Chapter 2 - Unforgivable

6K 185 22
                                    

Umuulan at nakadungaw lang ako sa labas. Gusto kong lumabas ng bahay pero ayaw akong palabasin ng mga tao sa bahay dahil baka raw ako madulas. Ganito sila ka-aware na pwede kong sadyain para mawala ang bata. Natatawa na lang ako. Umayon na ako sa kasunduan sa demonyo na iyon. Kahit hindi ko siya pinagkakatiwalaan ay wala na rin akong magagawa. Siya lang din naman ang daan para makalabas ako sa impyernong pinaghaharian niya.

"Mainit na gatas po, Ma'am Sam." Napatingin naman ako sa boses na narinig ko mula sa pinto. Bata pa ito, maaring kasing edad ko at ngayon ko lang nakita ang mukha niya sa bahay ng demonyo. Pumasok na siya sa kwarto ko at nilagay niya ang gatas sa may maliit na table ko. Tiningnan ko lang siyang mabuti at ngumiti ito na tila nahihiya sa akin. "Ma'am mainit na gatas po. Tamang-tama sa malamig na panahon." Ngiti pa nito sa akin.

"Alam ko. Iinumin ko iyan mamaya." Mataray kong sambit pero ngiti lang ang sinukli sa akin ng babae.

"Kasi po ma'am order po ni Ate Aida na makita kong ininom mo talaga ang gatas. Pasensiya na po." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Gusto ko siyang pagalitan pero naisip ko na namamasukan lang siya sa hayop na iyon at wala siyang kasalanan kundi ang sumunod. Napabuntong hininga ako.

Naglakad ako patungo sa may mesa at kinuha ang gatas. Naupo ako sa akin upuan at pinagmasdan lang ako nito habang umiinom.

"Ang ganda niyo po, ma'am." Tumingin lang ako rito at hindi nagsalita. "Kaya pala alagang-alaga kayo ni Sir Matthew." Nagsalubong ang kilay ko ng marinig ko ang pangalan ng demonyo na iyon. "At siyempre gwapo rin naman po si Sir Matthew kaya bagay na bagay kayo." Lalong nag-init ang ulo ko. Oo, dati hinahangaan ko ang demonyo na iyon dahil sa itsura niya at sa akala kong magandang ugali niya pero dahil sa ginawa niyang pambaboy sa akin nabura lahat iyon. Hindi ko nga alam bakit nakikita nilang gwapo at mabait ang tao na ito na ang kaluluwa ay naagnas na sa impyerno.

"Kung gusto mo siya pwede mo na siyang angkinin." Binaba ko na ang baso ko na ubos ang laman sa may mesa.

"Ma'am naman. Hindi po. Simpleng paghanga lang po ito. Kahit naman din po kayo ay hinahangaan ko dahil ang ganda-ganda niyo."

"Looks are deceiving. Mag-ingat ka sa mga kagaya ni Matt." Babala ko. Naisip ko naman kung ilan pa ba ang mabibiktama ng mga kagaya ng demonyo na iyon. "Ang mga kagaya niya ay mapagkunwari at naninira ng buhay. Lumayo ka sa mga kagaya niya."

"Ganoon po ba, Ma'am. Pero parang mabait naman po siya. Atsaka sabi ni Ate Aida mabait daw po si Sir."

"Well, hindi kasi nila nakita kung gaano kademonyo ito kaya wala silang alam." Tumahimik na ako at tiningnan lang ako nito. "Ano nga palang pangalan mo?"

"Simone po, Ma'am. Nice meeting you po." Nakangiti pa rin ito. Bumigat naman ang dibdib ko. Naalala ko naman ang panahon na kaya ko pang ngumiti ng ganoon. Naiinggit naman ako sa babaeng ito.

"Ilang taon ka na?"

"Twenty one na po, Ma'am." Tumango ako. Mas matanda pa siya sa akin. Kung hindi lang sana nangyari ito ay maaring kagaya rin ako ni Simone. Maaring nakakangiti ako kagaya niya at hindi ganito kasalimuot ang buhay ko. Nakuyom ko ang palad ko. I hate him so much! I really hope he dies and go to hell. I hope that all that he stole from me will be stolen from him in double portion. "Okey lang po kayo, Ma'am?"

"Sam. Kapag tayong dalawa lang tawagin mo akong Sam at hindi ma'am. Mas matanda ka pa nga sa akin." Nakita ko ang paglaki ng mga mata niya sa sinabi ko. Mukhang walang kaalam-alam ito sa kung anong meroon sa pamamahay na ito. "Isipin mo na lang ang amo na may-ari ng bahay na ito ay ganoon kahayop para gawin sa isang bata ang ganito." Nahalata ko ang paglungkot nito.

"Si-sige po ma'am. Mauna na po ako." Tiningnan ko lang siya palabas. Hindi siguro inakala ni Simone na ganoon kasama ang amo niya. Mabuti na rin iyon para umalis na rin siya sa pamamahay na ito at baka siya naman ang pagsamantalahan ng hayop na iyon. Maganda pa naman siya.

Journey of ForgivenessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon