For Eternity.. (A BTCHO special chapter) -- Married Life

562K 16.1K 6K
                                    

A/N: This is a story about Stephen and Naomi's life after they got married. Ito na ang pinaka last naisusulat ko na may kinalaman about kay Stephen and Naomi dahil sa story na ito... nakasulat na "lahat lahat lahat..." 

Enjoy reading dears :)

***

At 24 years old…

“B-babes! S-stephen! Help me! Ang sakit na ng tyan ko! Sobrang sakit na!!!” pag sigaw ni Naomi habang pababa siya ng hagdan doon sa bago nilang bahay. Mariin siyang napakapit sa may hawakan ng hagdan habang hawak hawak naman niya ang malaki at bilog na bilog niyang tyan

Dali-dali namang napakaripas ng takbo si Stephen ng marinig niya ang sigaw ng asawa niya

“Babes what’s happening?!” halos manlaki ang mata nito ng makita niyang may dugong umaagos sa hita ni Naomi “Oh God Naomi!!!” agad niyang nilapitan ang asawa niya at pilit niya itong binuhat hanggang sa kotse niya kahit sobrang bigat nito gawa ng pagdadalang tao niya.

Walang Sali-salita ay agad niyang pinaharurot ang kotse niya papunta sa pinakamalapit na ospital sa bahay nila.

Ng makarating sila sa ospital, agad naman isinakay si Naomi sa isang stretcher papasok sa emergency room. Sa labas nito ay naiwan si Stephen.

Napatingin si Stephen sa pintuan ng emergency room. Apat na taon na ang nakalipas, nandito din siya sa labas ng emergency room dahil kasalukuyang nag-aagaw buhay noon si Naomi gawa ng isang hindi inaasahang aksidente. Pero ngayon, nandito siya ngayon at inaantay ang pinakamamahal niyang asawa at alam niya, na pag bumukas na ang pintuan na yan, dalawa na silang sasalubong sa kanya.

Si Naomi at ang magiging anak nila…

Ilang oras ang nakalipas. Nakaupo lang si Stephen doon habang patuloy na nagdarasal sa dyos na maging ligtas ang panganganak ng asawa niya. Matapos ang ilang oras na paghihintay, bumukas narin ang pintuan at sinalubong siya ng isang magandang ngiti ng doctor.

Pinapasok siya nito sa loob at nakita niya ang kanyang asawa…. Sa tabi nito ay isang sanggol.

“Stephanie Mikael Cruz” sabi ni Naomi habang ipinapakita kay Stephen ang anak nila

Nilapitan niya ang kanyang mag-ina “Baby Timi…” sabi nito at hinalikan niya ang noo nung sanggol atsaka narin ni Naomi..

A year after their wedding, Naomi Mikael Perez-Cruz gave birth to a baby bouncing girl and they named it “Stephanie Mikael Cruz”

At 29 years old…

Halos hindi maipinta ang saya sa mukha ni Stephen habang pinapanuod niyang binibihisan ni Naomi ng school uniform ang anak nilang si Timi. First day nito sa school at sabay nilang ihahatid ang anak nila.

For Eternity.. (A BTCHO special chapter) -- Married LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon