you go I will never know

What my life would be holding you close to me

I love this BITTER Girl [One Shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon