|
||||||||
![]() |
||||||||
|
|
||||||||
|
|
1
Chapter 2
Ano daw? Tama ba pagkakarinig ko? O baka naman mali lang ako. Teka nga. Itatanong ko ulit. Itatanong ko na sana kung ano yung sinabi niya ulit pero hinagisan niya ako ng isang key. "Key yan para sa room sa isang motel. Alam mo naman siguro yung Living in a Paradise Hotel dito diba? Tomorrow at exactly 8pm. Don't ask for more kasi naiirita ako sa mga taong tanong ng tanong. Alam mo naman siguro kung anong gagawin natin don kaya better be prepared," sabi niya sabay hagis nung key sa akin. Teka nga. Totoo ba talaga 'to? Natitimang na ba siya? Baliw na ata 'tong kausap ko eh! Pigilan niyo ako kasi baka mapatay ko 'tong taong 'to! Lumapit ako sa kanya. Muntikan ko na talagang sapukin ang lalaking ito kaso mahirap na baka mademanda pa ako. Mahirap pa namang makipaglaban sa mga mayayaman. Kaya ito na naman po tayo, siyempre ginantihan ko na lang siya gamit ang mga matatalim kong salita. Tumawa muna ako nun ng sobrang lakas na parang nababaliw. Alam ko kahit hindi niya sabihin na naiinis na siya sa akin. Well, ayoko na ngang tumigil ng mga panahong iyon eh! Kaso baka magwalk-out 'to kung tawa lang ako ng tawa. So nagsalita na ako. "Sa tingin mo ba papatulan kita? Ah! Mali pala. Sa tingin mo ba may papatol pa sa'yo? Kahit ata cheap na babae hindi ka pagnanasahan eh! Ako pa kaya?" At tumawa na ako ng tumawa. Puno na ata 'to sakin kaya napilitan nang magsalita. "Well, that means you're not interested with the tickets anymore? So, ayaw mo nang makita yung magcoconcert na Japanese?" Tanong niya sa akin habang suot-suot niya parin ang pang-asar niyang mukha. Sana nga wala na siyang bibig o sana pipi na lang siya. Nakakainsulto na kasi siya at naiinis na talaga ako. "Importante sa akin ang araw na 'to. Pinaghandaan ko ng mabuti para makita lang ang lalaki sa loob ng hall na yan. Pero, hindi ako magpapakacheap para lamang sa bagay na 'to. Oo, inaamin ko. Obsess ako sa lalaki na nasa loob ng hall pero hindi ko magagawang ibaba ang dignidad, moralidad at pagkatao ko dahil lang sa pagsama ko sa'yo. Marami pang oras. Pupuwede pa naman siguro kaming magkita ulit kahit sa ibang okasyon." Hinagis ko yung key sa kanya at tumalikod na ako para umalis. Tanggap ko na na hindi na talaga ako makakapanood pa ng concert ni Ikuta Toma at ang favourite kong band na Arashi pero masaya parin ako dahil napatunayan ko sa sarili ko na kaya kong ipaglaban ang katauhan naming mga mahihirap. Pero, siyempre hindi umalis ang lola niyo ng ganun kabilis. Siyempre may drama effect pa akong nalalaman. Tumigil ako sa paglalakad pero hindi ako tumingin para lingunin siya upang sabihin ang isang napakahalagang bagay. "Alam mo, ang suwerte mo sana dahil mayaman ka at nagagawa mo lahat ng gusto mo sa buhay. Pero sa isang banda, you're too pitiful. Alam mo kung bakit? Dahil hindi mo ata natutunan na magkaroon ng good values," sabi ko sa kanya at tuluyan na akong umalis. Alam kong andun parin siya. Nagulat ata masyado sa mga sinabi ko kaya natulala. Pero, wala akong pakialam since siya naman ang nagsimula ng lahat ng iyon. Magdusa siya. Feeling ko naman may konsensiya pa yung mokong na 'yun. Dahil malapit lamang naman yung venue ng concert sa bahay ko, nilakad ko na lang yun. Marami parin naman kasing tao kaya malakas loob kong mag-isa ng gabing iyon. Laking awa naman ng Diyos ay walang nangyari sa aking masama at nakauwi ako ng bahay ng ligtas. Nang nasa loob na ako ng bahay, nakita ko ang Mama ko na patulog na. Hindi ko na nga siya balak istorbohin nang tawagin niya ako. Naman oh! Gusto ko na sanang magpahinga. Sigurado akong tatanungin ako nito kung bakit ang agang natapos ng concert. Naku naman. Pano ko sasabihin kay Mama na dahil sa isang lalaki na nakita ko kanina na siyang umagaw ng ticket ko, hindi ako nakaattend ng concert? Eh, alam niyo bang amasona rin 'to. Mas malala pa nga yata sakin. Tiyak na 'pag nalaman nito, kahit pa sabihin nating gabi, pupunta't pupunta siya mamura lang iyong lalaking iyon. Naku, ayoko ng iskandalo kaya mabuting magsinungaling na lang. "Éclair. Ang aga mo naman yata, akala ko ba mamaya pang 12 ang tapos ng concert?" Bingo. Sabi ko naman sa inyo eh! "Mama, masama na po kasi yung pakiramdam ko kaya napagdesisyunan ko pong umalis na lang tutal naman nakita ko na naman po sila. Masaya na po ako dun." Effective kaya 'to? "Ganun ba anak? Oh siya sige, magpahinga ka na sa kuwarto mo." Galing ko no? Expert na kasi ako dito eh! Hahahaha! Just kidding. And so, I went to my room. Sa tingin ko hindi na talaga kaya ng puso ko kaya ayun. Nagkandaiyak na ako. Sa sobrang iyak, mukhang baha na nga yung unan ko. Sabi ko na lang, alam kong lahat ng ginagawa ni God may dahilan. Baka talagang hindi pa time para magkita kami ni Toma. Dahil sa sobrang pagod at pag-iyak, hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako.
|
|||||||
|
© WP Technology Inc. 2009
User-posted content is subject to its own terms. |