Chapter 17.2.3

193K 3.7K 116
                                    

CHAPTER 17.2.3

JANELLA RAYNE's POV

Matapos naming kumain ay saglit muna kaming tumambay sa may beach at nahiga sa oval shape na duyan na may malambot na foam. Hindi ko maiwasan ang mapatitig dahil bagay na bagay sa kanya ang suot niyang tila long sleeve light gray camisa chino na nakarolyo hanggang siko at bullcap na flesh. Dagdag appeal din sa kanya ang suot niyang mamahaling relo na lalo pang nagpatingkad sa kinis ng kanyang balat. Hindi talaga maipagkakaila sa hitsura niya ang pagiging mayaman.

Nakahiga ako sa kanyang braso at pinipigilan ko lang ang sarili kong panggigilan siya! Ang bango naman kasi! Parang gusto kong mawala sa sarili ng wala sa oras.

"It's cool out here eh?" Sabi pa niya sabay paling sa gawi ko. Nagpantay ang mukha namin at kumalabog ang puso ko sa pagtitig na ginagawa niya sa akin. Hindi yata ako masasanay sa gan'ung klase nang pagtitig. Para kasing nakatutunaw... "And we will be alone..." Hinawi niya ang aking buhok at inipit sa likod ng aking tainga. Kinagat niya ang kanyang labi habang titig na titig sa akin at parang gusto ko siyang halikan.

"We'll be on separate rooms, Ace." Pag-iiba ko pa sa takbo nang usapan at iniwasan kong tumitig sa kanyang labi. Pero kahit sa mga mata niya lang ako nakatitig ay parehas pa rin ang epekto. Gusto ko pa rin siyang halikan! Shit!

"We can stay on one room, pumpkin. We really don't have to separate." Nakaismid pang sabi lang niya at napailing lang ako.

"Yeah. Mangarap ka."

"Jeez... pakipot!" Nakangiting sabi lang niya sabay yakap sa akin nang mahigpit. Nanuot nang husto ang kanyang amoy sa aking ilong at hindi ko na rin napigilan ang yakapin siya pabalik. Hindi ko na yata kakayanin ng wala si Dalton sa buhay ko. Pakiramdam ko ay mawawasak ako ng husto kapag nangyari 'yun.

"I've never been this happy, pumpkin." Bulong pa niya at ramdam na ramdam ko ang sinseridad niya.

"Me too..." Bulong ko lang din at noon na lang siya bahagyang lumayo sa akin.

Ginagap niya ang aking pisngi sabay sakop sa labi ko. Napahigpit lang ang hawak ko sa kanyang braso dahil halik pa lang ay halos mabaliw na ako! Pinalalim niya ang paghalik sa akin at naramdaman ko na lang ang kanyang dila sa loob ng aking bibig. Tumugon ako sa kanyang mga halik at mas lalong dumiin ang lapat ng labi niya sa akin. Hindi ko mapigilan ang mapaungol sa sobrang sarap niyang humalik at siya man ay tila dalang-dala.

"I can't get enough of you, pumpkin." Sabi pa niya habang paunti-unti pa ring hinahalikan ang labi ko. Halos mapadagan na siya sa akin pero ni hindi ko maramdaman ang bigat ng kanyang katawan. "God, you're so addicting!" Idinidiin niya ang kanyang sarili sa akin at hindi ko mapigilang salubungin ang kanyang paggalaw. "Stop it, pumpkin. I have a boner here." Napatikhim pa siya at wala na akong masasabi sa pagko-kontrol na ginagawa niya.

"Ace..."

"Mmm?" Tila nanunukso pang ngiti niya.

"Just kiss me please..." Hinila ko ulit siya palapit sa akin at napangisi lang siya sa labi ko.

"Jeez... you're such a turned on, pumpkin and you wanted my kisses that bad huh?" Mapanukso lang ulit ang mga halik niya at gusto ko siyang kabigin nang kuntodo sa batok.

"Ace!"

"So impatient, pumpkin..." Nakangisi pang sabi lang niya bago ulit ako halikan nang mariin sa labi. Napayakap ako sa kanyang leeg at kulang na lang ay idiin ko din nang husto ang sarili ko sa kanya. Alam kong kapag hindi ko kinontrol ang emosyon ko ay aabot kami sa puntong kinakatakutan kong mangyari sa amin.

Hindi ko alam kung gaano kami katagal nagpapalitan nang halik basta't ang alam ko na lang ay parehas kaming naghahabol nang hininga nang maghiwalay ang aming mga labi. Pulang-pula ang kanyang labi at nakakalamang na gan'un din ang hitsura ng labi ko.

TAMING A CASANOVA (Published Under Pop Fiction & Self-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon