Kabanata 21

1.6M 44K 24.4K
                                    

Kabanata 21

Anak ni Juan Antonio

Hindi maalis sa isip ko ang mukha ni April. Ang ganda niya! Sobra! Hindi rin makapaniwala ang audience. Si Jacob naman ay nakatingin lang kay April... Ni hindi kailanman dumapo ang mata niya sakin lalo na nung nag long gown na kami.

"ARANJUEZ PARIN! GANDA! NATURAL! KAHIT WALANG MAKE UP MAGANDA!" Agad kong hinanap ang mga lalaking nagsabi nun.

Gusto kong yakapin sila... It made me feel better. Kahit na alam kong naliligalig na ang puso ko. Si April na maganda, si Jacob na galit at di makatingin sakin, ang Buenaventura na jersey ni April kanina.

Narinig ko pa si Auntie Precy nang nakita niya ang jersey, "Sila na ba ni Jacob?"

Hindi ako sumagot.

Narinig ko din ang mga audience, "Shet ang swerte ng nerd na yan! Sarap magpakanerd din kung si Buenaventura din makakatuluyan."

Hindi ko namalayang kanina pa ako nakasimangot sa stage. Nakita ko si Maggie na ini-stretch ang mga labi nya at tinuro ako kaya sinubukan kong ngumiti pero wala eh... fake smile lang ang kaya. Kumaway na rin ako para mas makatotohanan.

"And the winner for the miss intramurals is... candidate number..."

Hindi ako kinabahan. Manhid na ako. Kanina ko pa tinitignan si Jacob na nakatingin kay April at nag che-cheer, nag whi-whistle at sinisigaw yung pangalan niya.

POTA! AYOKO NA! BWESIT! Tumulo talaga ang luha ko sa magkabilang pisngi ko...

"Candidate number 12! Ms Roseanne Aranjuez!" Nag dagsaan silang lahat sakin.

Yung taga-bigay ng sash, crown, flowers, trophy, frame, si mama at papa, si auntie Precy, si Maggie, si Mrs Gonzalo at Mrs Castro.

"OH MY GOD SIS!" Sabi ni Maggie at malaki ang ngisi. "You won!"

Pero grabe yung luha ko... parang gripo kung tumulo.

"Wa'g kang umiyak, di pa naman 'to Ms Universe!" Tumawa si Maggie.

Tumawa din ako at pinilit ang ngiti sa sarili ko habang nag pipicture. Hindi nakapasok si April sa tatlong runner ups.

"Rosie, mauna na kami sa bahay ah? Bilisan mo dyan nang makapagcelebrate tayo sa bahay." Sabi ni mama pagkatapos kong mag bihis.

"Opo." Tsaka ko naman nakita si April na umiiyak at pinapalibutan ng mga kaklase ko at ibang namangha sa kanya kanina.

Mamayang hapon ang cheering competition at tutugtog daw sina Jacob. Ngayon, iniisip ko kung pupunta ba ako o hindi. Hindi naman kailangang pumunta (dahil ms Intramurals ako) pero... ewan ko ba.

"April." Lumingon lahat nang nandoon sakin.

Baka Sakali 1 (Alegria Boys Series #1) (Published under Pop Fiction, and MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon