26: First Kiss

220K 4.2K 497
                                    


Before anything else, hindi patungkol saakin ang title ng entry kong ito. Wala akong lovelife so paano ako magkaka-first kiss!? Okay? Malinaw tayo dyan.

Ganito kasi 'yan... parehong nanalo sina Deane at Amanda para sa Student Council. So wala sila sa classroom kanina kasi may meeting or official appointment yata sila kasama ng iba pang elected students, school admins and faculty.

Para paikliin ang kwento, hapon na 'nun at malapit nang mag-uwian. Nag-CR ako sandali at paglabas ko, natanaw ko silang dalawa dahil mukhang natapos din ang meeting nila. Bigla kong nahuli na panakaw na hinalikan ni Amanda si Deane. Nagulat si Deane at natulala sandali kaya nauna nang naglakad si Amanda pabalik sa classroom. First time kong maka-witness ng may mag-kiss bukod sa parents ko!!!

Yumuko na lang din akong naglakad pabalik sa classroom namin. Binagalan ko pa nga ang paglalakad para hindi ko sila makasabay ng pagpasok. Kaso nagulat ako pagdating 'dun sa pintuan, nagkasalubong pa rin kami ni Deane... tipong parang inaabangan niya talaga ako.

"Nakita mo?" 'Yan exactly ang tanong niya! Madaling tandaan dahil two words lang naman. Yumuko ako tapos umiling tapos dumirecho na sa loob. Kaso may pabulong niyang sinabi, "Nakita mo nga." At inunahan na niya ako papasok sa loob. Tapos natahimik na siya 'dun sa pwesto niya.

Ano naman kung nakita ko nga? Hindi ko naman sinasadya eh! Tsaka wala naman akong balak ipagsabi! At bakit malungkot siya? Feeling ko tuloy may malaking kasalanan ako. Ano bang ginawa ko? Bakit ako nagi-guilty?


Lovelife? Ano 'Yun? ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon