XXXIV

192K 3.4K 93
                                    

Chapter Thirty-Four
 
  
Lutang na sumakay ako sa kotse ko. Patuloy ang pag-agos ng luha sa aking mga mata kahit na ano pa ang pagpigil ko.

Hindi ko muna ini-start ang sasakyan. Kailangang kalmahin ko muna ang sarili ko at kung hindi ay baka maulit na naman ang nangyaring aksidente. Baka mabangga na naman ako dahil sa mga pesteng luhang sagabal sa paningin ko.

Huminga ako ng malalim at pinag-isipang mabuti kung saan ba ako dapat na pumunta. Sa mansyon, sa bahay o sa apartment ko?

Kung sa mansyon ako pupunta, makakausap ko si mama at makakahingi ng tulong at lakas sa pagharap ng kalokohang ito sa buhay ko. Maaari ko na ring sabihin kila tita Ces at tito Win na hindi na itutuloy ang kasal.

Kung sa bahay ako pupunta, isa lang ang nais kong puntahan doon, ang anak kong payapang natutulog at walang kamuwang-muwang sa mabubuwag ng pamilyang meron siya. Kukunin ko siya at bubuo kami ng sarili naming mundo, ng sarili naming pamilya, 'yong hindi kasama si Warren.

Kung sa apartment naman, nais kong mapag-isa at magmukmok ngayong gabi roon. Gusto ko munang isipin ang sarili ko at kalimutan muna ang ibang bagay.

Gusto ko ng mahabang oras pa para makapag-isip ngunit hindi 'yon pwede dahil mamayang alas diyes na ng umaga ang kasal.


Simula ng mamulat ako sa katotohanan, ang unang pumasok sa isip ko ay magpakalayo-layo kasama si Wayne. Siguradong magagalit siya sa akin kung ilalayo ko siya kay Warren nang hindi niya alam ang totoong dahilan kung bakit kaya wala akong magagawa kundi sabihin sa kanya ang katotohan. 

Ngunit ayaw ko namang mamuhay ang anak ko na kinamumuhian ang daddy niya kahit tama naman talaga na magalit ang bata. Ayokong ipagkait sa kanya ang masaya at kompletong pamilyang dapat ay mayroon siya.
 
Kung tutuusin naman ay kami lang ni Warren ang nakapaloob sa mapanirang sitwasyon na ito dahil problemang mag-asawa ang adultery at kami lang naman ang mag-asawa. Hindi ko dapat idawit si Wayne dito. Hindi ko siya pwedeng isama sa gulong ito kaya hindi ko dapat ipagkait sa kanya ang kanyang ama. Hindi ko siyang pwedeng kunin at ilayo kay Warren.

Nanlulumong yumukod ako pasandal sa manibela. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Gusto ko ng itigil na lang ang lahat ng pasakit na ito.

Ano bang matinding kasalanan ang nagawa ko noon para parusahan ako ng ganito?

Naaksidente na nga ako at nagkaroon ng amnesia, niloko pa ako ng sarili kong asawa at kaibigan, nawalan pa ako ng anak.

Napahagulgol ako sa ala-ala ng pangalawa ko sanang anak. Si Clark.. hindi ko na siya nasilayan pa. Hindi man lang siya nabigyan ng pagkakataon para mabuhay. Ako na lang sana ang namatay sa aksidente at siya na lang ang nabuhay. Kahit kulang sa buwan, nabigyan sana siya ng pagkakataong mabuhay ng may pag-asa. Hindi tulad sa akin na binigyang pagkakataong mabuhay para magdusa sa mga pasakit na ginawa nila para sa akin.

Gusto kong magka-amnesia ulit. This time, yung permanente na at lahat-lahat ay mabubura sa isip ko. Kasama ang naramdaman ko para kay Warren, ang masakit na ala-ala na pagkawala ng anak ko at ang kataksilan nila Rachel at Warren.

Sinabunutan ko ang sarili ko sa frustration dahil napupuno na ng negative at suicidal thoughts ang isip ko.

Kailangan ko ng tigilan ang pag-iisip ng kung ano. Lalo lang akong nilulunod nito sa kalungkutan imbes na gumawa ng paraan para masolusyonan ang patong-patong kong problema.

Humugot ako ng malalim na hininga bago ko binuksan ang makina ng sasakyan at nagmaneho papunta sa bahay.

Kadiliman at katahimikan ang bumungad sakin pagbukas ko ng pinto. Hindi na siguro ako nagawang hintayin pa ni Paula, baka tulog na 'yon.
 
Umakyat na ako at pumasok sa kwarto namin para magpalit ng pantulog. Mabilis rin akong lumabas matapos magbihis. Dumirecho ako sa kwarto ni Wayne at nagpasyang doon na matutulog. Hindi ko kayang matulog sa kamang binaboy nila Rachel at Warren.

Pagbukas ng pinto ay iba't ibang ala-ala ang naiisip ko. Mula ng simple at walang buhay na kwarto lamang iyon, hanggang sa inayos namin at pinuno ng iba't ibang gamit pambata at hanggang sa katulong na namin si Wayne sa pag-aayos ng kwarto niya.

It was perfect. Everything seemed perfect. Why does it have to be like this? In just a blink of an eye, my world crumbled and my heaven became hell.

Kasalanan itong lahat ni Warren. Ano pa bang hindi namin naibigay ni Wayne sa kanya at kailangan niya pang maghanap ng iba? At sa lahat naman ng babaeng gagamitin niya, bakit ang kaibigan ko pa? At bakit hindi niya na lang sinabi agad? Why make up lies?

He had a chance to be free, to be with Rachel. I had an amnesia, I never knew I have a hold of him until he came back and asked me to be with him again. What was that all for? Trip? Joke? O gusto lang talaga niya akong magdusa ng matindi kaya pinaasa niya ako ng paulit-ulit?

And now this marriage thing. Wow.

Hindi ko na alam ang gagawin ko sa kanya. Sa sobrang pagkamuhi ko sa kanya, ang balak kong paghihiganti ay hindi ko na mapagplanuhan man lang sa sobrang panghihina ko.

I love him so much. In twenty five years of my existence, I have never loved any other man but him. And sadly, I don't think it will stop. No matter how many pains and bruises he had caused me, my love for him will remain.

Umiling-iling ako para itaboy ang nakakasukang ideyang gumugulo sa buong pagkatao ko. Sinarado ko ang pinto ng kwarto bago lumapit sa kama ni Wayne.

Tinitigan ko ang nahihimbing na pagtulog niya ng ilang saglit bago ako humiga sa kanyang tabi at niyakap siya ng mahigpit.

This boy right here is the only thing that keeps me alive right now. My source of light and power, my hero.

I have to do the same. Not because I have to give back but because I am his mother. Dapat na unahin ko muna ang kapakanan niya bago ang sa akin kaya kailangan na ipagpatuloy ko ang kahibangan na ito para sa kanya. Kailangang ituloy ko ang kasal para sa kompletong pamilyang nararapat para sa kaniya.

Saka ko na iisipin ang sarili ko, si Wayne muna.

He's Not Just My Boss (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon