My Hot Alien Boyfriend

96.2K 1.2K 171
                                    

My Hot Alien Boyfriend

by J.C. Quin

 

*1*

Accidental Kiss

Krrrrriiiiinnggggggg!!!

Napabalikwas ako ng gising. Narinig ko kasi ‘yung tunog ng alarm clock na nakapatong sa side table. Kinuha ko ‘yun para patayin. Pinasabugan ko ng bomba, binuhusan ko ng asido saka ko tinadtad nang pinong-pino. Pero syempre. joke lang ‘yun! Wahaha! Nakakainis naman kasi eh, inaantok pa 'ko. Gusto ko pa matulog tapos bigla na lang tutunog para bulabugin ang napakahimbing kong tulog. Napanaginipan ko pa naman ‘yung crush kong bidang lalaki sa drama sa tv na pinapanuod ko tuwing gabi bago ako matulog.

"Konti pang tulog. Mga five minutes. Ala-sais pa lang naman ng umaga," bulong ko sa sarili ko kasunod ng paghiga ko uli sa kama. Nagbabaka-sakali rin ako na matutuloy ‘yung panaginip ko kanina. Nahinto pa naman ‘yun kung saan magtatapat na raw ng pag-ibig sa’kin ‘yung crush ko!

Natulog uli ko ako, kaso parang wala pa atang five minutes nang magising na naman ako sa narinig kong pagkatok sa pinto ng kwarto ko. Hindi ko ‘yun pinansin. Malamang si Ate Karen lang ‘yun, ‘yung bagong maid namin. Sasabihan na naman ako na gumising na, dahil baka ma-late na naman ako sa school. Pero maaga pa naman eh. Hindi ko naman ikaka-late ‘yung five minutes. Matutulog ako uli!

"Ma’am Hannah," sabi niya kasabay ng pagkatok sa pinto. "Ma’am Hannah. ‘Di po ba kayo papasok? Kasi 6:30 na po ng umaga. 7:00 A.M. po ang pasok niyo ‘di ba? Male-late po kayo Ma’am Hanah."

“Patawa naman si Ate Karen. Anong 6:45 eh..” napatigil ako sa sasabihin ko nang mapatingin ako sa orasan. Waaaahhh! 6:30 na nga! Ganun ba ‘ko katagal nakatulog? Pero parang five minutes lang ‘yun para sa’kin. Waaahhh! Male-late na naman ako!

Bumangon ako agad. Hindi na 'ko naligo, kasi naligo naman ako kagabi. Kinuha ko agad ‘yung uniform sa cabinet ko saka ko isinuot. Hindi na rin ako nakapagsuklay, ipinusod ko na lang ‘yung buhok ko. Kinuha ko ‘yung bag ko, at isinaksak na lang lahat ng gamit ko sa school. Tumakbo ako palabas ng pintuan. Nagulat pa si Ate Karen nang bigla akong lumabas. Pagbaba ko ng hagdan dumaan lang ako sa kusina kung saan sigurado akong nandoon si Mommy.

"Mommy, alis na po ako. Ba-bye!" paalam ko sa kanya.

"Teka Hannah, ‘di ka man lang kakain?"

"Hindi na po. Sige po late na po ako!"

Nasa main door na ‘ko at palabas na 'ko nang maalala kong hindi pa pala 'ko nag-toothbrush! Naman! Sa lahat ng pwedeng malimutan ‘yun pa! Kaso male-late na talaga ako. Sa school na lang ako magtu-toothbrush, hindi na lang ako magsasalita para walang makapansin. Wahaha!

Sumakay ako agad sa kotse na nakahanda na paglabas ko. Alam ni Manong Ed na late na 'ko, kaya pinaandar niya agad ‘yung sasakyan para umabot ako sa school.

"Bye Manong Ed! Salamat po! You’re my savior!!" paalam ko kay Manong Ed, habang pababa ako ng kotse.

Pagdating namin ng school may five minutes pa ‘ko para takbuhin mula sa parking lot ng school, papunta sa classroom ko.

Takbo Hannah, TAKBO!

Tumatakbo ako papunta sa building kung nasaan ‘yung classroom ko nang may napansin ako. Kung ako tumatakbo at nagmamadaling makarating sa room. ‘Yung mga babaeng estudyanteng nakakasalubong ko, tumatakbo naman palabas ng building.

Anong meron?

"Eeeee!! Nakita niyo ba sila? Ang gwagwapo nila ‘di ba?"

"Pinaka-hot ‘yung red ang buhok."

My Hot Alien Boyfriend - EXCERPT (Published - VivaPsicom)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon