HDDL 44 - Destiny Played a Trick

74.1K 1.1K 87
                                    

Chapter 44

>>>Francisco's POV

"Tay! Bakit po ganun ang trato nyo kay Exer?"tanong agad ni Cleng sa 'kin pagkatapos kong paalisin ang nobyo nya. Hindi talaga ako makapaniwala sa liit ng mundo. Sadyang mapaglaro ang tadhana sa buhay namin. Hindi ko akalaing silang dalawa ang hinayaan nitong magmahalan, isang pagmamahalang hindi dapat.

Nanghihinang napaupo ako. Bakit kailangang sya pa ang mahalin ng anak ko? Sa dami-daming lalaki sa mundo, bakit sya pa ang natagpuan ni Cleng?

Agad na lumapit si Cleng sa 'kin. "Tay, ayos lang po ba kayo?"

"Ayos lang ako,"sagot ko. Hinilot ko ang ulo ko dahil parang biglang sunakit ito dahil sa nangyari. Nang medyo nawala ang saki, huminga ako nang malamin at tumingin nang diretso kay Cleng. "Hiwalayan mo na sya anak. Hindi maaari ang pagmamahalan nyo,"

"Bakit po?"naguguluhang tanong nya sa 'kin.

"Si Leandro Fuentes ang tunay mong ama,"naaawang sabi ko sa anak ko.

***Flashback***

"Paanong...?" Nagtatakang tanong ko kay Elena. Matagal na kaming nagsasama pero hindi kami nabiyayaan ng anak. May diperensya daw sa sperm count ko ayon sa doctor kaya nagtataka ako kung paanong nabuntis si Elena. Nasa ospital kami ngayon dahil biglang nawalan ng malay si Elena. Kakaalis lang din ng doctor para sabihin sa 'ming buntis si Elena.

Umiwas sya nang tingin sa 'kin at lumuha. Hindi ko alam kung dapat ko ba syang yakapin para mawala ang sakit na nararamdam nya. Pero, mas nanaig sa 'kin ang pagtataka at hinanakit.

"Elena!" Sabi ko sa kanya dahil ilang minuto nang nakalipas pero hindi pa din nya ako sinasagot. Napapikit sya dahil sa pagsigaw ko. Huminga muna sya ng malalim bago tumingin sa 'kin.

"Patawarin mo ko, Francis,"umiiyak na sabi nya habang sapo ang tyan nya na para bang pinoprotektahan nya ito mula sa 'kin.

Parang pinagbagsakan ako ng mabigat na bagay sa dibdib ko dahil sa sinabi nya. Hindi pa nya direktant sinasabi pero gumuguhit na ang ibayong sakit sa puso ko.

"Sino, Elena?"mapait na sabi ko.

"Si Leandro.."

Sya pa rin pala. Akala ko nagawa ko nang paltan ang unang lalaking minahal nya. Sa huli din pala, sya pa din ang pipiliin ni Elena maging ama ng kanyang anak.

>>>Cleo's POV

Pagkalapat ng pinto ng kwarto ko, nanghihinang napaupo ako. Hindi ko na napigilang tumulo ung mga luha ko. Bakit ganun? Destiny brought us together right? Then why did it suddenly do this?

Parang tinusok na naman ng maraming karayon ang puso ko dahil sa ipinagtapat ni tatay.

Hindi ko pa din kayang isipin na pinsan ko si Exer. Our love wasn't that kind of love. We were in love with each other even before we realize it.

Magaan ang loob ko kay Tito Leandro pero kahit kelan, hindi ko naisip ang posibilidad na sya ang ama ko. Hindi ko naramdaman kahit kailan ang tinatawag nilang lukso ng dugo.

Ikwinento din ni tatay na si Tito Leandro pala ang first love ni nanay. Sobrang nasaktan dati si nanay nang maghiwalay sila.

I refused to believe that Exer is my cousin but I don't know how can we be together after this. I love him too much and I don't know how to fix this problem. If ever Tito Leandro is my real father, I need to stay away from Exer and forget him even if it will kill me.

>>>Exer's POV

"Subscriber cannot be reach. Please try again later."

Kanina ko pa tinatawagan si Cleo pero hanggang ngayon, hindi ko pa din sya macontact. I already sent several texts but none of those were answered. And I'm wondering why.

After I left Cleo's house, I went to the nearest hotel. I didn't plan on giving up Cleo just because his father doesn't want me for his daughter. I love Cleo more than life itself.

I think I need to go back to their house. I will let his dad know how much I love his daughter.

Bumaba agad ako papunta sa kotse ko, pero nang aalis na ko, biglang tumunog ang cellphone ko.

"Hello, Exer,"

"Love, thank God, you called. I called you several times but I can't reach your phone. Pupuntahan kita ngayon,"I said with relief.

"Don't bother. Magkita tayo bukas sa restaurant malapit dito sa amin. 6pm."
With that, she ended the call.

I stared blankly on my phone. I don't know what happened. She seemed cold. She even ended the call without saying goodbye.

I tried calling her again to ask what is the problem but I think she just turned off her fucking phone.

>>>tnx for reading... ^__^
---till next time. ^___^

Hot Doctor's Destined Love(ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon