On the 2015 Wattpad Manila Summer Meet-up

436 21 101
                                    

20 April 2015, Monday


19 April 2015. Sunday. First time kong pumunta. Normally, di talaga ako nagpupunta sa mga ganitong event lalo na kung malayo, wahahaha. Di dahil sa ayaw ko... kundi dahil... geographical idiot po ako. Kahit dire-diretso lang ang direction niyan, kadalasan, nawawala pa ako. Kaya nagpapasalamat ako sa #TeamPasigAndOrtigas na nakasama ko sa bus kahapon.


Subalit, pero, ngunit! May mas matinding dahilan kung bakit ako dumayo sa Pasay kahapon. 'Di ko na napahindian ang hiling ni Mitch. I had asked her for a HUUUUGGGEEE favour recently and she delivered. Now it was my turn. Ginawa niya akong speaker, hahaha. At dahil madaldal naman ako (charr), tinanggap ko na rin. Para ma-experience ko rin ang magpunta sa mga meet-up at dahil may mga imi-meet ding readers. Shooting more birds with one stone ang peg ko kahapon, hahaha.


Alas singko y media pa lang ng madaling araw, nagte-teks na si Mary Ann, hahaha. Tinatanong kung gising na ako. 'Di ako maka-reply kasi salat sa signal ang kweba naming. Pero to answer her question, uu, gising na ako nang mga oras na 'yon. Pati si Erin na sobrang rare gumising nang maaga, nagising pa rin... despite the fact na nagpuyat kami kakalaro ng Just Dance nung gabi ng Sabado, hahahaha.


Anywaaayy... pagkatapos magbreakfast at parehas na kaming nakabihis, lumarga na kami papunta sa Starmall kung saan naghihintay na ang mga kasamahan naming kabataan (hahahah) sa harap. By 7:40AM, nag-aabang na kami ng bus na pa-MOA. At etong si Mary Ann, nakikipagtalo pa sa kundoktor dahil di raw siya pinapansin, lels. Tatanungin kasi niya kung saan kami bababa, wahahaha.


Pang 20-30 kami sa mga naunang nakarating sa venue. Si Ate Kim(?) aka ilurvbooks, napansing nakahiwalay kami nina Maui, Erin, Charisse at Janina... nakatapat sa aircon dahil soooobbbraaang ineeet hahaha. Pinaghiwa-hiwalay kami. Well, actually... kami lang ni Charisse ang hiniwalay at sinama sa table nina EmEm, Trisha M, Trisha L na ginawang chaperon ang 10yo niyang kapatid na si Earl, si Leejay, Jdashian, Eugene at Florence. Ang maliit na group namin, di namalayang lumalaki... dahil nasama bigla si Cent at Louie dahil di raw sila pinapansin sa table nila, bahahaha. At ang mga naiwan ko sa 'original table' namin... ayon, no choice.. kahit aloof ang personality nila, binigyan sila ng bagong seatmates. Later on, lumipat sila kasi giniginaw na sila sa table na katapat ng aircon, ahahaha.


Tapos nagtetext si Kozart sa'kin, tinatanong kung makakaabot pa raw siya (sa free food). Kaya kinapalan ko na ang mukha ko at nagtanong kay Mitch... pasimple nga ang tanong ko eh... 'Ilan na lahat ang nagregister? Lagpas 250 na ba?' (kasi diba, first 250 lang daw ang papapasukin sa venue kaya yun). Tas sabi niya, nasa 230 pa lang, kaya tuwang-tuwa kong ibinalita kay Chang na makakasama pa siya!


May isa pang nagte-text sa'kin. Si Cielo. Tinatanong kung makakaabot pa rin daw ba kung lagpas 9AM na. Nasiyahan ako. Kasi taga Quezon 'to eh. Mahilig manggulat! Akala ko pupunta siya. Edi sinabi ko rin yung sinabi ko kay Chang.


Yun pala, may representative!!! Si Bel! Omaygahd. Sabi nina Mau, 'wag daw akong tatayo para maghanapan ulit kami, kaso paupo na ako nung nakita ako ni Bel! Ahaha... nakakatuwa.. may representative ang Birdie Club/CTAF readers!


Shortly after paupuin namin sa table namin si Bel...biglang nagtilian ang mga tao. Pagtingin ko dumating pala si MotherBee (ellestrange) at si Sic. As in nakabibinging hiyawan talaga. Sabi ko nga kay Chang kung sumabay lang siya, naghiyawan din kami, wahahahahaha.

IBA'T-IBANG KULAY NG JEBS: Ang Talambuhay ni LELSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon