Chapter 20: Nilalandi

370 19 4
                                    

Chapter 20

Hindi na nga ako nakatanggi sumama sa kanila. Nakasakay ako sa sasakyan ni Patrick habang kasama ko si Isaiah tapos si Miguel at Caloy naman sa sasakyan ni Louie. Pang apatang tao lang kasi ang dala nilang sasakyan ngayon. Convoy din ang ginagawa namin. Nauuna itong sasakyan ni Patrick.

"I should have bring my car" kanino ko pa napapansin na naiinis si Isaiah.

"Bakit?"

"Dadaanan ko pa kasi yung girlfriend ko sa UST." sagot ni Patrick na nagmamaneho.

"Dapat nag LRT na lang kami. Makati to Espana then White Plains tapos traffic pa!" hindi na lang ako umimik di ko rin kasi alam ang sasabihin ko. Ang pagkakaalam ko kasi Anniversary ng magulang ni Isaiah. Si Attorney nga pala iyon.

Ilang oras na kaming nasa biyahe at panay ang text lang ni Isaiah tapos mayamaya din ang calls na natatanggap niya. Kung pwede ko lang bang isama si Isaiah palipad para makarating agad kami sa kanila eh.

Pagkasundo namin sa magandang girlfriend ni Patrick humarurot na siya patungong White Plains mabuti na lang maraming alam na pasikot sikot si Patrick.

Pagkarating namin doon,

"I need to see my family first" tapos umalis na si Isaiah. Si Patrick at yung gf niya nawala na din sa paningin ko. Naiwan akong mag-isa dito sa gate. Grabe ang daming tao may buffet malapit sa main door nila tapos marami ring table at chairs na puno na. I guess family relatives nila ito. Nakita ko kasi si Attorney na naglilibot libot sa mga tables.

Nasaan na ang mga kasama ko?

Bigla kong nakita si Krissy lumapit ako sa kanya pero dahil maraming tao nawala siya sa paningin ko hanggang nasa tapat na ako ng buffet. Nahihiya man akong kumuha eh kumuha na ako lalo na nung makita kong may nakahain na cupcake. Muntik ko ng mabitawan ang cupcake na hawak ko ng may nagsalita sa likuran ko.

"Fyglia?"

"Attorney! Happy Anniversary po!"

"Oh thanks.Sabi na nga ba ikaw yan. Sino kasama mo? Si Krissy? Nakita ko siya kanina dito eh."

"Hindi po sila Isaiah po. Kaso nawala rin bigla hehehe."

"Dad..." biglang nagpakita si Isaiah.

"Bakit mo naman iniwan itong kasama mo? Mag-isa lang tuloy kumukuha ng pagkain dito."

"Sorry po." ngumiti na lang ako sa kanya.

"Siya, entertain as much as possible all the guest. Di yan puro ka gala. Fyglia, enjoy the party lang." tapos umalis na siya. Kumuha na ulit ako ng pagkain habang nasa tabi ko si Isaiah. Tinignan ko siya, bakit tinitignan lang ako nito?

"Bakit? Kumain ka na ba?" tanong ko. Umiling lang siya tapos ngumiti.

"Louie is right ang ganda mo nga kahit ganyan lang ang damit mo." napatingin na naman ako sa damit ko. Tapos tumingin ako sa mga taong nandidito. Hala!!! Nakapangbahay lang ako tapos yung iba naka semi-formal.

Inabot ko sa kanya yung plato ko. Nanlaki ang mata niya sa ginawa ko.

"Uuwi muna ako."

"Huh? You look fine. Wag na. Di ka naman mamatahin ng pamilya ko."

"Kahit na.. nakakahiya." umiling siya tapos hinawakan ako sa pulso.

"Tignan natin kung mahiya ka pa." tapos dinala niya ako sa likod ng bahay nila. May kinuha rin siyang inumin para sa akin. Kakaibang ambiance ang sumalubong sa akin pagkarating namin doon. Doon kasi may swimming pool, may DJ, may bar counter, you know the look of night club. Hindi na nga ako nahiya sa damit ko dahil yung ibang nandidito halos maghubad na sa sobrang kapiranggot ng tela sa katawan nila.

Fyglia's EnchantmentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon