Chapter 8

8.4K 212 14
                                    

PABAGSAK na humiga si Jillian sa kanyang kama. Damn! She was so tired. It was the sports festival of Harrison at tatlong bata ang dinala nya sa ospital kanina dahil sa aksidente. This the only event na kung saan ay siya ang palaging kinakailangan ng lahat. Mula sa paglalagay ng cold compress, paglilinis ng sugat, pagdadala sa ospital at pagdo-document ng mga nangyari ay trabaho nya.

Tinignan nya ang kanyang relo. It was twelve thirty-three. Chinecked nya ang kanyang cellphone na hindi man lang nya nahawakan kanina dahil sa sobrang pagiging busy.

11 missed calls...

Nanlaki ang mga mata nya.

"Eleven missed calls?!"

Sino naman kaya ang tatawag sa kanya ng ganun karaming beses?

She checked her phone.

1 missed call from her mom. And 10 missed call from... Erik?!

Napatanga sya. Hindi pa man sya nakaka-recover ay umilaw ang kanyang telepono at nagflashed roon ang pangalan ni Erik. Mabilis nyang sinagot iyon.

"Hello?"

"Don't 'hello' me."

Ayyy ang sungit ni koya!

"Kumain ka na ba?"

Naramdaman nya ang pagkalam ng kanyang sikmura. Naalala nyang lunch pa ang huling kain nya.

"Hindi pa eh. Sobrang busy kanina."

Hindi kasi ito nakarating kanina. Mayroon itong inayos sa ospital at nakapagpaalam naman na ito sa boss nila.

Narinig nya ang pagpilatak nito.

"Ayoko sa lahat ay 'yung nagpapalipas ka ng gutom. Alam mong masama iyon."

Ang sweet mo naman! Concerned sya sa'kin. Hindi nya mapigilang mapangiti. Muling naramdaman nya ang pag-atungal ng mga alaga nya sa tyan. Kalma lang mga alaga!

"Sorry na po, Manong. Eto na nga po oh, kukuha na ako ng pagkain sa ref." Nang makababa sya at buksan ang pinto ng ref ay panay tubig ang laman niyon. Binuksan nya ang nakataklob na plato sa kanilang mesa. Marahil ay may iniwan para sa kanya ang kanyang auntie bago umalis ito kasama ang pinsan nyang si Nicole at ang kanyang tito. Subalit wala namang laman ang plato kundi bakas ng mantika. Napanguso sya. Nasisiguro nyang si Niccolo ang kumain ng parte nya.

"Jillian."

Masarap sa kanyang pandinig ang pagsambit nito sa pangalan nya.

"Jillian!"

"Ay ano?"

Narinig nya ang paghinga nito ng malalim.

"Just watch a movie okay."

"Huh?"

"Manood ka na lang ng movie."

Napakunot noo sya. Ano na naman kayang topak nito.

"Bakit?"

"Just do it!"

"Aray! Bat ka ba naninigaw."

"Ang kulit mo kasi. Sundin mo na lang ako."

"Oo na!"

"Good."

Iyon lang at dial tone na lamang ang kanyang narinig.

She turned on the TV and watched Ironman. Bagaman napanood nya iyon ay gustung-gusto nya talaga ang palabas nito. She was a marvel fan anyway.

Ilang minuto lang ay nakatanggap muli sya ng tawag mula kay Erik.

"Yes, Erik?"

"Come out."

The Doctor's Order Book 1: Erik & JillianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon