Previous Page of 2Next Page

Ang Prinsipe at Ang Pulubi

spinner.gif

Noong unang panahon sa Kahariang Castillo, may isang matapang at mapagmahal na prinsipe na umibig at kinasal si Prinsesa Rosamia ng Pransya, at siya ay si Prinsipe Artemio.

 Sa ika siyam na taon sa pagmumuno nila sa kaharian, sa ika-28 ng Oktobre ay iniluwal ng Reyna ang kanilang kambal na anak na sina Prinsipe Romeo at Prinsesa Alisa. Hindi malayo sa kastilyo ay nagkaanak rin ang mag-asawang Rodrigo at Rosalina ng isang lalaki na pinangalanang Romulo. Ngunit sa kasamahang palad, hindi nakayanan ni Rosalina ang panganganak ay natuluyan na siyang namatay.

Pagdaan ng anim taon, nalaman ni Haring Artemio na may malubhang sakit ang Reyna.  Pinadala niya ang pinakamagaling na doktor sa buong kaharian upang ipagamot ang Reyna ngunit hindi naagapan.

        Si Haring Artemio ay tumayong ama at ina ng kakambal, tinuruan niya silang maging isang mabuting tao. Tinuturuan niya si Romeo gumamit ng sandata, mangangabayo, at kung paano mamuno ng kaharian. Si Alisa naman ay tinuturuan niyang sumulat ng mga nobela at tula, gumuit, kumanta at tumugtog ng musika.  

Sa ika-sampung kaarawan nina Romeo at Alisa, may malaking balita ang hari. Pinatawag niya ang kanyang dalawang anak sa hardin upang mag-usap. May isang babae na kasing-gulang ng hari, may mahabang buhok, maamong mukha at magandang ngiti. Pinakilala ng hari ang babae sa kanyang anak, “Mga anak ito ay si Reyna Seraphin at siya ay magiging parte ng pamilya natin bilang inyong bagong ina...” Kitang-kita sa mukha ng magkakambal ang pagkagulat. Hindi nila matanggap kaagad dahil mahal mahal nila ang kanilang ina. Ngunit sa tagal ng panahon tinanggap din ng kakambal ngunit si Romeo ay tutol pa rin.

Pagdating ng Hunyo 24 ay kinasal na si Haring Artemio kay Reyna Seraphin. pagkatapos ng kasalan,nagbago na ang buhay ng Prinsipe at ng Prinsesa. Si Reyna Seraphin na akala nila mabait sa maamo niyang mukha ay mali pala. Sa harap ng Hari ay parang mahal na mahal niya na parang tunay na anak, pa gang hari ay nakatalikod, parang walang awa sa mga bata. Tinitiis lamang ng kambal para sa kanilang ama.

Sa kanilang ika-13 na kaarawan ay nag piesta ag buong kaharian. Sa araw na iyon, pumunta si Romulo sa palenke upang papasok sa trabo niyang bilang isang panadero. Sa daan papunta sa panaderya ay may nabangga siyang isang tao na kasingtaas niya at nakatago ang mukha. Humingi ng paumanhin si Romulo, pagtanggal ng tela na nagtatago sa mukha ng tao ay nagulat si Romulo… Kamukhang kamukha niya ang lalaking iyon..

“Sino ka ba?” ang tanong ng lalaki

“Romulo ho ang pangalan ko… Kamukha tayo ah… Sino ka naman?”

“Romeo ang pangalan ko…”

“Romeo? Kapareho ka ng pangalan ng prinsi…..”

“Shhhhh…. Tumahimik ka… Tumakas ako sa kastilyo dahil naiinis na ako sa pangalawang ina ko.”

“Swerte ka pa nga mayroon kang ina kahit hindi mong kadugo…Ako nga namatay ang ina ko…”

“Ganoon ba? pasensya ka na ha….”

Nag-usap ang dalawa hanggang tanghali…… Bigla na lang mayroong plano si Romeo…

“Magkamukha tayo, magkasing edad, parehong araw ng kaarawan… Alam ko na, ba’t hindi tayo magpalit ng buhay? Kahit isang araw lang?”

“Ha? Ba’t mo namang gusto maging mahirap?”

“Dahil gusto kong magtrabaho, maging malaya, at higit sa lahat malayo sa impyernong tinatawag ninyong perpektong buhay. At maranasan mo rin ang buhay mayaman.”

Previous Page of 2Next Page

Comments & Reviews (4)

Login or Facebook Sign in with Twitter


library_icon_grey.png Add share_icon_grey.png Share

Who's Reading

Recommended