|
||||||||
![]() |
||||||||
|
|
||||||||
|
|
0
Chapter 4
Matatapos na ang summer vacation. Alam naman natin lahat na after nun, simula na ulit ng mga klase. Para sa akin. Kumbaga, malapit na akong mahulog mula sa pagkakakapit ko sa taling nag-uugnay sa akin sa heaven. Disastrous school life ata eh! I tried to forget everything he said that time pero dahil namemorize ko na ata yun, hindi ko kayang balewalain lang. Sa lahat kasi ng ayoko, makipagkumpetensiya sa mga mayayaman dahil alam kong wala talaga akong laban pagdating sa bagay na 'yon maliban na lang siguro pagdating sa studies. Siguro, sa mga panahong ganito, studies na lang magandang pagtuunan ng pansin, tutal naman nyan eh wala pa namang ginagawang kakaiba sa akin yung lalaking iyon. Siguro, joke lang niya yun para hadlangan akong pumasok sa Bernise. Pero hindi ako magpapasindak sa kanya. Kaya ito ako ngayon. Nakatayo! (Katawa si Éclair. 'Di ba nga ayaw mo talagang pumasok sa Bernise. Mama mo lang may gusto kaya ka pumayag. Tapos magyabang ka pa dyan na hindi ka papasindak. Hahahahahahaha!) Sige. Sige. Pagbigyan na natin. Eh ano naman? Kaya kong labanan lahat. Kala mo naman katapangan no? Basta. Ding! Dong! Ding! Dong! Wow! Kasusyal naman talaga ng school na 'to no? Talagang yung bell nila hindi yung de-kuryente. Talagang bell. Parang yung mga nasa simbahan kaya kinig talaga ng lahat. Wala sigurong nalalate dahil sa ingay ng tunog nun. Nung una ko ngang nakinig, nagulat ako. Napatalon pa kaya nakadanggil ako ng estudyante dito. Buti na nga lang at mukhang pasensyoso naman siya. Sabi sa papel na hawak ko. Room 154 daw ako. Pero saan ba dito yun? Napakalaki naman. Ilang floors ba meron sa building na 'to. Kaliyo. Siguro hindi lang yung lalaking yun ang susukuan ko. Pati siguro yung nakakaliyong pasikut-sikot dito. Aah naman ai. Ang laki talaga. Pagod na pagod na talaga ako sa kahahanap kaya nagdecide na akong magpatulong. "Mis......." "Éclair!!" Tawag ng isang babae sa akin. Alam ko kung kaninong boses yun kaya nga pagtingin ko niyapos ko na siya kaagad. Si Charlene talaga, isigaw ba naman ang pangalan ko. Malay ko ba kung may tao ditong nakakita sa akin dati nung mag-away kami ni Mr. Kainis. Well, sana wala naman. Laking pasasalamat ko na rin kay Cha kasi dahil alam niya yung room number na hinahanap ko. "Cha! Anong room mo?" "Room 136 ako. Well, unfortunately, hindi tayo magkaklase this time. Tignan na lang natin mamaya. Baka may subject na classmates natin one another," sabi niya while wearing that sad look on her face. Miss na rin siguro ako nitong loka. Aba, 2 months din kaming hindi nagpangita eh! Malapit na kami sa room ko kasi nakikita ko na yung mga rooms na may mga number na 144,145,146 and so on. Salamat naman. Pagod na kasi ako sa kalalakad. Hinatid muna niya ako dahil dun rin daw naman ang way for their room. Mukhang kabisado niya na talaga ito ah! "Sige. Andito na pala ako! Ingat ka na lang at saka 'wag boys atupagin. Aral ka muna!" Sabi ko habang bine-bleh ko siya. Natawa na lang siya sa akin. "Hahahaha! Éclair! Talaga 'to! Kasama na yun sa buhay. Gusto mo ihanap pa kita dyan eh!" Pasaway talaga itong babaeng 'to. Tumawa na lang ako sa kanya tapos pumasok na ng room. Sa pag-enter ko pa lang, hindi ko unang napansin yung mga tao sa loob na magiging classmates ko in this first period sa halip, napatingin ako on how big the room was. Panaginip ba 'to o ano? Nung una akong pumunta dito, labas lang nakikita ko at never pa talaga ako nakapasok kahit sa isang room kaya nga gulat na gulat ako ng makita ko na parang bang kasing laki ng buong bahay namin yung room. Ano kayang balak nilang gawin at pinalaki ito ng sobrang laki? Ok. So much for that. I want to get to know my classmates this time. Makikipagkilala ako para naman maging masaya rin kahit papano ang college life. "Hello....... Good Morn........." Teka nga. Bakit wala atang nakikinig sa akin. Mukhang busy ang girls sa isang sulok ah! Ano bang meron dun? Wag mong sabihing may salon sa loob? Ano nga kaya? Kanina pa kasi sila doon. Dahil sa hindi na ako nakapagpigil at napupuno na rin ang pasensiya ko dahil wala talagang nakausap sa akin, pumunta na ako. Well, if you'll ask where are the guys here? May kanya-kanya silang mundo. Ung isa, nagbabasa ng pocket books, yung isa, may laptop at nag-iinternet (pinapayagan ba ng school 'to?), may grupong nag-uusap tungkol sa mga girls, may mga pervert (YUCKS!) at may mga ewang hindi ko talaga maintindihan kaya nga I would rather stick with the girls. So pumunta na nga ako.
|
|||||||
|
© WP Technology Inc. 2009
User-posted content is subject to its own terms. |