welcome!  login | sign up   Facebook Connect
 
Read what you like. Share what you write.

Posted by

EclairPrince...

on Mar 22, 2009
Become a fan

Mr. Kainis plus Ms. Meager equals Love?

1


Chapter 5

Mga ilang seconds rin akong nakatingin sa kanya at talagang hindi ako makapaniwala na classmate ko siya. Hell na nga ang buhay ko nitong kasama ko pa lang siya sa iisang school eh lalo pang dinagdagan. Hindi madescribe yung scene eh! Walang words na makakapagbigay ng accurate na meaning ng kung ano mang nararamdaman ko by that time.

Basta, I keep myself believing na alam ni God mga nangyayari. Hindi niya ako pinasok dito ng walang dahilan. All I need to do is to endure all the hardships. Ok.

Hindi ko pinansin yung ini-offer niyang help sa akin pagtayo. Hindi naman kasi siya mukhang sincere at lalong hindi siya isang Prince Charming. Utot niya. Tumayo ako noon ng mag-isa at pinagpagan ang uniform ko.

"Miss, ano nga palang pangalan mo?" Tanong niya habang may pa-beaubeautiful eyes pa siyang nalalaman sa akin, mukha naman siyang aso.

Sinabi ko na lang, "I don't give my name to strangers." Nakuha mo! Ganyan talaga ako kaprangka mga 'tol. Bare with me. Aalis na ako nun dahil feel ko na lumalagkit na katawan ko dahil sa mga siksikang babaeng 'to. Kung ako sa kanila, mag-aaral na lang ako or I will just focus on something I'm interested kesa makipag-flirt sa taong ito na wala ng inatupag kundi babae at kalokohan. Akala ko ba may girlfriend na 'to. So, yun palang nakita ko na kasama niya ay isa rin sa mga babaeng pinaaasa lang niya. Hay! Kung makatagpo man kayo ng kagaya niya, please lang layuan niyo na kaagad at 'wag na kayo magpadala sa charm. Ay mali pala! Wala siyang charm. Kahanginan lang.Yabang ai. Sarap tirisin.

On the go na ako sa seat ko ng may narinig ako na sumigaw mula sa likod.

"STRANGERS BA KAMO?" Sabi ni Mr. Kainis habang palapit siya sa akin. Nafeel ko yung aura ng ibang girls. Parang kakain sila ng buhay ah! Makursunada pa ako nito eh wala naman akong alam.

Nagtaka ako ng lumapit siya at hinawakan ang chin ko.

Mokong na 'to ah! Kung hindi ka lang mayaman, nasapok na kita. Mas malakas pa akong sumuntok kay Manny Pacquiao kung akala mo lang.

At itinuloy niya ang mga sinasabi niya.

"Masasabi mo bang hindi tayo magkakilala eh ang wild mo nga nung gabing iyon."

Huh? Anong sinasabi nito? Offensive ka pare pero dahil nagsisinungaling ka lang naman, hayaan muna natin. Isa pang may sabihin kang sisira ng reputasyon ko. Kahit pa anak ka ng presidente ng Pilipinas, hindi ako magdadalawang-isip na banatan ka na. Nakakapikon na rin naman kasi eh!

"Oh! Bakit hindi ka nagsasalita? Nahihiya ka ba o....? Alam ko na! Siguro, nasarapan ka that night? Gusto mo bang ulitin natin yun? Saan mo gusto? Magsabi ka lang."

Inuubos na talaga pasensiya ko huh?

"10"

"9"

"8"

"7"

"6"

"5"

"4"

"Ano yan? Bakit ka nagbibilang?" Tanong niya.

"3"

"Pare, nababaliw na ata 'yang babaeng iyan eh!" Sabi ng dalawang lalaking kasama niya (sila rin iyong dalawang kasama niya ng araw na sinabi niya saking, 'You'll experience hell dahil sa pagkalaban mo sa akin.')

"2"

'Pad hindi ka pa talaga lumayo. Hindi ko na alam pupuwede mangyari sa'yo.

"1, anong balak mo?" Sabi ni mokong. Well, sorry ka na lang. Naipon ko na lahat ng lakas ko sa suntok na bibitawan ko sa'yo. Paalam. Baka ikamatay mo 'to.

Nagulat siya ng umasta na akong susuntok. Nakita ko yung expression ng mukha niya nun. Pero lalo lang akong nainis ng nakita ko siyang cool lang. Alam kong nagulat ang lahat dahil sa gagawin ko. Mga tili ba naman ng babae. Nakakairita at nakakarindi.

Ito na. Malapit na talaga sa mukha niya. Pero ng marinig ko na may papasok sa pintuan ng room. Tumigil na ako. Hininto ko yung pagsuntok.

"Asar naman oh! Humanda ka sa susunod."

Sabi ko. Siyempre nagbanta na ako sa kanya. Isa pang siraan niya ko. Kahit prof pa namin nasa harapan ko, lagot siya talaga.

Pumunta na ako sa seat kung saan ko nilagay ang bag ko. Maraming tumingin sa akin habang lumalakad ako. Hindi ko alam kung anong image ang binuo ko sa room pero for sure, hindi maganda yun kaya hindi na ako umasang magkakaroon pa ng friends dito. Well, para sa akin, Cha is fine.

Yung dumating nga pala, first subject teacher namin yun. By the way calculus ang first class namin. Sana hindi naman ganito everyday kasi baka maapektuhan ang mood ko. God, help me please.

"Ok class. Please take the seats over there."

Buti naman. Nung dumating si Sir naging normal na lahat ng girls pero hindi parin nila mapigilang tumingin sa mokong. Obvious sila eh! Sana naman hindi sila masyado maging bulgar.

Sir Villaflor ang pangalan ng first teacher.
/ 4 Next Page

Comments & Reviews ^top


Login to post your comment.


nasan na po ung continuation???nag tagal nman ng update mukhang maganda pa nman..ung update po...pls....

nalynjane
May 03, 2009 22:44
reply spam

Recommended


Mr. Kainis plus Ms. Meager equals Love?

Mr. Kainis plus Ms. Meager equals Love?

Mr. Kainis plus Ms. Meager equals Love?

Mr. Kainis plus Ms. Meager equals Love?

The Enviromental Love Story....[Chapter 1]

Worth A Second Look 2 *updated Chptr 1 - 13*

Ugly but Pretty Swan by 'Dakilang Procrastinator' (chptr 1 - 11 plng)