25: Election Day

216K 4.7K 699
                                    


May sekreto akong sasabihin. At two points in my high school life, naging sikat din ako. Pero walang nakakaalam na ako 'yun.

Nagsimula 'yan noong first year ako, election day. Ako 'yung mysterious voter na puro ABSTAIN ang nilagay sa ballot. Meaning, wala akong binoto sa kahit na saang partido para sa isang pwesto. Noong second year ako, ganun din ang ginawa ko. Puro ABSTAIN ang nilagay ko.

Ang dami ngang nag-react 'nun. Kesyo sinayang lang daw ang boto. Para saakin naman, mas masasayang ang boto ko kung iboboto ko 'yung taong alam kong hindi naman karapat-dapat.

But for this year's election, mas naging sikat pa yata ako ngayon. Heto kasi ang boto ko:

President: ABSTAIN

Vice-President: DEANE CARRASCO

Secretary: ABSTAIN

Treasurer: ABSTAIN

1st year Representative: ABSTAIN

2nd year Representative: ABSTAIN

3rd year Representative: ABSTAIN

4th year Representative: ABSTAIN

Sabi nila, itong si mysterious voter ay malamang may crush kay Deane kaya siya lang ang binoto. Magpo-protesta sana ako eh. Kaso naalala ko na wala nga palang nakakaalam na ako 'yun. Pero peksman! Wala akong crush kay Deane! Tingin ko lang na deserving talaga siya for the position kaya ko siya binoto.





= = = = =
Aegyo's Note: Hello mga ka-Lovelife at Potato Chips Lovers! May official FB group na po para sa kwentong ito, just search 'Lovelife' ni Aegyo and makaka-join na kayo. Makaka-kwentuhan niyo doon ang kapwa readers readers at syempre makakachikahan niyo rin ako! Soon, magkakaroon na rin ng account ang mga characters. Pwede kayong mag-apply bilang operators pero ang pipiliin namin ay 'yung talagang readers na madalas mag-comment dito. Spread the love, the story and share your potato chips!
Official hashtags: #TeamDeanCey #PotatoChipsCouple #LovelifeNiAegyo

Lovelife? Ano 'Yun? ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon