Chapter 1

95.1K 1.1K 96
                                    

Chapter 1

Malakas na tunog ng alarm clock ko ang bumulabog sa masarap kong tulog. Sa sobrang gulat ko ay napabalikwas ako sa higaan at nahulog. Tumama ng malakas sa sahig ang balakang ko.

"Aw!"

"Cindy! Okay ka lang?" biglang pumasok si Nanay Cely sa kwarto ko tinignan ko siya. Ngumiti ako at tumango.

"Okay lang po ako." Ngumiti ako sa kanya habang hinihimas ang balakang ko na tumama sa sahig.

"Ano ka ba namang bata ka! Araw araw ka na lang nahuhulog dyan sa kama mo! Diyos mio ka talagang bata ka!" tinulungan niya akong makatayo at makaupo sa kama ko.

"Eh lagi na lang po kasi akong nagugulat sa alarm clock ko e." pagdadahilan ko habang hinihimas pa rin 'yong bandang balakang ko.

"Hay naku! Oh sige na, maligo ka na at mag-ayos, baka malate ka pa."

"Opo!" at lumabas na nga si Nanay Cely. Pinatay ko na 'yong alarm clock ko at nagkamot ng ulo.

Nag-unat ako habang humihikab. Makakilos na nga malate pa ako. Tumayo na ako habang dahan-dahang naglalakad, masakit pa din kasi yung likod ko dahil sa pagkabagsak ko. Dumiretso ako sa banyo ko at naligo. Pagkatapos kong maligo, nagbihis na ako at nag-ayos. Nakapony tail ako palagi. May malaking salamin na makapal ang lens, may braces up and down at may makapal na kilay at mga pimples sa pisngi at noo. Panget ako alam ko.

Since sa school namin ay walang uniform, kahit anong damit ang suotin mo ay pwede kaya ang laging damit ko ay mahabang palda na halos abot na ang ankle ko tapos ay simpleng plain na t-shirt at sweatshirt.

Tapos na akong mag-ayos. Kinuha ko na yung bagpack ko at yung makapal kong libro tapos lumabas na ng kwarto.

Time check: 6:45am

8am pa naman ang pasok ko pero pumapasok ako ng maaga para makapag-catch up sa mga kaibigan ko.

Bumaba na ako, nilapag ko muna sa sala yung bag at libro ko tapos pumunta na sa dining area. Pagkadating ko doon nakita ko agad si Kuya, kumakain na.

"Good morning, Kuya!" bati ko. Nilingon nya ako at nanlaki ang mga mata nya na para bang nakakita sya ng multo pero agad din namang nawala ang ekpresyon nyang iyon. Bumuntong-hininga na lang sya.

"Hindi na dapat ako nagugulat pag nakikita kitang ganyan ang itsura." Sabi nya at binalik ulit ang atensyon sa kanyang kinakain.

"Ano bang meron sa itsura ko?" tanong ko sa kanya at umupo sa tapat nya.

"Nothing. Sige na kumain ka na." nilagyan niya ako ng pancake sa aking plato. Siya na din ang naglagay ng maple syrup sa ibabaw ng pancake ko. Tinitigan ko si Kuya.

"Okay ka lang ba?" hinanap ko yung mga mata niya. Tinignan naman niya ako.

"Nag-aalala lang naman ako sayo."

Dumating si Nanay Cely at nilagyan ang baso ko ng fresh milk. Ngumiti ako sa kanya at nagpasalamat. Nilagyan ko muna ng butter ang pancake ko at hinintay na matunaw iyon.


"Bakit naman, Kuya?" tanong ko habang ini-spread ang syrup at butter sa pancake ko. Nagsimula na akong kumain.

"Magco-college ka na pero hindi mo pa rin inaayos iyang itsura mo. Masyado mong pinabayaan ang sarili mo, Cindy." Tinignan ko si Kuya na ngayon ay nakasandal na sa kanyang upuan habang umiinom ng tubig at nakatingin sa akin.

"I don't feel the need to, Kuya. Utak naman ang ginagamit ko sa school hindi mukha." Kibit balikat kong tugon. Narinig ko nanaman siyang bumuntong-hininga.

Nerdy Princess (Chapter 1-25: REVISED!) *REVISING*Where stories live. Discover now