Fourteen

747 26 23
                                    

"Ice naman! Kamanyakan mo,ah." pinalo ko ang kanyang braso. Lasing na sya, kaya panay ang hawak sa binti ko at akbay sa akin.

Tumawa lang sya sa ginawa ko. Namumula na ang kanyang mukha. Tignan mo itong tao na 'to, sya ang maghahatid sa akin pero mas uminom sya ng madami.

"Hannah,hindi naman pala naging kayo,bakit di mo pa din ako sagutin?." napa-irap ako sa tanong nya. Mula ng pinag kwento nya ako kanina ay mas dumami ang ininom nyang alak. Kasabay non ang walang sawa nyang pag-uungkat sa mga nangyari dati.

Kung nagkikita pa daw ba kami ng lalaking 'yon. Kung may komunikasyon pa ba kami. Kung anong nangyari pagkatapos ng ginawa nya sa harap ng madaming tao at kung anu-ano pa. Nakakainis na din!

"Ice,tama na. Umuwi na tayo,gabing gabi na." aya ko sa kanya. Pero pilit syang umiiwas sa paghila ko sa kanya.

"Ayoko,mag-iinom pa kami ni Adam. 'Di ba?." bumaling ito kay Adam na simula ng pagsasalita kanina ay hindi na muling umimik.

Panay ang pagtingin nya sakin na para bang gustong magtanong. Alam kong hindi lang nya yon magawa dahil madami kaming kasama ngayon. Mabuti nga yon, kahit papano ay ligtas akong kausapin sya.

Napailing ako sa kilos ni Ice. Tinawag ko si Viel na ngayon ay naglalaro ng Beer Pong kasama ang iba.

"Uuwi na kami ni Ice." paalam ko dito. "Tulungan nyo kong buhatin sya papalabas."

"Naku,Ma'am, ako nalang maghahatid dyan kay Sir Ice. Mas delikado pag ikaw ang nagdrive tapos sya ang kasama mo." bumulong ito sa akin. "Mamanyakin ka lang nyan habang nagmamaneho ka. Baka maaksidente pa kayo." biro nito sa akin. Kung pupwede lang talagang itali tong dalawang kamay ni Ice e.

"O,sige. Magta-taxi nalang ako." paalam ko sa kanya.

"No. I'll take you home." nagulat ako ng biglang sumulpot si Adam sa gilid ko. Hawak hawak na nya ang kanyang susi,na para bang handa ng umalis.

"Ayan pala e,may maghahatid sayo,Ma'am. Gabi na,delikado mag taxi. Mauna na po kayo tapos kami na bahala kay Sir Ice." sabay pa kaming napatingin kay Ice na ngayon ay bagsak na sa couch.

"Sige,Hannah,kay Adam ka magpahatid. Para siguradong hindi kayo magkikita nong gago mong guardian angel." sigaw ni Ice sa akin at saka bumaling kay Adam. "Pare,pakiingatan yan ah. Papakasalan ko pa kasi." namula ako sa sinabi ni Ice. Hindi ko alam kung dahil ba sa nakainom sya o dahil sa mga naikwento ko.

Tumango lang si Adam sa kanya. "I will,bro. Una na kami." bumalik ito sa couch at nakipag kamay kay Ice bago tuluyang lumabas ng kwarto.

Nang nasa labas na kami ni Adam ng Bar ay nanatili ako sa tapat ng entrance nito.

"Anong ginagawa mo?." tanong ni Adam sa akin ng makitang nakatayo lang ako.

"Naghihintay ng taxi." ayoko talaga sya makasama. Naiinis ako kapag naalala ko yung mga litanya nya na humihingi ng sorry dahil sa nangyari. Pakiramdam ko naging pampalipas oras lang ako. Pakiramdam ko napaglabasan lang ako ng init ng katawan nya tapos gusto na nyang kalimutan agad.

Alam ko naman na ginusto ko yon. Pero ni minsan ,di ko inisip na sasabihin nyang kalimutan nalang yon. Na para akong isang bayarang babae na nakuha nya lang kung saan.

Lumapit ito sa akin at tinignan ako ng masama. "Ihahatid kita. Malabo pa ba yon?." nakakunot na ang noo nya.

"Malinaw naman. Malabo din ba na ayoko?."

"Hannah Denise Sandoval Aguirre." nagulat ako ng banggitin nya ang buong pangalan ko. Wth?!

"Ano?."

Bumalik ang kalmado nyang mukha. Nawala ang pagkunot ng noo nya at ang mataas nyang boses. "We badly need to talk." kalmado nyang sabi.

Para syang nakikipaglabanan ng tingin sa akin. Hindi nya inaalis ito na para bang ayaw talaga magpatalo.

"Nakainom ka. Ayoko." sagot ko.

"Isang beer,oo. Pagtapos 'non wala na."

"Bakit?di 'ba, nag-iinuman kayo ni Ice don kanina?Halos maka-isang case na nga si Ice."

"Sya lang,ako hindi."

"Nakita kitang uminom--

"Im still sober,Hannah! Damn it, hindi ako uminom ng madami dahil alam kong wala kang kasama umuwi. Satisfied?." naiirita nanaman nitong sabi. Wala na akong nagawa kundi tumahimik sa sinabi nya. Sht,ayan nanaman sya.

"I'll get the car." ilang saglit pa ay nagsalita na ulit ito at saka naglakad papunta sa kanyang kotse.

Binalak kong mag hintay ng taxi hangga't hindi pa sya bumabalik pero bakit wala kahit isa?! Kung may dumadaan man ay puro may sakay na! Nakakainis.

Maya maya pa ay isang puting Ranger na ang pumarada sa tapat ko.

"Kailangan mo pang pumasok bukas,Hannah." napaisip ako, may gagawin pa akong report para bukas. May meeting nga pala si Boss sa mga Dealers.

Walang ibang nagawa ang ang pag-iinarte na nangingibabaw sakin kundi ang sumunod. Wala,mas takot ako sa galit ni Boss.

Pasimple akong napangiti ng makapasok sa loob ng sasakyan ni Adam. Amoy na amoy sa loob ang kanyang pabango. Pakiramdam ko paglabas ko dito ay dala dala ko ang amoy nya. May ipipintas pa ba ako sa taong to?.

Sya mismo ang nagsuot ng seatbelt sa akin ng makalimutan ko yon. Hindi ko na ito napansin dahil sa kaba na nararamdaman ko.

Agad nyang pinaandar ang sasakyan. Nakakatuwa pala syang panuorin ng ganito. Kahit simpleng paghawak nya sa steering wheel at pag-ikot ng manibela ay ang sarap tignan. Nababaliw na ako talaga! Hindi na ako normal.

Nagulat ako ng bigla nyang itigil ang sasakyan. Nasa emergency parking kami ngayon sa gilid ng hi-way.

"May sira?." nag-aalala ko pang tanong. Pero agad syang tumingin sa akin ng seryoso.

"Im sorry." pambungad nito sa akin."Im sorry for hurting you."

"Ilang beses ka na bang nag sorry?.tama na." hindi ako nakatingin sa kanya. Pinilit kong ituon ang atensyon ko sa mga sasakyang dumadaan sa kanyang gilid. Sanay nanaman ako Adam,simula high school sanay na ata akong masaktan dahil sa'yo.

"Sorry,nung sinabi ko sayo na kalimutan na lahat."

Kinukuyom ko ang kamay ko. Pinipigilan kong ilabas ang galit ko kasi pakiramdam ko balewala. Balewala lang ito lahat!

"Let's stop this,Adam. Walang patutunguhan 'to." akma na akong lalabasa ng sasakyan ng pigilan nya ako.

"Hannah,please! Makinig ka nga muna!." tumaas ang kanyang boses. Nagulat ako,pero mas nangibabaw ang galit sa akin.

"Ano?hihingi ka ng sorry ng walang katapusan?Para ba malinis ang konsensya mo ganon? Ang gago naman,Adam. Di ko kailangan ng awa mo. Hindi ko kailangan ng sorry mo!."

"Damn it,Hannah! Damn it!." pinalo nya ang manibela sa kanyang harapan. "Im saying sorry because I want to take my words back! I can't forget about your kiss,your touches..everything!."

He took a deep breath before his dark brown eyes landed on me. "Hannah,I can't forget what happened that night!. Fvck, you are consuming my every thought."

Napatulala ako,para bang bumagal ang pag proseso ng mga sinabi nya. Halatang gulat din sya sa kanyang sinabi kaya agad kumalma ang kanyang dibdib na kanina ay mabilis ang paggalaw dahil sa galit.

Tinanggal ko ng tuluyan ang aking suot na seatbelt.

"Tngina, wag mong pagtakpan yang awa mo para sakin,Adam. Wag. Hindi ko kailangan 'yan." at saka ako bumaba ng sasakyan.

EndlesslyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon