Previous Page of 10Next Page

AVAH FOREVER MALDITA [BOOK 2] Ongoing

Dedicated to
Carllouissebb
spinner.gif

SPECIAL CHAPTER (PART 2) : AVAH CHEN’S PANGMAYAMANG BITCHDAY PARTY

 

Dahil second part na ng PANGMAYAMANG bitchday party ko, kaya naman nag-change outfit ako! Ganun talaga, madami kasi akong damit. Kung sa first part ay naka black ako. Ibahin nyo ngayon, naka-violet ako! Casual dress v-neck with geometric design.

 

(Tignan nyo na lang sa gilid, hirap mag-explain! xD)

 

Kasalukuyang lumalafang na naman ang mga bisita ko. Grabe! At masaya silang nag-kwekwentuhan. Yung iba sa kanila ngayon lang nagkakilala pero kung makapagkwentuhan daig pa mag-best friends.

 

Yun iba naman, nakatingin sa direksyon ng mga bago ko daw butlers na kanina pa din sinubukang paalisin ni Neo. Tsk.

 

Ako naka-upo sa trono ko at pinagmamasdan sila. Ang sarap lang sa pakiramdam na para akong Reyna ngayon na pinagmamasdan ang aking mga alipin habang kumakain. Reyna nga lang ng kamalditahan at hindi kabutihan.

 

O sige na. Inaamin ko, nag-e-enjoy na ako sa birthday ko. Ito ang kauna-unahang birthday ko na na-enjoy ko! Sa sobrang tuwa ko nga parang na-low-bat bigla yung maldita radar ko at ayaw gumana. Nakakainis!

 

Di bale, hindi ako papayag na hindi ako magpasabog ng kamalditahan sa birthday ko. Sa ngayon, maging masaya muna tayong lahat dahil mamaya, sisiguraduhin kong uuwi kayong luhaan.

 

BWAHAHAHAHA!

 

Erase. Erase. Erase. Hindi bagay sakin yung tawang yun. Hindi pang-mayaman…dapat ngiti pa lang pamatay na! Ganon dapat! Pang-mayaman. *smile*

 

“Nakangiti ka dyan?” tanong sakin ni Dhonna noong pumunta sya sakin habang may hawak na glass wine na may laman na red wine at binigay sakin yung isa.

“Inggit ka? Ngiti ka din.” Pagtataray ko sa kanya at saka ko kinuha yung binigay nya.

“Ako? Maiinggit sayo? Bitch please!” Dhonna said rolling her eyes.

“Rolling your eyes won’t make you pretty, not even cute. Bitch please!” sagot ko sa kanya at mas ginandahan pa ang pagsasabi ng ‘bitch please’.

“I’m not trying to be pretty or even cute. Duh? Effortless ang ganda ko.” sagot nya pa.

“Kaya pala wala nang natira sa ugali mo.” sagot ko.

“Wow, sayo talaga nanggaling yan? Kumpara sayo, anghel ako.” sagot nya

“You can’t have it all, sweetie.” Nakangiti kong sagot.

“I know right. Pasalamat ka birthday mo.” sabi pa nya.

“Well then, thank you.” nakangiti kong sagot sa kanya. Sumimangot naman sya.

 

See? Sabi sa inyo, hindi pwedeng hindi ako mag-papasabog ng kamalditahan. Warm-up pa lang yun.

 

“O? Anong meron dito?” turo ni Aira kay Dhonna na nakasimangot.

“Na-sample-an eh.” natatawa kong sagot.

“Birthday nya, pinagbigyan ko.” sagot ni Dhonna.

“Talaga lang ha?” pagdududa ni Aira

“Nagdududa ka ba?” tanong ni Dhonna kay Aira

“Obvious ba?” pagtataray naman ni Aira

“At talagang nag-join force pa kayong dalawa. Sabagay, birds of the same feather flocks together.” Sabi ni Dhonna at ininom ang champagne nya.

“Kaya nga we’re friends, kahit ayoko kayong i-friend.” Reklamo naman ni Aira.

“Sino ba ang nagsabi sayong gusto ka din naming i-friend?” I said mockingly.

“Good. The feeling is mutual.” Nakangiti pang sabi ni Aira

 

 After a moment of silence. Natawa na lang kaming tatlo. Bigla namang dumating si Frances.

 

“Nag-tatawanan kayo without me? How could you do this to me?” madramang sabi ni Frances at humawak pa sa dibdib nya na parang nasaktan.

"Kailangan ba may permiso mo bago kami tumawa? Nagpapatawa ka ba?" sarcastic na tanong ni Dhonna

"That's not what I said." maarteng sagot ni Frances

"But that is what you are trying to imply, Brat." sagot ko.

"And next time na magdradrama ka, galingan mo yung pag-arte ha. God! Ikaw lang ang Brat na trying hard mag-tantrums." naiinis na sabi ni Aira

"At ikaw lang ang snob na maraming sinasabi. Beat that bitch." na-cross arms pa si Frances at tinaasan ng kilay si Aira.

"Nuff said." sabi ni Dhonna sabay palakpak pa.

"And the Brat beats the Bitch." natatawang sabi ko.

"Says who? Hindi kasi ako pumapatol sa bata.” Depensa ni Aira.

Si Frances kasi ang pinaka-bata saming apat, Aira is the eldest 21 years old, next is Dhonna 7 months older than me, followed by me then Frances who’s 19 years old.

Previous Page of 10Next Page

Comments & Reviews (738)

Login or Facebook Sign in with Twitter


library_icon_grey.png Add share_icon_grey.png Share

Media

SPECIAL CHAPTER (PART 2) : AVAH CHEN'S PANGMAYAMANG BITCHDAY PARTY

Who's Reading

Recommended