Chapter 41 part 1

83.7K 1.8K 86
                                    

A.N.

Habang sinusulat ko ang last part lumulukso ang puso ko... hehehehe

Enjoy reading guys :) 

Please don't forget to vote and leave your comments ^__^

___________________

Chapter 41 part 1

Maaga pa lamang ay umalis na ng bahay si Jesica, may mga importante silang reservation sa kanyang restaurant ngayong araw.  Kaya ngayon ay halos hindi siya magkandaugaga dahil sa sobrang dami niyang dapat asikasuhin. Kasalukuyan siyang naglalagay ng finishing touches sa mga cupcakes ng pumasok ang isa sa kanyang mga waiters.

 

 

“Ma’am Jessie, nasa labas po si Mr. Vincent Almonte.”

Napakunot ang noo ni Jesica ng marinig ang pangalan na binanggit ng waiter. “Please tell him that I’m very busy right now.” Ipinagpatuloy niya ang paglalagay ng mga icing.

Mabilis pa sa alas kwatro na lumabas ng kitchen ang inutusan, mukhang nailing ito sa tono na ginamit niya. Mula ng buksan niya ang kanyang restaurant ay wala pa siyang sinigawan na empleyado dahil naniniwala siya na ang lahat ay nadadaan sa malumanay na usapan. Pero nitong nakaraang buwan mula ng mangulit si Vincent ay unti unti ng umikli ang kanyang pasensiya.

Nang bumalik ang waiter ay may dala ito ng isang bouquet na tulips. “Ma’am pinapabigay niya pos a inyo.”  Sabay abot sa amo.

“Haayyy, ang kulit talaga ng lalaking yun.” Reklamo ni Jesica habang nilalapag sa gilid ng working table ang mga bulaklak. Pero sa totoo lang ay may kaligayahan siyang nadarama ng mga sandaling yun, pilit niyang pinipigilan ang damdamin para kay Vincent dahil natatakot na siyang masaktan muli. Napangiti siya ng maalala ang huling usapan nila ng binata, mukhang tototohanin nito ang sinabing liligawan siya para lamang mapapayag siyang pakasal dito.

 

“Sabi po pala ni Sir Vincent na hihintayin daw po niya kayong matapos sa ginagawa ninyo.” Pahabol na sabi ng waiter bago tuluyang lumabas.  

“Hmmm… hmmm, I smell romance.” Pang-aasar ni Franco ng makita ang mga bulaklak.

 Kagabi ay tinawagan niya ang kaibigan para magpatulong dahil nagkaroon ng emergency ang kanyang assistant chef. Dahil may konsiderasyon siyang employer kaya hindi na niya pinigilan itong mag absent. Mabuti na lamang ay maluwag ang schedule ng kaibigan, hindi siya nahirapang kumbinsihin na tulungan siya.

“Will you please shut up?! Parang wala ka naming alam kung anong meron kami ng lalaking yun.” Nakaingos na tugon ni Jesica.

“Eh bakit ka defensive? Hind ko nga kilala kung sino ang nagpadala sayo ng mga yan.” Sabay turo nito sa mga bulaklak habang maluwag ang pagkakangiti ni Franco. Kitang kita niya ang pamumula ng mga pisngi ng kaibigan kaya lalo niya itong inaasar.

If I Could Turn Back The Time (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon