Thirteen

922 28 33
                                    

"Ma'am,nagtext po ulit si Mr.--" nagmamadaling sabi sa akin ni Bianca, ang aking secretary. Itinaas ko ang aking kamay para hindi na nya ituloy ang kanyang sinasabi. Hindi ko na kailangan pang marinig kung sino.

"Sabi ko naman sa'yo na pag sya ang nag-text o tumawag,sabihin mong wala ako."

"Ma'am,sabi nya po kasi kinausap naman daw po nya si Boss at sinabi daw po na nandito ka kakatapos lang daw ng meeting nyo." napa-irap ako ng biglaan. Seriously?he even had the guts to ask my Boss?

"Pakisabi na umalis ako agad. Emergency. Nag-half day. O kaya nag leave for the whole week. Anything! Just tell him that I'm not in here."

"Y-yes, Ma'am." natatarantang sabi ni Bianca at saka lumabas ng opisina ko.

Ilang linggo simula ng bumalik kami galing sa Ilocos ay inubos ko ang aking oras sa trabaho at pag-aasikaso kay Papa.

Sa loob din ng ilang linggo na 'yon ay iniiwasan ko si Adam. Tuwing pumupunta sya dito ay nagtatago ako at nagkukulong sa opisina. Nagpalit pa ako ng cellphone number para lang hindi na nya ako matawagan. Pero sadyang matatag ang konsesnya nya dahil sa nangyari. Padala sya ng padala ng e-mail o sulat-oo as in,snail mail, para lang mag-sorry.

Kung sana dati pa ito nangyayari na maayos ang lahat ay baka magtatalon ako sa sobrang tuwa. Pero...ngayon?wala akong panahon para sa paghingi ng tawad ng isang gagong lalaki.

"Ma'am,bad mood tayo ah?." nagulat ako ng bigla nalang pumasok si Ice sa opisina.

"Hi." matipid kong sagot sa kanya at saka nagpatuloy sa pagta-trabaho.

Narinig kong tumawa ito ng mahina at saka naglapag ng isang box sa aking table.

"Ano yan?Gasolina?." pagsusungit ko.

"Alam kong malaki ang Gas allowance mo kaysa sa akin, Ma'am. Pero wag mo sana hamakin ang ilang litro na kaya kong ibigay. Grabe ka,dapat sa kotse ko yan tapos binigay ko na nga sa'yo." hindi ko na naiwasang mapangiti. May pagka-baliw talaga itong taong to.

Lumapit sya sa aking cabinet at kumuha ng isang platito at tinidor. Tsaka nya binuksan ang box sa harap ko. Prente lang akong naupo habang tinitignan sya sa kanyang ginagawa.

Nagningning ang mata ko ng makita ang isang blueberry cheesecake. He really knows my weakness.

"Oh,ayan na yung pang- gas ko, pinambili ko na nyan. Kawawa naman mga empleyado mo,nadadamay sa init ng ulo." para akong bata na nakangiti habang kinakain ang bigay nya. Naupo sya sa tapat ng table ko at pinanuod akong kumain.

"Thank you." mauubos ko na nasa platito bago pa ako nakapag-pasalamat sa kanya.

"Ano bang problema,Hannah?Simula nong umuwi tayo naging mainitin na ulo mo. 'Di ka naman ganyan dati." seryosong tanong ni Ice.

Napatigil ako sa pagkain at uminom ng tubig. "Wala,ano,stressed lang. Masyado ng madaming under construction ngayon 'di ba?." alibi ko.

Mukha namang kinagat nya ang sagot ko. "Well,if that's the case, you need to unwind,then?." he gave me his sexy smile.

"Tigilan mo ko sa ganyang ngiti mo,Ice. Ayoko." agad kong sagot.

"Hala,wala pa akong sinasabi ah!"

"Defensive. The last time na inaya mo akong mag-'unwind', gusto ko lang masuka sa napanuod ko." tumawa ito agad dahil nakuha nya ang sinabi ko.

Three months ago ng ayain ako ni Ice kasama ang iba pa naming lalaking officemate na lumabas. Ako naman na walang alam,sumama agad. Kahit pa ako lang ang babaeng kasama nila non ay pumayag ako. Ang hindi ko alam ay live show at tinatawag nilang 'big night' ang pupuntahan. Hindi ko talaga makakalimutan 'yon dahil unang beses ko makapunta sa ganong lugar.

EndlesslyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon