Para kay EX

205 15 0

Ika'y aking tinitignan

Ngiti mo'y pinagmamasdan

Mga tawa'y pinakikinggan

Hinihiling ika'y akin

Muli ay iyong mahalin

Ito ang tanging dalangin

Ikaw ay mahal ko pa rin

Pagmamahal sana'y dinggin

Puso'y paos sa pagsigaw

Sinisigaw nito'y ikaw

Ito sana ay marinig

Habang ako'y meron pang tinig

Mahal kita, alam mo ba?

Ito'y hindi mawawala

Pagibig ko sayo'y lubos

Ito'y hindi matatapos