Chapter 1

81.4K 1.2K 195
                                    

BABYSITTING 6 ALIENS II : REMEMBERING BAMBI



No human beings were harmed while making this story. Well, almost.


© February 2013 Krisylala


☆彡 ☆ミ ☆彡 ☆ミ ☆彡 ☆ミ ☆彡 ☆ミ ☆彡 ☆ミ  

●~* Where it all started ●~* 

[BAMBI]

"Kuya! Ayokong ma-late!" sigaw ko habang patuloy ang pagkatok, more like paghampas, sa pintuan ng kwarto nya.

"Flame! Lumabas ka na dyan kung ayaw mong wasakin ko ang pinto!" sigaw ni Rock mula sa baba.

Pagkatapos ng ilang segundo, bumukas na ang pinto at lumabas ang aking nakangiting kuya na para bang walang narinig simula kanina, "Good morning, princess ^____^"

Para syang si Grandmy (__ ___")

Inakbayan nya ako at sabay na kaming bumaba. 

Nandoon na sa baba at naghihintay sa amin sila Rock, Ice, Sky, Dark, Light, at Leaf.

"Tara na, Bambs!" hihigitin na sana ako ni Leaf palayo kay Kuya pero hinampas nya ang kamay nito.

"Alright, alright." pagsusurrender ni Leaf, "Sheez. Overprotective brother -__-"

Kilala nyo pa ba ako? I'm Bambi Fule, once a babysitter of 6 aliens, and now living with 7.. not so normal guys, I guess?

[3RD]

Naisipan nilang lakarin na lang ang daan papunta sa university. Oo, kahit alam nilang male-late na sila. 

Mapilit si Rock eh, kailangan daw niyang i-maintain ang 'figure' nya (_ _")

Patuloy lang sila sa pagkukulitan at asaran nang napahinto na lang bigla si Bambi at tinitigan ang isang bagay na nag-uudyok sa kanya na patuloy pa ring umasa. 

Umasa sa kanilang pagbabalik.

Ang dingding na remembrance ni Youngjae.

Dati, yung buong letter I ang nakailaw, pero ngayon, isang butil na lang ng maliit na bumbilya ang nananatiling nailaw doon.

Ayaw man nyang aminin, pero nararamdaman nya na imposible pang bumalik ang anim.

Ang anim nyang aliens. Those weird, cute, hot, perverted, mysterious, adorable aliens.

Nagising lang ang diwa nya nang biglang tinawag sya ni Flame na malayo na mula sa kanya.

Tiningnan nya muli ang dingding bago patakbong lumapit sa mga lalaking bagong dating sa buhay nya ngayon.

Maa-attach din kaya sya sa pitong lalaking ito tulad ng pagka-attach nya sa anim?

Kahit sya, hindi alam ang sagot. Hahayaan na lang nyang mangyari ang mangyayari.

But one thing is for sure, her experiences with the six aliens will never be replaced.

Nang nakalapit na sa kanya si Bambi, hindi maipagkakaila ang nakikita nyang kalungkutan sa mga mata ng kapatid nya.

Bumuntong hininga si Flame at nagsimulang maglakad. Nagpapanggap na hindi sya naaapektuhan at nasasaktan sa nararamdaman ni Bambi.

Sila pa rin. 


Sila pa rin ang nasa puso ni Bambi.

Sila pa rin ang itinuturing nyang pamilya.

Remembering Bambi (Babysitting 6 Aliens #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon