Prologue

32.1K 555 60
                                    

Prologue


"VODKA JANICE! Sabi ng huwag mo ng gagamitin yang motor mo!" ambang ihahampas sa akin ni Mommy ang kanyang bag ng maalala niyang Gucci pala ang brand niyon.

"Naku! Kung hindi lang branded 'tong bag ko ay ipunukpok na sa iyo ito! Halika ritong bata ka!" sigaw pa ni Mommy habang naghahabulan kaming patungo sa may garage. Iniregalo sa akin ni Daddy ang Ducati niya, well gusto kasi ni Dad na magka-anak na lalaki ngunit hindi iyon ibinigay sa kanya ni Mommy kaya naman suportado niya ang layaw ko.


Galit na galit si Mommy kada sinasakyan ko ang motor ko habang si Daddy naman ay ang siyang tumutulong upang makatakas ako. Like now, late na ako sa first day ko sa OJT kaya naman wala na akong choice kundi gamitin ang Ducati ko. Traffic pa naman sa may EDSA at sa may Makati pa ang kompanyang papasukan ko. Halos mapudpod ang takong ng sapatos ko sa pagmamadaling pagtakbo. Hindi naman ako maabutan ni Mommy kasi matanda na siya. Wala sa sariling napahagikgik ako habang natatarantang ipinapasok ang susi sa ignition.


"Bye My! See you later!" kulang na lamang ay magwala na si Mommy lalo na ng nag flying kiss ako sa kanya. Tiyak na lagot ako sa kanya mamaya ngunit bahala na si Daddy ang mamalantsa sa gusot na ginawa ko. Mabilis kong pinaharurot ang motor ko kaya naman napahalakhak ako. Masarap ang hanging tumatama sa aking mukha at mas lalo akong nag-eenjoy sa pagsasayaw ng mahaba at kulot kong ash blonde hair.


Tiyak na magpupulbos ako ngayon ng alikabok buti na lamang ay laging nakatabi ang helmet ko. Hindi ko forte ang mga mababagal na sasakyan pwera na lang siguro kung pang-karerang kotse iyon. Unang araw ko ngayon sa OJT kaya dapat lang ay maging maganda ang impression sa akin ng boss ko. Katulad ni Ate ay ayokong mag-OJT sa kompanya namin o kaya sa mga kaibigan ni Daddy. Bata pa lamang ako ay may gusto na akong patunayan sa sarili ko, hindi ako sumusuko sa isang bagay hangga't hindi ko iyon pinaghihirapan.





Treinta-minutos lamang ang inilakbay ko patungong Makati dahil na rin sa nakakasingit ako sa traffic dahil sa dala kong motor. Kay Daddy pa itong motor na ito at ibinigay niya sa akin kaya mahalaga ito sa akin. Nang makapag-park sa hilera ng mga nagkikintaban at nagmamahalang kotse ay tinapik ko pa ang likod ng aking pinakamamahal na Ducati.


"Good boy! Wish me luck!" usap ko sa aking motor at nagmamadaling tinakbo ang elevator upang makarating na sa 11th floor kung saan naghihintay si Mrs. Aura Isidro na siyang sekretarya ng aking magiging boss. I'm a BSBA student major in Marketing Management, ilang buwan din ang bubunuin ko sa kompanyang ito at upang makapasa ay kailangan makapag-close ako ng deal, not once but thrice! Si Mommy ang magaling sa bagay na iyon dahil iyon daw ang trabaho niya noong hindi pa sila nagkakakilala ni Daddy. Ang marketing daw ay parang panliligaw kailangan kilalanin mo muna ang nililigawan mo bago mo mahuli ang kanyang kiliti at mapasagot ng 'Oo'.


"Good Morning Ms. Vodka Janice De Vera. You have a very unique name, hija. Kilala mo naman siguro kung sino ako." Maagap akong tumango. Mabait ang unang pagkakakilala namin ni Mrs. Aura ngunit ngayon ay parang dragon na siyang mangangain ng tao. Nag-iiba nga yata ang anyo ng isang tao lalo na kapag nasa loob ito ng trabaho dahil roon ay mas lalo akong humanga sa kanya dahil sa kanyang professionalism.

"Wala pa si Sir Pasco, our CEO. Siguro naman ay nagbackground research ka sa kompanyang ito?" hindi ko ipinakita ang pagkagulat ko sa sinabi ni Mrs. Aura dahil tiyak na mapapagalitan ako. Nakalimutan kong mag-background research! Ni hindi ko nga nakita ang picture ng may ari nito. Kaya naman ng iwan ako ni Mrs. Aura ay kinuha ko agad sa aking bag ang cellphone ko upang i-search si Mr. Pasco.

"Anong password ng wifi dito?!!" hysterical kong tanong. Iphone6s nga ang cellphone ko ay wala namang load! Useless din pala. Naku po.

"Is there a problem Miss?" napaangat ang ulo ko sa lalaking lumapit sa akin. Ang bango niya! Pagkakita ko sa mukha ng lalaking nagtanong ay muntik na akong napaatras. No way! Ang gwapo naman ng empleyadong ito?! Hindi naman siguro siya ang CEO dahil pihadong matanda na iyon kaya naman kinapalan ko na ang aking mukha upang magtanong. Malaki naman ang kompanyang 'to kaya imposibleng palagi kaming magkita.

"Sir, tatanong ko lang po sana kung ano ang wifi password sa floor na ito?" malambing kong tanong sa binata na ngayon ay napangisi naman habang inaabot ang cellphone ko upang i-type siguro ang password. Mababait naman pala ang mga empleyado rito at may mga hitsura pa. Hindi ko tuloy mapigilang mapatitig sa kanya habang kunot-noo niyang pinapakialaman ang cellphone ko. Ang gwapo niya! May pagka Latin-American ang kanyang hitsura dahil sa kanyang ilong at mahahabang mga pilik-mata. Feeling ko nga mas mahaba pa yung eyelashes niya kaysa akin.

"There you are. Agang Facebook naman niyan" He said in a husky and sexy voice. Hindi ko matantiya ang edad ng lalaking ito pero sa tingin ko ay kasing-edad lang niya si Kuya Ivan iyong boyfriend ni Ate.

"Hindi po Sir, Google Search po." Napabiling ang mukha ko dahil hindi ko maalala iyong first name ni Mr. Pasco or nabanggit nga ba sa akin ni Mrs. Aura iyon? Nasa tabi ko pa rin si Kuyang Gwapo habang pinaglalaruan nito ang mapupulang labi. Mas lalo ko tuloy hindi maalala.

"Ano nga pong pangalan Sir nung CEO ng Phoenix Enterprises?" magalang na tanong ko kay Kuyang Gwapo na mukhang aliw na aliw sa akin. Hindi nga kasi ako nakapag-background research.

"Papasok sa kompanyang ito na wala man lang ideya kung ano ang ipinasok mo? Tsk. Anyway, Francis Jay Pasco." Napangiwi ako at mabilis na itinype sa phone ko iyong pangalan.

"Sus. Ang baho naman ng pangalan. Hindi catchy! Hindi katulad ng akin sobrang uni——" muntikan ko na yatang maibagsak ang cellphone ko sa google image na lumabas. Nagkakamali lang yata 'tong si Google!!





Nangangatal ang labing ini-angat ko ang aking ulo habang pinagmamasdan ang lalaking nakataas na ang kilay sa akin. Fuck! I'm doomed! Katabi ko lang pala si Mr. Francis Morgan Pasco





Mahalin ang bagong karakter ng The Virgin's First Night Series.

The Virgin's First Night 9: UnveiledTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon