CHAPTER 96

6.5M 119K 265K
                                    

DEIB'S POV

'Paano nga bang nakatagal ako ng mahigit dalawng oras kasama sina Parrot at Taguro? Nandito ako hindi para makipagbiruan sa kanila! Nakakabadtrip!'

Nababadtrip ako dahil pinagtri-trip-an nila ako. Wala silang ibang ginawa kung hindi ang asarin ako at tumawa ng tumawa. Ang mga ngisi ni Taguro ay nakakaloko, animong may naiisip siyang biro na siya lamang ang nakakaintindi. Pero hindi ko maitatanggi sa sarili ko na natutuwa rin ako kahit papaano dahil sa kabila ng mga nangyari sa pagitan namin ay hindi sila umalis sa tabi ko. Hindi nila ako ipinagtabuyan o pinakitaan ng masama kahit pa ang lalakas nilang mang-asar. Tama si Taguro, magkaaway kami at si Parrot naman ay hindi ko kasundo, pero sa kabila ng katotohanang iyon ay sila pa rin ang kasama ko.

'Tch! Sabagay, paano ko nga ba makakasundo si Parrot, eh, sobrang ingay niya? Dinaig niya pa si Tob! Daldal dito--daldal doon! Kahit walang kuwenta ay sinasabi niya. Tsk.'

Hindi ko rin maitatangging nakakatuwang panoorin ang relasyon nila sa isa't isa. Magkasundong magkasundo sila at parang iisa lang ang daloy ng mga bituka. Hindi talaga nila ako iniwan at sa halip ay mas tinanggap pa nila ako at sinamahan. At iyon ang importante sa'kin ngayon.

"Oh, uminom ka pa," alok ni Parrot, tsaka sinalinan ang baso ko.

"Salamat," tugon ko, tsaka ininom agad ang laman ng baso.

"Oh, heto pa."

"Thanks, Parrot."

"Oh, isa pa," aniya at muling nagsalin.

"Teka naman!" awat ko sa kaniya na sandaling ikinabigla niya. "Eh, napapansin ko, ako na lang ng ako ang umiinom dito, ah? Nilalasing mo ba ako?" inis na tanong ko.

"Eh, hindi ba't iyan naman ang ipinunta mo rito?" natatawa pang tanong niya.

"Oo nga," iiling-iling na tugon ko. "Pero bakit parang ako na lang ang umiinom? Dinadaya niyo naman ako, eh!"

"Aba, 'oy! Anong dinadaya naman? Puwede ba? Hindi ka sa kanto nakikipag-inuman, ah? Ikaw ang brokenhearted dito kaya ikaw lang ang dapat na malasing! Mangdadamay ka pa?! Psh!" anas niya at natigilan ako talaga.

"Anong mangdadamay? At saka, anong ako lang? Eh, hindi ba't 'yan din si Taguro ay brokenhearted?" naiilang na turo ko pa rito. Wala siyang imik at animong mag-isa lang sa kabuuan ng TB.

"Well, oo nga, pero sanay na 'yan, okay? Hehehe!"

Sandali akong natigilan. "Paanong sanay?"

"Psh! Mukha ba siyang tulad mo? Look at her, she looks so calm," turo pa ni Parrot at ganon nga ang itsura ni Taguro. "'Yan si Max! And besides, nasaktan na siya ni Randall noon, kaya naman hindi na bago iyan sa kaniya ngayon," nakangiti ngunit seryosong anas niya, hindi ko naman naiwasang tingnan si Taguro. Batid kong dinig niya ang usapan namin ni Parrot pero gaya ng nakasanayan na ay parang balewala na naman ito sa kaniya. "Nagkataon lang talagang... sa itinagal tagal ng panahong nakalipas ay biglang bumalik si Randall at naggugugumanon! Tsk tsk!" iling niya pa.

"Ang wirdo ng nung mga sinabi ni Randall--hindi ko maintindihan."

"Ako rin, eh, hahaha! Hindi niya rin siguro naintindihan ang sarili niya, hahaha! Tuleg din, eh. Bakit hindi mo ako ipinaglaban?!" panggagaya niya sa tanong ni Randall kanina. "Stop me! Hindi ka niya ipinaglaban dahil lugi siya sa kalaban," nakangiti pang dagdag ni Parrot tsaka bumuntong-hininga. "Haaay, naaawa ako sa kaniya pero lamang ang inis ko. Ang gulo gulo niya! Psh! Pero alam kong nasasaktan din siya."

HE'S INTO HER Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon