FLY: Chapter Four

25.4K 892 152
                                    

AUTHOR'S NOTE: Hello, guys or "Sick People" (tawag ko sa readers ng SICK. Hehe!). Sasagutin ko na sa space na ito ang ilan niyong katanungan.


FIRST: Totoo ba yung dasal ni Koring noong tinatawag niya ang Diablo?-NO. Hindi po. Random latin words lang po iyon.


SECOND: Paano i-pronounce ang name ni Chynna?-CHI-NA.


THIRD: Si Koring ba ay si Lola Koring ng 'Soju's Bedtime Stories'?-HINDI. Nagkataon lang talaga na parehas sila ng pangalan.


Yan lang po muna. Salamat po ng severe sa patuloy na pagsuporta!!!


—-***—-


CHAPTER FOUR


WALANG patid ang pagtangis ni Koring sa harap ng naaagnas nang bangkay ni Tomas. Hindi niya alintana ang mabahong amoy at uod na nagpipiyesta doon nang yakapin niya ang anak.


"Mabuhay ka na, anak ko!!!" sigaw niya sa pagitan ng kanyang pagtangis.


Ngunit bigla siyang natigilan nang marinig niyang bumukas ang pintuan ng kanilang kubo. Paglingon niya doon ay bumangon ang saya sa kanyang puso sa kanyang nakita. Isang babae ang nakatayo doon. Puro puti ang mata nito at ang mas nakakatuwa ay may hawak itong sariwang puso ng tao!


Hindi siya maaaring magkamali... Ang babaeng iyon ay ang umalipusta sa kanya ilang linggo na ang nakararaan!


—-***—-


ONE DAY BEFORE...


"OO nga pala, Chynna, is it true na nag-break na kayo ni Vinz?"


Natigilan si Chynna sa tanong na iyon ni Margaux sa kanya habang nakahiga silang dalawa sa gilid ng pool. Napakasexy niya sa suot niyang two piece swimsuit. At sigurado siyang mas sexy siya kay Margaux.


Bumangon si Chynna bago sagutin ang tanong na iyon. "Yes, totoo. Bakit mo naitanong?" Lalandiin mo na ba siya nang full time? Dugtong ng isip niya.


"Sayang naman. Bakit hindi niyo ayusin na lang? Gusto mo kausapin ko si Vinz? Tamang-tama, nagpa-plano ako ng outing para sa barkada. It's better kung doon kayo mag-usap."


Ipinaling niya ang mukha niya upang hindi makita ni Margaux ang hindi mapigilang pagsimangot niya. Napaplastikan talaga siya dito. Samantalang noon ay kung makipagyakapan ito sa ex-boyfriend niya ay ganoon na lang.


"'Wag na lang, Margaux. Wala na akong balikan ang mama's boy na tulad ni Vinz. I really hate him! At kung tuloy man 'yang outing, hindi ako sasama!"


"That's sad. Hindi ko na lang itutuloy ang outing kung isa sa inyo ang hindi kasama."


"Bahala ka," aniya sabay tayo. Isinuot niya ang robe. "Papasok na ako. Pahiram ako ng car mo, ha. Pupuntahan ko si Peter."


SICKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon