Chapter 52

25K 224 50
                                    

KRISTOF'S POV

"Anak umakyat ka na sa kwarto mo." sabay pat sa balikat ko ni Mama.

Naka alis na din kasi si Monique,ipinahatid pa siya sa akin ni Lolo sa gate.

Oo madaming pinag usapan ngayon. Masyado nilang minamadali ang lahat.

"Thanks Ma." malamig kong sagot.

Pero bago ako umakyat,hinawakan ni Mama ang kamay ko. I can see her eyes,tipong konti nalang tutulo na yung luha niya. But I know,we can't do anything in this situation.

Lalo na si Lolo ang nagdecide? tikom lang bibig namin nila Mama kahit nga si Papa,kahit pa tatay na yun,di niya magawang mag reklamo sa gusto nito.



"Anak sorry ha?sorry talaga..hindi ko alam na aabot sa ganitong punto na..

"No Ma,its not your fault,this is my fate right?bata palang naman ako ito na ang use ko sa pamilyang to."

"Anak,wag ka namang magsalita ng tap..

"It's okay Ma,magpahinga na po kayo. Matutulog na din po ako,papasok pa po ako bukas. Good night Ma,I love you" then I kissed her forehead at dumiretso na ako sa kwarto ko. 

Napa upo naman ako doon sa gilid ng kama ko. Wala na bang takas to? Sa bagay,ano nga naman bang karapatan kong humindi? sino ba ako sa pamilyang to? ano bang magagawa ko kung ididikta nila yung mga bagay na dapat kong gawin.

Napa isip ako..oo nga pala,simula nung unang tapak ko dito sa bahay na to, may responsibilidad na agad akong dapat tuparin.

=FLASHBACK=

15 YEARS AGO.

"Kris..halika dali.." tawag sa akin ni Sister Kelly

"Po?ano po yun?sister naglalaro pa po kami nila Travis" sagot ko kay sister habang hawak hawak ang bola.

"May kailangan ka kasing makilala muna Kris,halika muna doon sa office ni Sister Adelyn" 

"Ayy sige po sandali lang po" tapos ibinato ko kayla Travis yung bola.

Hinawakan lang ni sister Kelly yung kamay ko papunta doon sa office ni Sister Adelyn.

"Kris..halika dito ka sa tabi ko." pagtawag sakin ni Sister Adelyn.

Isang matandang lalaki at mag asawa ang narito ngayon sa kwarto ni Sister Adelyn. Nakangiti lang silang tatlo sa akin,na para bang may gustong iparating na kung ano.

"Ikaw pala si Kris,napaka cute mo naman." pagbati sakin nung babae habang hawak hawak nung asawa niya yung kamay nito.

I Hate You, Sir! (SOON TO BE PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon