33: Dear God

195K 3.7K 224
                                    


Lord, bakit po hinayaan niyong magkasakit si Mel?

Kaya po pala siya hindi nakapasok last week dahil may malalang sakit siya sa puso. Kaibigan niya ako pero ngayon ko lang nalaman ang pinagdaraan niya.

Lord, wag niyo na po siyang pahirapan. Ako po ang may kasalanan kung bakit napwersa ang katawan niya at nasa malubhang kalagayan ngayon. Ako na lang po ang pahirapan niyo.

Umpisa pa lang, wala akong naging kaibigan. Akala ko magiging boring din ang high school life ko pero dumating siya. Si Mel lang po ang nag-tyaga saakin. Si Mel lang po ang kumakausap saakin kahit madalas ay hindi ko siya nasasagot. Siya lang din ang nakakakaintindi saakin kahit wala akong sabihin.

Siya lang po ang kaibigan ko, Lord. Wag niyo po siyang kunin agad. Hindi pa po sapat ang oras na pinagsamahan namin. Kahit hindi na muna ako pumasok ng ilang araw para tumulong magbantay sa kanya. Hindi ko siya iiwan kaya nakikiusap po ako, pagaling niyo siya. Please? Please.


Lovelife? Ano 'Yun? ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon