Previous Page of 3Next Page

One of the Boys

spinner.gif

Chapter 6.1: Kuyakoy

 

Paco's POV

 

 

Tumayo ako mula sa kinauupuan ko. Naglakad patungo sa isang kanto ng classroom. Naglakad muli patungo sa isa pang kanto. Sa madaling salita. Naglakad ako ng paikot-ikot sa room. Walangya naman sa ginaw sa pwesto ko eh.

 

Naglakad muli ako patungo sa isa na namang kanto ng kwarto. Napadaan tuloy ako sa tatlong babaeng marshmallow na pinagkakaabalahan na naman ang mga mukha nila. Sumandal ako sa pinto ng kwarto at tinignan ang tatlong babaeng marshmallow, (marshmallow ang tawag ko sa kanila kasi mukha silang marshmallow na nagalaw. ang tatamis ng mga kulay na madalas nilang gamit). Nakakapagtaka talaga ang ibang mga babae. Hindi ko matanto kung bakit kailangan pa nilang punuin ng kolorete ang mga mukha nila, eh buong maghapon lang naman sila sa loob ng school? Mukha bang runway ang classroom? Susko. Bakit ko nga ba pinoproblema 'yun? Eh mukha naman nila ang kinukulayan nila. (Depende sana kung mukha ko.Magwawala talaga ako!)

 

 

"Ano na namang tini-tingin-tingin mo dan?" tanong sa'kin nung isang marshmallow na nagngangalang Abby. 'Yung babaeng obssesed dun sa Domingong baliw din.

 

Nakatingin pa rin ako sa kanya. Kasi, ewan ko, trip ko lang tumingin. Hahaha.

 

"Bakit? Naiinlove ka na ba sa'kin?" kumindat siya sa akin at nagflyingkiss tapos tumingin na uli sa mga kaibigan. Takte! Anong tingin niya sa akin? Tibo!! Aba kahit parang lalaki ako manamit hindi naman ako tibo. Kasi 'di ba 'yung tibo 'yun yung napatol talaga sa babae. Eh hindi naman ako napatol sa babae eh. Pati nga din sa lalaki eh. Neutral ata ako?

 

"Oy Paco!" lumapit si Rhea sa akin. Kakarating lang niya, bitbit pa din ang bag niya, malamang kararating nga lang eh. 

 

"Oy Good Morning!" bati ko naman sa kanya,ngumiti naman siya at medyo lumapit sa tenga, may ibubulong...

 

"Anong sinabi ni Abby? Bakit ngumiti at nagflying kiss? Nagpapacute, mukha naman siyang hito..." yamot na yamot na sabini Rhea. Mukhang ang laki ng galit niya kay Abby.

 

"Ah. Sabi niya naiinlove na daw ako sa kanya. Ewan ko dun. Natatanga nanaman." sagot ko.

 

Kumunot ang noo ni Rhea, napanguso't napamura ng bahagya. "Lakas ng apog ng babaeng 'yan 'no? Kung alam niya lang, wala namang gustong pumatol sa kanya..." naglakad na si Rhea papunta sa upuan niya. "Kadiri." sabi ni Rhea nang makalapit siya sa tatlong marshmallow.

 

Napakunot ang noo ng tatlo, isama mo na din 'yung noo ko. Bale apat na noo 'yung kumunot.

 

May sapi siguro 'yung si Rhea kaya gan'on. Bigla-bigla na lang nagagalit eh. Bipolar!

 

 

Mula sa pagkakasandal ko sa pintuan naisipan kong lumabas muna nang tuluyan sa classroom, pero 'di pala. May kwago akong nakasalubong...

 

"Bebe Boy!!!" narinig kong sigaw ni Abby mula sa likod, may kasamang hagikhik 'yung sigaw niyang 'yun.

 

"Hi Paco Babes!!!" sigaw nung kwagong nakabangga ko.

 

Clue: Dino ang pangalan.

 

"'Wag mo 'kong tawaging babes. 'Di ako baboy!" sigaw ko sa kanya saka ako humakbang palihis para makalabas pero hinarangan niya ako. Kasusot.

 

"Bebe Boy! Halika dito!!" sigaw pa din nung marshmallow. eh kung hinihigit niya na 'tong si Dino?! Palay na ba lumalapit sa manok?

 

"Bakit ayaw mo ng babes? Ang sweet naman ah!" nakangiti niyang sabi sa akin. Pilit pa din akong humahakbang para makalabas pero hinaharangan talaga ako sapakin ko kaya 'to? *nanlilisik na mata*

 

"Eh ano naman! Hindi babes ang pangalan ko kaya 'wag 'yon ang itawag mo sa akin." Humakbang akong muli, at ayun, humarang uli siya!!!

 

"Hindi ka ba tatabi?" matapang kong tanong. Akala ko masisindak na! Pero hindi! Nang-asar pa lalo! Grrrrrrr.

 

"Ayoko babes eh. Pero..." nilapit niya ang mukha niya ng bahagya at ngumiti na naman ng nang-aasar. "'pag kiniss mo ako, baka sakaling tumabi ako." 

 

"Oh my golly!!!" narinig kong sigaw nung mga babae sa likod ko.

 

"Ano babes? Gusto mo ba akong tumab-- *boooogsh*"

 

"Oh my Bebe Boy!!" napaatras si Dino dahil sa suntok ko sa ilong niya (paborito kong target pag nanununtok),nakalabas naman ako ng classroom dahil sa pag-atras niyang iyon. At napasugod din 'yung mga marshmallow kay Dino.

Previous Page of 3Next Page

Comments & Reviews

Login or Facebook Sign in with Twitter
library_icon_grey.png Add share_icon_grey.png Share

Cast

Park Min Youngas Paco Ocampo
Song Joong Kias Dino Uzon
Lee Min Hoas Johann Barvossa
Matsumoto Junas Alxus Lirio
Im Yoonaas Abby Bermudez
Hwayoungas Rhea Tenorio
Miras Ogie Ocampo
Minzyas Janine Torres

Who's Reading

Recommended