Chapter 30

166K 2.1K 401
                                    

~Shayne's POV~

"Bess!!!" sigaw nung apat na nasa gitna alam nyo na kung sino. "Happy Monthsarry sainyo!"

"Kahit wala ang Nampyeon mo!" sigaw ni Tracy

"Oo nga oo nga! Sarap sabunutin!" dugtong pa ni Sofie

"Bakit mo pa kasi yun sinagot??" tanong ni Qim na seryoso ang mukha. Wala akong magawa, hindi ko naman kayang pag-tanggol sya kahit gusto ko man. Lalo lang nila ako sasabihan.

"Haay naku Bess! Uupakan ko na talaga yun pag nagkita kami sa Campus. Humanda sya!" Waaaah... T_T Nakakatakot si Bess Cielo. >_<

"Bess naman masyado mo namang tinatakot si Shayne e. Mabuti na lang kung mag-p'party tayo para kahit papano mawala yung lungkot ng Bess natin." sabi ni Qim

"O sya sya! Mag-party party tayo for our Bessy! GUYS!!!" Tracy

Bigla na lang sumigaw yung mga tao sa loob ng bar ng “HAPPY 1st MONTHSARRY SA INYO NG NAMPYEON MO!! SANA MAG-TAGAL KAYO!!!” Yung iba humirit pa may nag-sabing

“Malas mo Te! Wala syota mo!”

“Ako na lang Miss! Hindi kita iindianin sa araw natin!!”

“LET’S HAVE FUN TONIGHT!!!” sigaw nung DJ sa stage at nag-patugtog sya ng kantang napakalakas KISS YOU by One Direction

 

“WHOOOOOO!!!” bigla na lang naging wild yung mga tao. Kasama natural sina Tracy. At  pati na rin si Qim sumayaw sa dance floor. Ako na lang ata ang hindi pa pumupunta sa dance floor at nakikisaya.

Umupo na lang ako sa table namin at ininom ang cocktail ko, wala namang masyadong alcohol kaya di ako malalasing dito. Baka kasi kapag umuwi ako ng lasing baka isusumbong nila Ate kay Lolo okaya kaya Lola okaya kina Mommy. Grounded ako ng ilang months pag nag-kataon.

“Bess tara sa dance floor!” sigaw ni Sofie habang ininom ang cocktail nya.

“Bess naman, alam mo namang hindi ako sanay sa ganitong atmosphere.” Natatakot ako na baka maulit yung last time.

Campus Nerd To Campus Princess (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon