FIFTEENTH POTION

73 5 7
                                    

"Bakit?" Tanong ni Sim kay Yrecka. Hindi man lang siya nito tinapunan ng tingin.

            "You need to talk. May sasabihin sayo si Ann. Kailangan nyo na ring magbati kasi humahaba na itong walang kwentang telekoreanobelang ito. Umabot na tayo sa Chapter 15 at wala pa ring development sa inyong dalawa. Ano to? Puro narang asaran, bwisitan, kalukuhan at pa-epalan ang eksena? Lagi na lang kayo nag-aaway. O di kaya lagi nalang sumesegway ang baliw na manunulat ng kwentong ito na ang sarap ipasok sa Mental Hospital. Gaya nalang ngayon. Kailangan ba talaga may "manunulat participation"? Kaya parang naging walang kwenta-kwenta talaga ang walang kwentang telekoreanobelang ito. Nagsasawa na ang mga readers sa mga paulit-ulit na mga eksena.  AT HIGIT SA LAHAT PENGENG PERA PANG MERYENDA." Inilahad nito ang dalawang kamay nito sa kanila.

            They both rolled their eyes. Sinasabi na nga ba nila. Gugutungan na naman sila nito. Sabay silang dumukot ng pera sa mga bulsa nila. Binigyan nila ito ng tig-bebente pesos.

            "Good." Abot tenga ang ngiti nito. "Nakakagutom talaga ang magsermon ng mga bata." Dagdag nito sabay alis sa kanilang harapan.

            "Nasa Cafeteria si Ivandale!" Pahabol ni Sim kay Yrecka na papuntang Cafeteria.

            Biglang napahinto si Yrecka. Agad na bumalik sa kanilang harapan.

"Maraming salamat sa inyong pagmamalasakit sa aking mga alaga sa tiyan. Hindi na pala ako nagugutom." Isinauli nito ang pera nila. At nagmamadaling pumunta sa Arts and Science Building na nasa kabilang side.

            Napailing nalang silang dalawa.

            Anong meron kina Ivandale at Yrecka?

            Pero mamaya na muna siya mang-uusisa pag natapos na itong telekoreanobelang ito na pinagbibidahan daw niya.

"Bakit mo ako gustong makausap?" Baling ni Sim sa kanya.

She froze. Her mind went blank. Ano ang sasabihin niya? Yo! Brain cells! Gumana ka! Wisheng! Wisheng! Ngunit ayaw makisama ng utak niya. Ang lakas ng tibok ng kanyang puso. Wuuuh! Masapak nga mamaya si Yrecka. Tsk. Tsk.

Tumikhim si Sim, waiting for her answer.

"H-ha? A-no k-kasi... S-si Rhea! Yeah! Right si Rhea nga!" Bahala na si Batman. Yung superhero na batman hindi yung batang manyak. Ahhhrrgh! Wateber! Mababaliw na siya sa takbo ng isip niya.

Nakakapagtataka. Nagiging ganito na siya lately sa tuwing kaharap niya si Sim. Hindi niya gusto ang tunog ng kanyang puso at mga bulong ng kanyang isipan.

Wuuh! Em crazy beybe!

"What about her?" May pagdududang tinignan siya nito.

"M-magpapatulong sana kasi ako." Lumunok muna siya bago nagsalita ulit. "K-kasi a-ano... k-kuwan kasi kanina aksedente ko siyang natapunan ng uod— " Bigla siyang napa preno sa pagsasalita nang hindi niya mahagilap si Rhea. "Asan na yung babaeng yun?" Buong pagtatakang tanong niya. Napatingin siya sa paligid but there was no Rhea to be found.

Neknengtiting!

Tumingin siya kay Sim at ngumisi. Yung ngising half naka simangot, half naka ismayl.

Tinignan siya ni Sim na tila hinihintay nito kung may iba pa ba siyang sasabihin.

Tumikhim muna siya at binayo ang kanyang dibdib. Aja! Kaya ko to!

"N-ngayon ko l-lang k-kasi n-nalaman yung ano..." Nagsta-stamer na wika niya.

He was perplexed. Magkasalubong ang kilay nitong tinignan siya sa mga mata.

She shunned his eye contact. Sa tuwing tinitigan niya ang mga mata nito parang nahy-hypnotized siya nito. Parang laging nakikipagkarera ang kanyang puso sa lakas ng kabog niyon. Pakiramdam kasi niya nasa ibang deminsyon siya sa tuwing nakatitig siya sa mga mata nito. She felt as if the time stopped from clicking. Kailangan na ata niyang magpatingin sa doktor. Nakulam ata siya.

"SORRY SA INASAL KO KAGABI! HINDI KO KASI ALAM NA NAKAWAN KA PALA KAGABI!" Whew! There!

"Bakit ka sumisigaw?!"

"HINDI AKO SUMISIGAW!"

"Sinisigawan mo ako!"

"SABING DI KITA SINISIGAWAN E!!?"

"Ewan ko sayo." Nag-about face na ito.

"Hoy! Saan ka pupunta?" Habol niya dito.

"Hahanap ng matinong kausap." Tuloy-tuloy ang lakad nito.

"Galit ka?" Nakasunod pa rin siya dito. Hindi ito sumagot.

"Galit ka nga." She concluded. Ayaw nga pala nito ang sinisigawan. Hindi siya nito pinapansin. "Oy!" Sinundot-sundot niya ang likod nito. "Oy!" Tuluyan na siyang nakahawak sa laylayan ng t-shirt nito.

"Sorry na." Hinging paumanhin niya dito. Ayaw pa rin siyang pansinin nito. Nakasunod pa rin siya dito. "Hoy, sorry na." Ulit niya.

Pero tila wala itong naririnig. Patuloy pa rin ito sa paglalakad. At siya parang asong nakasunod dito.

"Sim naman e! Nagsosorry na nga yung tao. Pansinin mo na kasi ako. Hindi ko naman sinasadyang sigawan ka. Kinakabahan kasi ako pag nasa harap kita. Kaya sumigaw ako pampawala na rin ng kaba saka—"

Biglang huminto si Sim. Humarap ito sa kanya.

Ayan na naman yung kabang nararamdaman niya. Napalunok siya.

"Paki-ulit nga yung sinabi mo?"

"Alin doon?"

"Yung huling sinabi mo."

"Yung maganda ako?" Hehehe

Sumeryuso ang anyo nito. Wala sa mood para makipag-asaran.

Ayaw naman niyang ulitin yung sinabi niya kanina. Nakakahiya! Salita lang siya ng salita kanina and was not minding what are those words that came out from her mouth. Batsi na!

Ngunit pinigilan siya ni Sim. Nakahawak ito sa kamay niya. Tila na kuryente siya nang maramdaman niya ang hawak nito. Milyon-milyong bultaheng biglang sumiklab sa mga dead cells niya. She felt rejuvenated. Nagliwanag ang buong paligid. Parang nasa malapitan lang ang araw. She felt the warmth, the comfort pero nakakatakot baka masunog siya.

Binawi niya ang kamay niya. Ayaw niyang mapaso. Baka magkamarka. Mahirap pa naman burahin iyon.

Napatingin siya dito. Naghihintay pa rin ito na ulitin niya ang mga sinabi niya kanina.

"Sim naman e! Nagsosorry na nga yung tao. Pansinin mo na kasi ako. Hindi ko naman sinasadyang sigawan ka. Kinakabahan kasi ako pag nasa harap kita. Kaya sumigaw ako pampawala na rin ng kaba saka— napahinto ka sa paglalakad at napahinto rin ako sa pagsasalita."

"Bakit ka naman kinakabahan?" Hindi niya mabasa kung ano ang emosyon nito.

"H-hindi k-ko a-alam." Pero may idea siya kung bakit ganoon ang kanyang nararamdaman. But she was afraid to delve into that feeling. Nakakatakot. Hindi pa siya handa... masaktan ulit.

Hindi na ito nag-usisa.

He looked at her.

She looked at him.

His feature became soft.

His emotions suddenly became visible to her.

Hurt... Longing... Melancholy... Confuse... and that feeling that she was afraid to read and to deal... love.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 29, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love PotionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon