Chapter 22: Bumalik siya

453 21 4
                                    

Chapter 22

Nalipat ang shift ko sa gabi. Kapag wala na yung mga empleyado doon ako maglilinis ng floor na assign sa akin. Mabuti na lang may kasama ako. Kaso nga lang nasa ibang floor siya kaya mag-isa akong naglilinis ng malawak na floor na ito.

Hindi naman ako natatakot. Enjoy nga ako kasi nakaka dalawang linggo na akong ganito at ilang linggo na lang ang hihintayin ko, makakasahod na ako. Pero hindi ko pa rin maiwasan ang taong iyon lalo na ngayon dito na rin siya nagtatrabaho.

Iniwan na niya ang pagiging photographer at balita ko tinanggap na niya ang trabahong matagal ng inaalok ng kaibigan niyang si Louie.

Nang matapos na ako nagpalit lang ako ng damit at naglakad na ako palabas ng building. Dahil wala akong dalang pera pauwi nagpunta ako sa madilim na lugar para magpalit anyo. Bago ko gawin yun may tumawag sa pangalan ko.

"Fyglia!" hinihingal siyang tumakbo palapit sa akin. Kinabahan ako. Muntikan na akong mahuli doon. "-anong ginagawa mo dito? Di ba uuwi ka na?"

Napakamot ako ng ulo. Ano ba ang magandang dahilan...

"Ah kasi—"

"Sabay ka na sa akin..." nakakahiya lalo. Dalawang linggo na din kaming di nagkikita simula nung party sa bahay nila. Hindi ko na rin siya nakausap mula noon.

"Nakakahiya Isaiah, huwag na."

"Mas lalo akong nagtatampo sa'yo Fyglia. Di ka na nga nagpakita sa akin after party tapos ngayon ayaw mo pang tanggapin request ko."

"Sige na nga." ngumiti naman siya kaagad at nilead ako sa sasakyan niya.

"Tell me ano bang ginawa mo kay Caloy nung party? Bigla na lang kayong nawala pagkatapos mong sugurin sya. Hahahhaa. Hindi ko na rin nakikita iyon. Huwag mong sabihin minassacre mo siya? Hahahaha."

"Grabe ka. Hindi ha."

"Pero alam mo halata yang si Caloy na may gusto sayo." bigla akong napatingin sa labas. Habang siya patuloy pa rin sa pagmamaneho. "-but I won't be affected. May the best man wins."

Ngayon naman napatingin na ako sa kanya. Hindi ako manhid. Pero ayaw ko na dumating sa puntong ganito. Tumingin siya sa akin at nginitian ako.

"Kain muna tayo."

"Gusto ko ng umuwi." matigas kong sinabi.

"I insist. Alam kong di ka pa kumakain."

"Ihinto mo na lang. Baba na ako."

"Fyglia" nagpanic ang boses niya. Napabuntong hininga ako. Ang rude ko talaga. Kapag may hindi ako nagustuhan na ginawa sa akin ng isang tao. Lumalabas ang tunay kong ugali.

"Okay, iuuwi na kita. Kung iyan ang gusto mo."

"Thank you." tahimik ang biyahe hanggang sa nakarating ako sa condo. Bago ako lumabas tinignan ko siya. Naguilty ako sa nasabi ko. Malungkot kasi ang mukha niya.

"Thank you ulit Isaiah."

"I'm sorry Fyglia kung may nasabi man akong hindi mo nagustuhan." nginitian ko na lang siya bago ako lumabas.

Pagkapasok ko sa unit namin napaupo na lang ako sa sahig. Hindi rin siya pwedeng magkagusto sa akin. Hindi man niya sinabi sa akin ng direkta. Alam ko at halata ko naman sa kanya.

"Anong nangyari sayo?" napatayo ako bigla. Nandito na pala siya.

"Wala. Pagod lang." tumango tango muna siya at tapos bigla niyang akong hinawakan sa balikat.

"Fyglia nakabalik ako sa Faylinn kanina!"

What? Wh-what?!!

"Ha? Ano ulit?" sinubukan kong kumalma.

Fyglia's EnchantmentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon