Active Readers Award

236 23 25
                                    

As of April 20, 2015, sarado pa ang book club na ito. Pero magkagayon man, let me post this... baka lang ma-inspire ang ibang sumali sa book club.


Ano ang Active Reader's Award?

Ang Active Reader's Award ay isang parangal na ibibigay sa isang member ng SDABC na talaga namang naging active sa buong linggo. Yep, sa loob ng isang linggo, isang member lang ang makakatanggap ng award na ito. Tuwing Linggo (Sunday) rin ang posting ng Active Reader's Award.

Paano ako magiging Active Reader Awardee?

1. Kailangan mong maging super duper active. Unang requirement ang pagiging active. Kailangan ay kasali ka sa Monday, Wednesday at Friday pairings para maging candidate para sa award.

2. Kailangan mong naging isang mahusay na critic. Yes, critic. Hindi lang tayo maglalaro ng paramihan ng binasang libro. Ang Active Reader Awardee ay pipiliin base sa kanyang naging performance for three consecutive pairings. May ipinost na akong Critic Guide. Ang makapagbibigay ng mahusay na critic sa kanyang mga partners ay siyang mapipili.

3. Kailangan mong maging punctual. Mahalagang matapos mo ang task mo on time. Kapag tapos ka na sa tasks mo, comment agad ng DONE sa current partnership para ma-check at ma-evaluate ko yung comments mo sa iyong partner. Ang masisipag magbigay ng critic ay may mas malaking chance na maging active reader awardee.

Malalaman mo kung ikaw ang nanalo ng award kapag nakatanggap ka ng PM mula sa akin regarding an interview.

Ano ang mapapala ko bilang isang Active Reader Awardee (ARA)?

1. Interview. Syempre, isa ka sa mapapasailalim sa mahiwagang spot light. Magkakaroon tayo ng Q&A tungkol sa'yo.

2. Perks. Ang bawat miyembro ay obligadong basahin ang first three chapters ng napiling libro ni ARA. Obligado rin tayong mag-iwan ng matinong comment sa bawat binasang chapter. 

Kung nakapartner mo na si ARA at nabasa ang librong pinapabasa niya, abswelto ka na. Again, voting is optional. Kung gusto ninyong ituloy ang pagbabasa, push lang.

So, kung meron tayong sampung member by the time na ikaw ay maging Active Reader Awardee, ibawas ang mga naunang partner at ang sarili mo, may anim na tao pang magbabasa ng iyong libro. That being said, you will have, at least, an additional (6 people x 3 parts) 18 reads and 18 comments in your chosen book.

3. Mutual partners. Syempre, na-impress na ang lahat sa iyong pagiging mahusay na critic! Mae-engganyo ngayon tuloy ang lahat na ikaw naman ang maka-partner. Sakaling hindi nila maantay ang oras na makapareha ka, pwede ka nilang i-PM para makipagnegosasyon sa iyo. Pwede ka nilang alukin ng R4R at C4C. Ikaw na ang bahala kung papaunlakan mo ang imbitasyon nila o hindi.

Ang hindi magbasa ng libro ni ARA ay hindi makakasali sa Monday pairings. Seryoso po ako sa bagay na ito. At syempre pag hindi ka nakasali sa Monday pairings, wala ka na agad chance na maging susunod na ARA.


Codes? Dahil nakapag-sign up ka na, wala nang codes. But you might as well tag anyone in the comment box. Baka lang maka-engganyo ka ng ibang tao para sumali sa book club at makapag-umpisa na tayo :)

SDA Book Club (Second Wave)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon