THREE

13 1 1
                                    

(Lucine's POV)

Akala mo naman kung sino siya? Para team captain lang ng sophomores eh ganun na sya umasta? Napakasarap niyang tadyakan! Talagang napikon ako!

Kasi naman, hindi man lang nagsorry nung mabunggo niya ako, saka napulot pa niya yung aklat ko, hindi ko rin alam kung sadya ba ang pagkuha niya o hindi lang niya napansin, tapos hindi man lang nagsorry?

Hindi man lang niya naisip na isoli yun? Ako pa talaga ang naghanap para lang mabawi ang aklat ko ha.

Sa inasta niya kasi kanina, mukhang wala rin naman syang plano isoli yung aklat ko eh. Kaasar lang mukha niya!

Ibabalik ko na ang scrap book sa locker. pagbukas ko eh sandamakmak na loveletters na naman.

Nilagay ko naman ito sa bag. Hindi ko na rin naman binabasa eh, nilalagay ko agad sa trash can. Sorry naman pero hindi ako interesado.

"Ms. Pedrosa, pinapatawag kayo ni Sir Kim" sabi ng isang babae. Tiningan ko lang sya saka tumango ako. Umalis na sya.

Ganun lang ako sa ibang tao. Asahan mong hindi kita kakausapin. Si sir Kim ang nagpapatawag kaya si Sir Kim lang kakausapin ko. Makatwiran ba?

Nilagay ko na ang gamit ko sa locker saka pumunta na ako sa faculty room at hinanap si Sir.

*****

"I'm leaving for 4 days. at dahil ikaw naman ang pinakamagaling sa klase eh I want you to teach your classmates in behalf of me." sabi niya

"ok sir. ano po ba ang topic?"

"About teenage lovel kasi tayo. mga boy-girl relationships."

"A--ano po sir?"

"Teenage lovelife!"

"Sorry sir. pero ano po ba yan?" mukhang na shock sya sa question ko. Talaga naman eh. Wala akong alam dyan.

Lumaki akong walang alam sa pagmamahal. Alam nyo yung feeling na wala kang nararamdaman? Ganun ako eh. Although naiinis ako at nagagalit minsan, pero magmahal? a big NO.

"Come on Lucine. this is the simplest lesson and I know na sisiw lang to sayo." he chuckled.

"Seriously sir, hindi ko po yan alam" I said and gave an exasperated sigh.

"Talaga? Hindi ka pa nagkaroon ng boyfriend?"

Umiling ako.

"Crush?"

Umiling pa rin ako.

"Sir, i'm all alone. Lumaki akong walang mga magulang. Tanging mga katulong lang namin ang nag-aasikaso para sa akin. Since nagkaisip ako, ni minsan hindi ko pa sila nakita sa personal .. We chat, but seldom lang. Hindi ko nga alam kung mahal ko ba ang mga magulang ko.. wWala kasi akong nararamdaman sir."

Ayan tuloy, napahaba ang pagsasalita ko. Lahat naman ng teachers, naiintindihan na ang ugali at kalagayan ko kaya hindi na ako pinilit ni sir.

"Ok I understand" he said

"Sana naman po sir kayo nalang ang magturo sa amin.. para naman po malaman ko kung ano nga ba ang love-love na yan" natawa naman sya dun.

"Hindi pinag-aaralan ang pag-ibig Lucine. Nararamdaman yan" pinatawag na lang nya sa akin si Eliza, ang top 2 sa Brains section. Yun na lang daw ang magtuturo sa amin.

Lumabas na ako para tawagin nga si Eliza.

[A/n: Continue to support, promise, gaganahan kayo Later :)) !! Comment lang ang gustong mag comment at paki share sa iba if nagustuhan niyo ang storyang ito. Lovelovelove ♥♥ ]

How to LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon