[53] #100STHHUntoldSecrets

111K 2.9K 2.7K
                                    

Are you team HICO or HENZO?

Please play the song. And please prepare tissue.

You have been warned. Enjoy.


Chapter 53

Mico's POV

[Now Playing: Wait by M83]

Hinila ko ang braso ni Gutierrez hindi naman siya pumalag. Alam naman niyang kailangan na talaga naming magusap kung hindi... baka masira pagkakaibigan naming.

"Saan mo siya dadalhin? Mico bitawan mo nga si Enzo, sumosobra ka na!" Sumosobra? Nagpintig ang tenga ko. Hinarap ko si Hope. Masakit na ngang makita na si Enzo na naman ang kinakampihan niya dito, tapos sasabihin niya na sumosobra ako?!

"Hope, sumosobra ako? Oo! Sumosobra na talaga ako! Sumosobra na ako sa pagmamahal sa'yo! Nagpapakatanga na ako! Hindi ako ganito! Sumosobra na talaga ako kasi kahit wala lang ako sa buhay mo pinipilit ko pa ring mahalin mo ako! Oo sumosobra na talaga ako kasi kahit ang sakit na makita kayo dalawang, okay lang basta masaya ka. Pero oo nga, sumosobra na nga ako. Kaya maguusap kaming dalawa, kasi sobra na, Hope... Sobra na. Ang sakit sakit na."

Pinigilan kong maluha. Pero tangina kasi eh. Ang sakit pala nito? Ang sakit palang hindi ka mahalin ng mahalin mo? Iba pala talaga.

"Mico..."

"Tama na. Ayoko ng marinig ang sasabihin mo. Kasi oo, sobra na. Lahat, sobra na. Kaya Gutierrez, magusap na tayo."

Magusap tayo. Kasi kung mahal mo pa siya... Kung mahal mo pa si Hope...

Pero hindi ko muna inisip, hinila ko lang siya papunta sa driver ko. Hindi kami pwedeng magusap sa school kasi baka pagpiyestahan kami. Napadaan kami sa gym nakita namin si Bryle at Venice pero hindi ko sila pinansin. Kasama nila si Chelsea at Miks pero hindi ko rin sila pinansin.

Yung sakit napalitan ng galit. Bakit ganoon? Ang daya ng mundo. Itong gagong Gutierrez na 'to na iniyakan ni Hope... Isang salita lang na sabihin niya, na mahal pa niya si Hope, siya na ulit ang mananalo. Na akala mo nakalimutan na ng lahat lahat ng ginawa niya. Nakita niya ba kung paano umiyak si Hope noon? Hindi! Bakit? Kasi ako ang sumalo ng lahat ng kagaguhan niya, tapos ano? Kapag gusto niyang balikan si Hope siya na ulit? Tapos ano ako? Maghihintay lang na magkamali siya at ako na naman ang magpapatahan kay Hope? Yun na lang ba ang papel ko dito?!

"Where are you guys going?" Tanong ni Venice.

"Stay out of this Buenaventura, we're going to talk." Sabay dumating yung sasakyan ko. "Get in, Gutierrez."

"Saan kayo pupunta?" tanong ni Ortega pero hindi ko na sinagot. Pinadrive ko siya sa bahay ko kasi walang tao doon. Napansin ko namang may humahabol sa amin sa likod, sina Bryle yun, lalo naman akong nainis. Pati ba sila kampi kay Enzo?!


Maya maya may natanggap akong text.


From: Hope Yazon

Wag mo siyang saktan. Please.


Halos maibato ko yung phone ko. Wag saktan? Tangina pala nito. Siya rin ba nakalimutan na niya yung sakit na pinaranas sa kanya ni Enzo?! Gusto ba niyang ipaalala ko sa kanya? Wag kong saktan? WAG KONG SAKTAN SI GUTIERREZ?! SI GUTIERREZ NA PAULIT ULIT SIYANG SINASAKTAN?!

Pagbaba namin ng sasakyan dumeretso kami sa may garden sa likod ng bahay. Sobrang pigil na pigil akong suntukin siya.

Wag daw saktan eh. Sabi niya. Oo, ako 'tong si tanga kahit ang sakit sakit gagawin ko pa rin. Sabi niya kasi eh. Si Hope yun eh.

100 Steps To His Heart [Published Book]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon