CHAPTER 205

3.3M 60.5K 195K
                                    

CARGOSIN'S POV

"Siguraduhin mong sa susunod ay hindi ka na gagawa pang muli ng ganitong kaestupiduhan, Cargosin!"mariin ang pananalita ni Chairman. At kung wala lang sa harapan namin ang doktor at si Christian ay paniguradong nasampiga na ako nito.

"Yes, Chairman," napapahiya kong sagot. "Lo siento, te pido disculpas, Chairman," pagpapaumanhin ko.

Ilang araw ko ring itinago sa Chairman ang malaking sugat ko sa dibdib. Kung aksidente lang sana iyon ay hindi siya magagalit. Ngunit dahil ako mismo ang gumawa no'n ay magiging isang kalokohan iyon para sa kaniya. Kaya naman mas pinili ko na lamang na itago.

Pero hindi nagtagal ay nalaman niya rin ito, kaninang umaga. Nang hindi ako makapasok dahil sa mataas na lagnat, may dalawang araw na rin akong absent. May ipagagawa sana sa akin ang Chairman, pero dahil nakita niya ang tungkol dito at dahil na rin sa lagay ko, ay hindi ko iyon nagawa.

Matindi ang galit na naramdaman ni Chairman. Kung nagawa ko lang sanang makapagpagamot agad ay wala sanang problema. Kaso ay hindi, ilang araw ko pa iyong ininda. Hindi ko naman maaaring idahilan ang pesteng Maxpein na iyon. Paniguradong pagbubuntunan niya ng galit ang babae. Paniguradong panibagong plano ang ipagagawa niya para lang paghigantihan ang babae.

Hindi pwedeng mangyari iyon bagaman pabor sa amin iyon ni Christian. Una ay hindi alam ng Chairman ang mga pagsugod na ginagawa namin kay Maxpein. Ikalawa ay kami rin mismo ang sumisira sa planong binuo niya. Magagalit siya lalo kapag nalaman niyang kami ang nauna kaya umabot ang lahat sa ganito.

Nang makalabas ang Chairman para kausapin ang doktor ay 'tsaka ako bumaling kay Christian. "Pesteng doktor kasi iyon," tukoy ko sa private doctor na madalas kong papuntahin sa bahay. "Ngayon pa siya nagsagawa ng medical mission, tuloy ay na-pendejoang mga plano ko. Kung nakarating siya agad ay hindi na sana nalaman pa ng Chairman ang lagay ko," halos pabulong ko iyong sinabi dahil sa takot na marinig ng Chairman. "Nagkandamalas-malas na," dagdag ko pa.

"Bakit ba kasi kailangan mo pang gawin iyan sa sarili mo?"

"Para nga sa Randall na iyon! Isa pang hambog!"

"Umalis na siya no'n upang puntahan ka, ano pa ang rason upang gawin mo iyan sa sarili mo?" puno siya ng pagtataka.

"Kung hindi ko gagawin ito, ano sa tingin mo ang maaari kong idahilan kay Randall para puntahan ako nang ganoong oras ng gabi?" sarkastiko kong tanong.

"Nakapagdahilan ka na at pumunta rin naman na siya. Pwede kang bumuo ng panibagong kasinungalingan nang magharap kayo imbes na iyan ang gawin mo sa iyong sarili. Look at you! May napala ka ba?" naging mas sarkastiko siya.

Damn it!

Tuloy ay gusto ko ring magalit sa sarili. Ngayon ko lang naiisip ang mga pinagsasabi at ikinilos ko sa harap ni Randall. Hindi malabong pagtakhan niya ako at ang mas nakakaperwisyo pa ay baka iba ang isipin niya sa naging paghaharap namin. Masyado akong nagpadala sa emosyon ko sa naging sagutan naming tatlo nina Maxwell. Tuloy ay umabot ang lahat sa ganito.

Peste! Mierda!

"Ipinahamak mo lang ang iyong sarili, Cargosin. Ang sabi ng doktor kung hindi ka nadala dito agad ay pwede kang patayin niyang impeksyon mo sa katawan."

"Heto na nga ba ang sinasabi ko sa lintik na pagtaliwas natin sa plano, Christian!"

"Ako na ba ang sinisisi mo ngayon, Cargosin?" kunot-noo niyang tanong, sinamaan ko siya ng tingin. "Maayos na maayos ang plano. Pupuntahan ko ang bahay ni Randall at itatakas ang kaniyang anak. At upang hindi ka niya paghinalaan ika mo ay tatawagan mo siya upang papuntahin sa bahay. Wala sa plano natin ang paglalagay mo ng malaking sugat diyan sa iyong dibdib. Kaya huwag mo akong masisi, Cargosin."

HE'S INTO HER Season 3 | COMPLETED |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon