Chapter 10

5.5K 156 36
                                    

Sidney's POV

I've been crying for the whole night. Is there any other easiest way to be with my son? Caleb let me spend the night here at his penthouse, para daw mapag isipan ko mabuti ang desisyon ko. He's right. Me and Sandler sleeping next to my side, parang ayoko ng matapos toh. I miss this! Yung kinukwentuhan at inaasikaso bago siya matulog.

I looked at the clock and it's 04:00 in the morning. Hindi ako makatulog kakaisip at kakaiyak. Para ding ayoko ng matapos ang gabing ito na kasama ang anak ko. I have to leave before eight in the morning. Yun ang usapan namin at kahit ipakaladkad niya ko sa mga body guards para lang umalis ako ng tama sa oras. I closed my eyes and another tear fell down as I remember every words that he said yesterday.

"After what you did for the past three years, you think ibibigay ko na lang basta sayo ang anak ko?! I was just makin' sure na hindi mo na siya ilalayo sakin! Pasalamat ka pa dahil mas gusto kong mommy parin niya ang mag alaga sa kanya."

Ibang klase talaga siya. He's evil. Kaya nga idadaan namin to sa korte diba!? Siguro naman dahil sa mga connections niya ay kaya din niyang itago sa publiko ang issue na yun.

"So ganun, hahawakan mo ko sa leeg para makasiguro kang hindi ko na siya itatakas sayo?! That's crazy! Hindi ko na ipag kakait ang karapatan mo being his Dad. So please stop that non sense proposal!"

He smirks annoyingly at pinunasan ko na lang ang mga luha ko. Finally, I have learned to control my tears from falling. Bakit ba ko aasa na may patutunguhan pa ang usapan na toh. I will never win!

He moved closer at me. Nagulat na lang ako ng hawakan niya ang pisngi ko. I was shocked and as much as I want not to be affected, mukhang wala akong nagawa. I think my whole face turns into red.

"If I were you Sidney kakalimutan ko na lang ang pride ko. Just think of it like I'm doing my responsibilities for the two of you. We can be a good parents to our son. Think of it."

I slapped away his hand and rolled my eyes. Wala akong panahon makipag laro sa kanya. Tingin ba niya magiging madali ang lahat? Lalo na sakin. Well kung sabagay, that was his actual plan. Ang pahirapan ako.

"Then how about your wife?"

Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas ng loob na sabihin yon. Nakita ko ang gulat sa mga mata niya and I only looked away ng tignan niya ako.

"She doesn't need to know. I am just doing this for my son Sidney.. Don't meddle with my personal life."

Hindi ko alam kung bakit kailangan ko pang masaktan sa sinabi niya. Pero tumagos at masakit sa dibdib. This is so unfair. Pero siya kokontrolin pa ang buhay ko?!

"Do you really think na papayag ako diyan sa gusto mo?! Pwede naman natin hatiin ang oras natin kay Sandler.. At siguro hindi mo naman kailangan itago ang anak natin sa asawa mo! If she loves you.. She'll understand!"

Napangiwi ako sa sakit ng hilahin niya ng madiin ang braso ko. Halos bumaon ang mag kuko niya dahil sa sobrang higpit ng mga hawak niya. Pinilit kong kumawala pero lalo lang ako nasasaktan.

"Talaga bang ayaw mo ng makita ang anak mo?! Sinusubukan mo talaga ko!!! Wala kang karapatan na pakielaman ang mga desisyon ko lalo na kung involve ang asawa ko!!!"

Halos matumba ako ng bitawan niya ang braso ko. He can even hurt me physically. Malaki na talaga ang pinag bago niya at ngayon wala ng makakapigil sa pag ganti niya sakin. Pumatak nanaman ang luha sa mata ko.

"I thought you became a better man. But I just realized na walang wala ka parin sa Caleb na nakilala ko noon!"

I looked away kahit alam kong tinapunan niya ko ng nanlilisik at masama niyang tingin. Hindi ko na dapat sinabi yon! Shit! I'm getting really emotional.

Prison of Lies (Partners in Crime Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon