20: SECOND PHOTOSHOOT

4.7K 100 20
                                    


^Jepherson

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

^Jepherson

****

Chapter 20 — Second Photoshoot


Mayka's Point Of View

Mabuti naman at hindi niya nahalata na may pinaplano kami. Kung napansin niya siguro na may tinatago kami, hindi magiging successful ang surprise ng syota niya. Nyeta, dinamay pa kami sa ka-corny-han ng lalaking yun.

Halata sa mukha ni Kelly ang pagkagulat nang makita niya si Hanz sa center stage na may dalang bouquet of red roses.

Dahan-dahang lumapit si Hanz kay Kelly hanggang sa konti na lang ang space gitna nila. Nilagay ni Hanz ang bouquet sa mesa na nasa likod lang ni Kelly. Hindi kaagad siya nagreact kaya hinalikan siya ni Hanz. Nabigla si Kelly pero ginantihan rin naman niya.

Tignan mo to. Nasaan na yung sinasabi niyang ayaw niya sa lalaking to? Kinain niya kasabay sa pizza niya? Masarap ba?

Ilang segundo na ang lumipas pero itong dalawang malandi, di pa rin tumitigil sa paghahalikan. Kadiri, sa harap talaga namin? PDA masyado.

"Ehem." pagfe-fake ko ng ubo nang mapansin kong napasarap na ang laplapan nilang dalawa, baka kung saan pa sila matutuloy. Nasa canteen pa naman kami. Di ba sila nahihiya? Marami kayang silang audience.

Agad namang lumayo si Hanz kay Kelly at may malaking ngisi pa itong nakaplaster sa mukha. Si Kelly naman ay nakatulala sa mukha ni Hanz. Parang inaabsorb pa niya ang nangyayari. Feel na feel pa talaga ang moment.

"What..." tulala pa rin siya. "The...?"

"Hehe. Happy Monthsary, babe!" bati ni Hanz sa kanya. Hindi naman nagreact si Kelly kaya umepal ako.

"Hoy babae, bakit di ka na nagsasalita? Buntis ka na ba?!" Humalakhak ako ng malakas para marinig ng lahat. Nakatanggap tuloy ako ng batok mula kay Jazz.

**

"Hi sweetie." bungad ni Jayzee nang hinarangan niya ako.

Pauwi na ako ngayon pagkatapos ng surprise ni Hanz. Magkaiba ang daan ng bahay namin at ang condo ni Jazz kaya hindi kami sabay. Si Kelly, busy pa sa syota niya.

Tumango ako at nilampasan ko siya. Ngumisi lang siya bago humabol. "Uuwi ka na? Maaga pa kaya." aniya at tinignan ang wristwatch.

Nagkibit ako ng balikat. "Malay ko rin kung saan ako pupunta. Wala naman akong plano."

Mas lalong lumaki ang ngisi niya at kinagat ang mapupula niyang labi. Unconciously, napakagat rin ako sa labi. What the fvck did I just do?!

Tumawa siya nung nakita niya akong naglipbite. Fowta, nakakahiya! Baka akala niya minomolestya ko na siya sa utak ko. "Mukha kang manyak!" wika niya at ginulo ang buhok ko habang tumatawa pa rin pero mahina na.

The Top Teen ModelsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon