Konklusyon

20.5K 445 152
                                    

Salamat po sa lahat! Hanggang dito na lang po ang U.N.I.!

**

Konklusyon

Our love is forever

Inabot na ako ng isang oras dahil hinihintay ko iyong paglubog ng araw mula sa pwesto ko. Nakaupo ako sa tabi ng dagat. Iyong lamig ng buhangin ay damang dama ko. Iyong ihip ng hangin ay umiikot sa katawan ko.

Ang lamig.

Napapikit ako ng maramdaman ko iyong alon na maaring pumunta bahagya sa pwesto ko. Kanina pa ako nakaupo rito pero hindi ako nangangawit. Hinawakan ko ang tyan ko at hindi ko maiwasang mangiti.

Masaya. Napakasaya ko sa pwesto ko ngayon. Sa nangyari sa akin. Sa lahat ng pagsubok na nangyari sa akin. I know he's happy right now. We're really happy.

I never imagined this life. Dati, ang mundo ko ay umiikot lang kila mom at dad. Pero look at now, I am happy and contented with the life given by our God, our great God. Been there in a moment that I told myself to give up but...He gave me something to hold on. God always lead me the way I should be.

And this is the place.

Napapikit ako ng maalala lahat ng bagay nang nangyari sa amin. Napadilat ako ng mga mata sa isang boses na tumawag sa akin. "Nanay! Nanay!" Napatayo ako sa pagkakaupo ko sa tawag ng anak ko sa akin.

"My baby, Tris..." Tumatalon siya at nagpakarga sa akin. "Anong meron?" May tinuro siyang direksyon. Ngiting-ngiti siya habang tinuturo iyon.

 "Tatay!" galak ni Tris.

 "Sige Tris pupunta tayo doon." Nag-umpisa na akong lumakad sa direksyong sinasabi ni Tris sa akin...ng anak ko.

"Nanay...tatay doon."

Tuwang tuwa pa rin siyang tinuturo iyong direksyon na sinasabi niya. Tinakpan ko ang anak ko ng kamay dahil sa init ng araw na tumatama sa kanya.

 "Flowers, red..." ani ng anak ko.

"Talaga?"

"Opo!"

Bumaba taas pa ang dibdib ng anak ko nung sabihin niya iyon. Nagpatuloy kaming naglakad habang masiglang nagkekwento si Tris ng ilang detalye. Noong may naaninag kaming mga bulaklak sa paligid nitong buhangin ay nagpababa si Tris ng karga. Nagtatakbo siya roon at sinundan iyong petals ng mga bulaklak.

"Tris baby!" Baka namang madapa 'tong anak ko.

Sinundan ko si Tris hanggang sa naistatwa na ako sa nakikita ko.

Nandito si Mom, si Dad, magulang ni Gideon, Karl at Nica, Harry at Nats at ilan pang mahahalagang tao sa buhay ko. At iyong mga kabaranggay namin. Si Benj kaya nandito rin? Bakit sila nandito lahat?

Namumuo ang luha sa aking mata. Nanginging ang labi ko habang ngumingiti. Napatingin ako ng diretso at nakita ko iyong asawa kong nakatayo kasama iyong kura paroko ng barangay na ito. Oh my God.

Noong nagtama ang mga mata namin ay parehas kaming napangiti. Oh God. Napabuntong hininga ako roon.

"Tatay!" Nagpakarga agad si Tris kay Gideon. Tinuro ako ni Tris sa pwesto ko at kumaway siya. Napakaway naman ako sa ginawa niya. Hay, manang mana talaga si Tris kay Gideon. Nakuha niya iyong mata nito.

"Alysson, honey." Tumabi si mom at dad sa pwesto ko.

"Let's go baby girl." Nilagay ko iyong braso ko kay Daddy. Parehas akong kumapit sa kanya at nag-umpisang lumakad. Nag-umpisa ring tumulo iyong mga luha ko. Pagkatapos ng lahat nangyari sa amin...nananatili kaming matatag sa kahit anong pagsubok na binibigay sa amin.

Napatingin ako sa paligid at nakita kong nag-thumbs up sa akin ang buntis kong best friend na si Nica. Si Karl naman karga-karga anak nila. Gwapong-gwapo at sobrang ma-appeal nilang anak.

Nagpatuloy kaming lumakad papunta sa pwesto ni Gideon at Tris.

This is the life that we have chosen. Maging simple. Maging normal. Gusto niya 'yong oras niya na sa amin lang. Ito yung regalo niya sa akin...iyong lupa sa barangay nila Nica. Iyong lupang malapit kung saan nangyari iyong dati...noong una palang kaming nakapunta rito.

Binigay na ako ni Dad kay Gideon. Umalis sila at pumunta sa isang gilid. Nagpababa naman si Tris at pumunta sa kanya dyosang buntis na Ninang.

Humihip ang hangin at akala ko matatangay na 'yong pagkakaayos ng lugar. Ngunit ang nagpaganda ay 'yong mga petals na lumilipad dahil sa hangin.

"Now people will see my love for you, baby. This place is my witness..." He grinned while looking at me. "My promise, baby..." he added.

"I love you." Lumapit ako sa kanya. Agad kong nilagay ang kamay ko sa batok niya. Lumapit siya at naramdaman ko ang labi niya sa akin.

"Let them witness my love for you...my endless love for you, baby."

Dati pa niya napatunayan iyong pagmamahal niya sa akin. At hinding hindi ako magdududa sa kanya kasi mahal na mahal ko siya. I trust him with all my heart.

"I love you," ani ko. Lumapit ang mukha ko sa tenga niya. May ibinulong ako sa kanya. Gideon's eyes went wide.

"Really?" tango niya.

"Oo." Ani ko.

"You're pregnant?" Hindi pa rin makapaniwala si Gideon. Hinawakan niya ang pisngi ko at pinaulanan ako ng halik. "Baby...tell me what could I ask for? Wala na...wala na!" galak nito.

"We'll stay like this. I love you, forever." Aniya.

"And always." Ani ko.

One thing for sure: Our love is forever.


**

If you want to know about Benjamin's story, try When Love Trilogy. And also if you want to know Nica's, try to read A Trip to Love. Thank you so much! God bless you all!


x





U.N.I. (Book 3 of U.N.I. Trilogy) (SC, #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon