A/N uwaaaaaaaaaa salamat ng maraming marami sa mga comments niyo, sa votes at sa reads! kinilig talaga ako <3 <3 <3

Para sa mga nagtatanong... opo, Anak ni Stephen at Naomi si Stephanie Mikael Cruz .. or Timi for short.

At sa mga naguguluhan, I just want to clarify things. Hindi ito sequel or book 2 ng BTCHO... This is a brand new story :)

***

Chapter 1

*Timi*

 

 

[Timi’s POV]

“Y-you bitch!! How could you do this to me?! Napaka landi mo talagang babae ka! Pati boyfriend ng iba inaagaw mo! Bitch ka talaga!! Walanghiya ka!!” sigaw ng iskandalosang babae sa harap ko.

Hindi ko siya pinansin at tuloy-tuloy parin ako sa paglalaro sa Ipad ko. Pisting mga berdeng baboy 'to, nauubos na ang ibon ko hindi parin sila mamatay-matay.

 

“Hoy! Are you listening to me?! Wag mo akong i-snob-in! After mong agawin ang boyfriend ko nakukuha mo pang maglaro ha?! And now break na kami!” bigla na lang humagulgol ng iyak yung babae “break na kami ng dahil sa 'yo!  4 months pa lang ang relasyon namin sinira mo na agad! Hayop ka talagang animal ka!”

I rolled my eyes. Ang ingay ingay naman ng babaeng 'to. Hindi ba niya naisip na nag mumukha lang siyang tanga kakangawa sa isang tao—scratch that—isang mala dyosang babae na dinededma lang siya?

“Hoy bitch! Kausapin mo ko!! Wag mo kong dedmahin!! Hayop ka! Haliparot!! Flirt! Mangaagaw! Slut! Whore!”

 

“Boom. Game over” sabi ko at tinignan ko siya.

“H-huh?”

 

“Sabi ko game over na ko dito sa nilalaro ko. Ang ingay mo kasi. Makalayas na nga”

 

Tumayo ako sa kinauupuan ko at nagbadya ng aalis kaya lang nagulat ako ng bigla niyang hatakin ang braso ko.

“Wala ka bang manners ha?! Ikaw na nang-agaw ikaw pa may karapatang umasta ng ganyan?! Ha! Siguro slut din ang nanay mo kaya ka ganyan no?!”

That snapped a string.

Inalis ko ang mga braso ko sa pagkakahawak niya dito then I smile at her sweetly…

Then I punched her face.