Chapter One : Unexpected

935 4 1
                                    

<{[ pLeAsE vOtE :)) ]}>

<{[ pLeAsE LiKe :)) ]}>

<{[ tHaNk YoU :)) ]}>

_____________________________________________________________________________

"tinatawagan ang lahat ng mga sundalo sa Central .. we are in code red .. nagkaroon ng ambush sa West Field at humihina na ang depensa dito .. ang pag - atake ay nagmula sa mga se .. ah .. a.." biglang nahinto ang nagsasalita at naputol na din ang komunikasyon sa West Field ..

isang alarma ang narinig sa mga receiver ng bawat base militar ng buong lungsod at sa mga 3G receiver sa bawat lugar sa lungsod ..

Lahat ng mga sundalo sa aking paligid ay nagsikilos na .. inihanda ang kanilang mga armas na gagamitin tulad ng mga Laser Guns , Machine Guns , Spider Bombs , Flashbangs , mga headgear at warsuits , Anti Gravity Ship para sa kanilang transportasyon , war jets at syempre .. ang kanilang mga sarili ..

ang mga residente sa Central ay nanatiling kalmado na parang walang nangyayaring gulo .. tuloy ang buhay sa gitna ng di pansin na kalbaryo ..

nagsuot din ako ng warsuit , nagdala ng Armalite Rifle at binitbit ko ang gagamitin kong headgear ..

lumapit ako sa isa sa mga Anti gravity Ship na gagamitin ng mga sundalo .. "Private , sasama ako sa sa West Field , at dito ako sasakay sa ship nagagamitin nyo .. titignan ko ang nangyayari sa West Field at kung gaano na kalala ang sitwasyon doon .." iniutos ko sa isang sundalo ..

"pero ma'am .. masyado pong delekado ang sitwasyon , baka mapahamak po kayo .." babala niya sa akin ..

"ito ay utos mula sa nakatataas .." agad kong sinabi .. hindi na nakaimik ang pilto ng ship at binuksan nya na ang mga daan papasok sa ship ..

umupo ako sa tabi ng piloto .. sumakay na din ang mahigit dalawampung sundalo sa likuran ng Anti-Gravity Ship .. agad na in-on ang engine at nagtungo kami sa West Field ..

" we are about to take off .. fasten your seatbelts and relax .. " sabi ng piloto sa mga tao sa ship ..

umangat kami ng 200 , 00 feet .. kasabay nun .. nakita ko din ang iba pang ships at war jets na sasabak sa matinding labanan ..

habang nasa byahe .. may nakita akong napakakapal na usok sa kalayuan .. " Sino ang may kayang gumawa ng ganitong gulo? " tinanong ko ang aking sarili ng pabulong .. agad akong kinabahan dahil alam kong sa West Field nanggagaling iyon .. tumingin ako sa CCTV sa harap ng piloto .. ang buong paligid ng ship at ang loob ng ship ay kitang kita sa mga CCTV .. tinignan ko ang monitor patungo sa East Ground para tignan kung may kaguluhan na din roon .. " sana ligtas sila .." dahil sa wala akong nakitang usok tulad sa West Field ..

 Inabot kami ng halos 15 minuto bago nakarating sa boundry ng West Field .. at maya maya ..

"Boom ! Boom ! Boom ! " narinig naming lahat ng mga nasa ship .. umuga ang ship namin dahil dun ..

 agad na tumingin ang piloto sa CCTV para tignan kung san nanggaling ang mga pag atake sa aming ship .. kinuha nya ang audio device at nagreport sya .. " pilot 001954 , we are under attack .. we need assistance and back up under the ship .. do you copy ? " tumingin uli ang piloto sa CCTV ..

tumunog ang receiver ng ship at may nagsalita .. "give me the coordinates .. " may pinindot sya sa taas at may lumabas na mga numbers sa isa monitor na naka off .. "-300 , - 45 .. do you copy ?" sinabi nya matapos makita ang mga numbers sa monitor ..

"copied .." sabi ng nagsasalita sa receiver .. tumingin uli ang piloto sa CCTV .. tumingin din ako .. may nakita ako sa isa sa CCTV na lumapit na warjet na pumwesto sa ilalim ng ship .. nagpakawala ito ng dalawang missiles .. napapikit ako dahil sa alam kong sasabog .. naghintay ako ng ilang segundo pero hindi pa rin sumabog ..

"Private , sira ba ang missile na pinakawalan ng warjet ? " tanong ko sa piloto ng ship ..

"hindi po ma'am .. yun po ang bagong missile na gawa ng war-sci department .. " sagot ng piloto sakin ..

"hibang na ba ang war-sci department ? bakit sila gumawa ng missile na hindi sumasabog ? " tanong ko sa kanya ..

"hindi po ma'am .. yun po ang 100x missile .. " sagot niya sakin ..

"100x missile ? ngayon ko lang narinig yun ahh .. anu ba yun ? " tanong ko uli sa kanya ..

" isa po yung non - explosive missile at yun po ay radioactive .. kaya po sya tinawag na x100 missile .. kasi po 100 times po syang mas radioactive sa x-rays .. at nakakamatay po ito .. pag pinakawalan po ito ng jet .. babagsak po 'to sa lupa at agad na mababasag .. kakawala ang radioactive substance at maapektuhan ang mga tao at hayop sa paligid nito within 20 meters .. " sagot niya sakin uli ..

"ahhh .. yun pala yun .." sabi ko .. "napagaling talaga ng war-sci department .." huli kong sabi ..

" everyone .. ready your suits ang weapons .. we are about to land in 30 secs .. " sabi ng piloto sa lahat ng tao sa ship ..

nagsikilos na ang mga kasama naming sundalo .. isinuot ko na din ang head gear ko .. maya maya pa .. nagbukas na ang mga daan palabas ng ship at may sumigaw ng .. "Go! Go! Go! .. " agad na bumababa ang mga sundalo .. bumaba na rin ako ..

tumingin ako sa paligid .. wala akong nakitang kahit anong bagay roon maliban sa lupa at mga bato .. parang bang disyerto ..

may lumapit sa aking isang sundalo .. napakakisig niya at mukhang napakatapang .. nakita ko sa kanyang balikat ang kanyang ranggo , isa syang 2nd lieutenant na sundalo .. "ma'am im 2nd lieutenant Surge .. ako po ang magiging protector niyo dito .." sinabi niya sa akin ..

"ok .." yun nalang ang nasabi ko dahil may umagaw ang atensyon ko .. napatingin ako sa  kalangitan dahil may tila isang bulalakaw nababagsak sa kinatatayuan namin .. "tignan mo yun .. " sabi ko kay 2nd lt. Surge ..

tumingin si lt. Surge at tila nabigla sa nakita .. " air attack !" agad niyang sinigaw .. lahat ng mga sundalong nakarinig ay tumingin sa kalangitan ..

"ihanda ang  mga impact barrier ! icalculate ang kung saan ang ground zero nito .. " sabi niya sa isang sundalo ..

maya maya .. gumalaw na ang mga land units at gumawa ng pabilog na hanay sa isang lugar .. "i-on ang impact barrier !" sigaw ni lt. surge ..

may lumabas na barrier mula sa mga land units .. hinarangan nito ang paligid ng babagsakan ng tila bulalakaw na nakita ko .. at matapos ang limang segundo .. "Boom !" bumagsak at sumabog ang bulalakaw .. nakagawa ng isang malalim na crater ang pagsabog pero wala kaming naramdamang kahit na kaunting impact mula dito ..

naghiwahiwalay na ang mga sundalo ..  may iba't ibang destinasyon kasi kada grupo .. napasama ako sa grupo nila Major Navarro .. at sila ay pupunta sa pinakadelekadong lugar .. ang sinasabing pinagmulan ng gulo ..

____________________please VOTE or Leave a COMMENT to continue____________________

________________________________♥ juztin_0015 ♥_________________________________

Vendetta : Book 1 &lt;Book of Silver-Eye Clan&gt;Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon