UPDATE N

695 43 26
                                    

UPDATE (N)

Naging okay na kami ni Darius mula n'ung insidenteng iyon, mas naunawaan ko na siya. Mas naging hangad ko na lang ngayon ay ang sumaya siya, isinantabi ko na lang ang nararamdaman ko. Full support ako ngayon sa kung ano man ang gusto niya, as long as he's happy- I am happy as well.

Pinakilala niya ulit ako sa mom niya as a girlfriend, as expected ay nagalit ito. Mas lalo 'atang nag-init ang tingin niya sa akin, inasahan ko pa nga noon na palalabasin niya ako sa party na iyon pero hindi niya ginawa. Alam niya na rin siguro na isang malaking torture iyon sa akin, if I was really his girlfriend. (Pero kahit hindi naman totoo ay torture pa rin dahil may feelings ako para kay D.O)

Nagulat pa nga ako na hiniling ni Darius na ipakansela ang engagement, inisip ko na lang na kasama iyon sa strategy niya para makuha si Sabrina. As expected, hindi iyon kinansela nang kaniyang ina. Nag-usap sila sa lenggwaheng korean n'ung sumunod na usapan kaya natatakot ako na baka minumura na pala ako ng mommy niya, 'di ko lang alam.

Isang buwan na mula n'ong nirentahan niya ako, araw araw kaming magkasama. After class ay sinusundo niya ako, nagtataka na nga ako dahil lagi siyang may free time to think na varsity player siya nang University nila. Busy siya dapat, 'di ba?

Hindi na rin namin pinag uusapan si Sabrina dahil taboo iyon. Alam niya na sigurong alam ko na kung saan ang lugar ko. In fact, gusto ko na nga matapos itong deal namin (na di ko naman din alam kung hanggang kailan) para makuha ko na ang 100k ko kasi sabi niya dodoblehin niya na 'yung bayad sa akin, right? Madami na akong plano sa perang iyon, mag-a-out of town ako or mag-a-out of the country para maenjoy ko sarili ko kahit na broken hearted ako.

Nawala ako sa pagmumuni muni ko nang maramdaman ko ang pagsiko ni Venice sa akin, "Andiyan na ang sundo mo," ngumuso siya kaya sinundan ko nang tingin iyon.

Laglag pa rin ang panga ko kapag nakikita ko siya, kahit simple lang ang suot niya ay gwapong gwapo pa rin siya. Naiinggit nga ako sa kaniya dahil kahit anong suotin niya ay bagay sa kaniya at magandang tignan.

Tinikom ni Venice ang bibig ko, itinaas niya ang baba ko para maisara ang laglag panga ko. "Kadiri ka, tulo na naman ang laway mo. Nagsasawa na ako sa pagmumukha niyan ni D.O ah! Araw-araw na lang nandito sa school, hindi na tayo makapaggala dahil lagi ka niyang sinusundo!" Dire diretso ang talak ni Venice sa tabi ko, binalewala ko lang iyon dahil araw araw niya namang sinasabi iyan. Even though she's my best friend, hindi ko ikinuwento sa kaniya ang pagrenta sa akin ni Darius.

Umupo siya sa harapan ko at tinanggal ang shades na suot suot niya, nginitian niya ako at inabutan ako nang isang bungkos ng pulang rosas, na siyang kinagulat ko, syempre. Hindi ko napansing may dala dala pala siya dahil sa nakatuon ako sa kaniyang mukha. "For you."

Tinanggap ko iyon at inamoy, "Wow, thanks." Narinig ko ang overacting na si Venice sa tabi ko, nag iinarte kasi na para bang nasusuka.

"Eww! Kadiri kayo. Wala namang forever, nagsasayang ka lang nang pera D.O!" Patuloy ang pagtatalak niya tungkol sa wala naman daw forever at tigil tigilan daw namin 'to.

Siniko ko si Venice dahil sa nakakahiya ang inakto niya, sinenyasan ko pa siya na manahimik. Nag-away pa kami ni Venice dahil ayaw niyang tumahimik samantalang ako ay gusto ko nang tahiin ang bibig niya. Or, kung pwede sanang putulin na lang ang dila niya.

Narinig ko ang mumunting halakhak ni Darius kaya napatigil kaming dalawa sa pagtatalo at natulala ako sa mala anghel niyang tawa. Why is he so squishy?

Awkward kaming nanahimik ni Venice, naging mabait na si Darius sa akin after n'on pero ngayon ko lang siya nakitang tumawa. Palihim akong napangiti, at least kahit sa pansamantala ay maayos ang pakikitungo niya sa akin.

'Yung katabi ko sa JeepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon