Chapter 29

5.6K 78 19
                                    

Hi guys....sorry...i know ang tagal ko nang hindi nagupdate...sana magustuhan niyo tong chapter na ito :)

********************

Naging successful naman ang turn out ng King's Fair. Lahat nang dumalo ay naging masaya. Isa sa mga taong nakitaan muli ng mga tao ng sigla ay si Prinsepe Xian. Nang mga nakaraang King's Fair kasi ay itinigil na nito ay mga traditional niya na ginagawa simula ng pumanaw si Yvette. Pero hindi ngayong Fair na ito.

Laking gulat nga ni Manang Julie ng makita niya si Xian ng maagang maaga sa kusina. Hindi niya kasi iniexpect na magluluto ito ng specialty niya today. Tuwing King's Fair kasi nuon ay laging nagluluto si Xian. Sabi niya kahit at least once a year man lamang daw ay magamit naman niya ang husay niya sa kusina. Nahinto lang naman yun ng namatay si Yvette.

"Oh Xian, anong ginagawa mo dito?" Gulat na Tanong ni manang Julie ng madatnan si Xian na abalang abala sa kusina.

"Manang gising na po pala kayo Good Morning po!" Nakangiting sagot naman ni Xian sa kanya.

"Naku bata ka ang aga mo ata nagising, ano ba yang pinagkakabalahan mo?" Tanong uli ni Manang Julie at lumapit kay Xian.

"I'm cooking my specialty manang - Beefsteak. And i'm also cooking breakfast for everyone,"sagot naman nito.

"Ano ka ba? Ako na yan," sabi naman ni Manang Julie. At triny na kunin ang hinihiwang sibyuyas na ginagawa ni Xian.

"Manang ako na po, para naman makapagpahinga kayo. Madalang naman po na ginagawa ko to so hayaan niyo na po ako. And I know for the past few years I haven't been able to do it, kaya bumabawi lang po ako sa inyo" magalang na sabi niya kay Manag Julie.

"Oh sige pala kung yan ang gusto mo, maiwan na pala kita diyan. Sigurado ka bang di mo kailangan ng tulong or anything. Bago ako lumabas at tulungan sila sa pagsesetup? " Tanong uli ni manang kay Xian.

"I'm sure po manang. I can manage na po and thank you. At saka manang I'll leave some breakfast din po sa inyo ni Manong Murdock. Iwan ko na lang po na nakatakip po diyan sa may table." Sabi ni Xian.

"Salamat anak, o siya maiwan na kita dito," sabi ni Manang Julie.

Pagkatapos nun ay inawan ni Manang si Xian na magisa sa kusina pagkatapos niya magpasalamat.

Nang makaalis ng kusina ay tinuloy naman ni Xian ang ginagawa niya. Tinignan niya ang oras its only 6:15 am. Maaga pa kaya Minarinade niya muna ang beef kasama na ang sibuyas at sinet aside niya muna iyon at saka sinimulan niya na ang pagluluto ng almusal.

Nagluto siya ng corned beef, eggs, at saka sinangag for breakfast. Pagkatapos nun ay sinimulan niya na na din lutuin ang beefsteak. Patapos na siya ng may dumating sa kusina.

"Manang Julie ang bango naman niyang niluluto niyo ano po ba ....." walang kamalay malay na sabi ni Kim pagpasok sa kusina.

"XIAN?!?!" Gulat sabi nito ng makita niya si Xian na nakaapron at busing nagluluto sa harap ng kalan.

Napalingon si Xian sa gawi niya at sanabi, "Good morning," nakangiting bati ni Xian sa kanya.

"Wait...asan si Manang bakit ka nagluluto?" Naguguluhang tanong ni Kim sa kanya.

"I always do it during King's Fair, natigil nga lang lately," sabi nito sa kanya. "We'll I hope gutom ka madami akong nilutong breakfast. Sila tatay, nanay at Enchong gising na ba sila?" Dagdag pa nito.

"Ahh ganoon ba? Oo susunod na daw silang bababa sa akin. Actually oo ehh nagugutom na ako. Do you need me to do anything?" Tanong ni Kim sa kanya. At saka lumapit para tignan ang niluluto ni Xian.

The Princess (KimXi Fan-Fiction) EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon