Chapter 3 - The right to hate

4.3K 167 12
                                    

"Sam! Ang gaganda ng mga damit na binili sa'yo ni sir." Nakatingin lang ako rito at mukhang masayang-masaya itong pinagmamasdan at inaayos ang cabinet ko. Naiinggit ako kay Simone at kung gaano siya kasaya sa simpleng bagay gaya ng damit. Kung ako ito dati... "Anong problema, Sam?" Inangat ko ang tingin ko kay Simone. Tumingin ito sa akin na punong-puno ng pag-aalala. Sa tatlong linggo kong nakasama siya ay napalapit na siya sa akin. Alam niya ang buong kwento sa nangyari sa akin at alam niya rin ang galit ko sa lalake na iyon. I found someone I could talk to. Pero kahit naman nalaman niya ang kwento na iyon sa akin wala naman nagbago sa pakikitungo niya sa hayop na iyon. Parang wala itong narinig pero hindi kinasama ng loob ko iyon. Siya pa rin ang amo ni Simone at hindi ako kaya kailangan niyang galangin iyon.

"Wala. Pumili ka na diyan kung anong gusto mo. Hindi ko kailangan ng marami." Tumayo ako sa kinauupuan ko at kinailangan ko munang bumwelo para makatayo. Mas malaki na ang tiyan ko at mas bumigat. Pumunta ako sa may mesa at kinuha ang tinapay na hinanda sa akin ni Simone. Naging masyadong gutomin ako nitong nakaraan at sinabi ni Simone na dala ito ng dinadala ko na mas malakas na kumain. Napaisip naman ako kung paano nangyayari iyon. Pero hinayaan ko na lang. Iiwan ko rin naman ang bata pagkatapos. Ayoko ng masyadong mainvolve.

"Hindi na, Sam. Binili sa'yo to ni Sir Matthew. Mas matutuwa siya kapag ikaw ang nagsuot." Umismid lang ako. Wala naman akong pakialam kung maganda o panget, mahal o mura ang mga damit na iyon. Ayoko silang suotin dahil binili niya ito at pinili pero wala na akong magagawa dahil naliitan ko na ang mga damit ko. "Alam ko ng iniisip mo, Sam." Tumingin ako rito at ngumiti ito sa akin. Sa tatlong linggong nakasama ko siya ay ganoon na niya ako nakilala. "Hmm...alam mo bang araw-araw ay binibilinan kami ni Sir Matthew na paglutuan ka ng masarap at kung anong hinahanap ng panlasa mo? Tapos tatawag pa siya kung kumain ka na tatlong beses sa isang araw para malaman lang kung kumain ka ha!" As a matter of fact na tono pa nito. "Tapos lagi pa niyang sinasabi na tingnan-tingnan ka dahil maselan ang kalagayan mo. At lahat kami magrereport sa kanya tungkol sa ginawa mo sa buong araw. Hay! Hindi mo gets, Sam?"

"Kuha ko, Simone. Gaya ng napagkasunduan namin gagawin niya iyon para sa bata hindi para sa akin. At talagang pinapareport pa kayo ha? Talagang inaalam niya ang bawat kilos at galaw ko sa kung sakaling may maling gawin ako. Ganyan uri siyang tao." Umiling sa akin si Simone.

"Dahil may malaking puwing sa mga mata mo kaya hindi mo makita. At iyang puwing na iyan hangga't hindi mo tinatanggal lalalim ng lalalim ang pagkabaon at pwedeng mabulag ang mga mata."

"Ayan ka naman sa talinghaga mo, Manang Simone." Naupo ito sa tapat ko at hinawakan ang tiyan ko. Lagi niya iyon ginagawa at lagi niyang kinakausap ang kung anong nasa loob nito.

"Baby, huwag kang masyadong nakikinig sa pag-uusap namin ng mommy mo ha? Baka mastress ka diyan." Umiling-iling ako sa sinabi niya. "Alam mo Sam kung titingnan mo lang sa ibang anggulo makikita mo ang prioridad ni Sir Matthew. Oo, pinahahalagahan niya ang anak mo pero hindi ito ang pinaka priority niya. Ikaw ang main priority niya. Palagay ko nga ay napakaresponsable niyang tao." Tumawa ako ng sarkastikong tawa sa sinabi ni Simone. "Bakit ka natatawa diyan? Iyon lang naman ang nakikita ko at kung tama nga iyon palagay ko...malamang mahal ka ni Sir Matthew." Inirapan ko siya sa sinabi niya. Hindi ko gusto ang patutunguhan ng pag-uusap na ito.

"Hindi marunong magmahal ang demonyo. Alam mo kung bakit? Kasi wala silang mga puso."

Tiningnan lang ako ni Simone mabuti matapos ay hinawakan nito ang kamay ko. Tiningnan niya ako ng puno ng awa. Dahil siguro sa mga pinagdaanan ko kaya ganito na lang ang nakita kong awa sa mga mata niya.

"Nalukungkot ako para sa'yo Sam. Punung-puno ng galit ang puso at isipan mo at kapag pinagpatuloy mo pa ito baka lamunin na nito ang pagkatao mo. Bakit hindi mo piliing magpatawad?"

Journey of ForgivenessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon