EPILOGUE.

6.7K 376 184
                                    

Kharu's Corner:

Helloooo! Sorry for the long wait, and THANK YOU! Sa lahat ng nag-basa nito, sa kabila nang napaka-bagal na pagu-update ko. I did my best with this one, sana po magustuhan niyo. Thankieees! Godbless! :*******

***

EPILOGUE

'Cause this pain I'm feelin' won't go away, and today, I'm officially missing you~

"Saab! Ano ba? Kanina pa kita tinatawag!" Nagulat ako sa sigaw ni Aldrin.

"A-ah? Sorry! May ginagawa kasi ako, Babe. Tara na." Pinilit kong pa-kalmahin si Aldrin. Bad mood siya eh.

Nitong mga huling araw, palagi siyang ganyan. Iritable, mainitin ang ulo. Pinagpa-pasensyahan ko na lang.

Kasi nangako ako na hindi ko siya iiwan.

Tatlong taon na rin simula nung gu-mraduate kami ng college. We both have stable jobs now. Pwede na nga kaming magpa-kasal kung gugustuhin namin.

Pero ni minsan after graduation, hindi pa nao-open ni Aldrin ang topic na 'yun sa akin.

Somehow.. May parte ko na nagpapa-salamat dun.. Pero tingin ko.. Darating at darating din kami sa puntong yun.

Ina-amin ko...

All those years, pinilit kong sumaya at ibalik lahat ng pagmamahal ko kay Aldrin. God knows how much I wanted it all back.

But I simply can't. Para bang, naka-tali na ako sa isang taong ako mismo ang nag-taboy papa-layo sa akin. Yung taong minahal ako, pero sinaktan ko lang.

At ngayon, eto na ang KARMA ko.

"Uhh. Babe? Sa'n tayo?" Tanong ko habang ina-ayos ni Aldrin ang seatbelt ko.

"Simbahan." Sa unang pagkakataon sa araw na 'to, nakita ko siyang ngumiti.

Pero sa ngiti niyang 'yun.. Parang kumirot yung puso ko.

"Ahh.. S-Sisimba tayo?" Pinilit ko ring ngumiti.

"Hmm. Yeah? But that's not the main reason." Ngumiti siya ulit. "We're gonna fix a wedding" Then he winked at me.

Biglang bumigat ang pakiramdam ko.. Alam ko nga na darating 'to.. Pero.. This soon? Hindi ako handa.. Ni hindi ako makapag-react man lang..

"R-really? That's.. great!" Forced smile.

"Talaga? Masaya ka?" Tanong niya.

"Syempre naman, no." Ngumiti ako.

"Basta tatandaan mo, lahat ginagawa ko, kasi mahal kita." I was touched.

Touched, that's all.

Nung makarating kami sa simbahan, ngumiti na lang ako.

Tina-tanggap ko na ang pagka-talo ko. Ako naman ang may kasalanan nito eh.

Kaya ko namang bumuo ng pamilya kasama si Aldrin, basta may tiwala kami sa isa't-isa, 'di ba? Kahit walang love.. Kaya ko naman, 'di ba?

Nag-set na kami ng date, inayos na namin lahat sa simbahan.

One month from now, on Valentines Day.

Magiging Mrs. Villarba na ako.

'Nakaka-tawa. Dati, pangarap ko 'to eh. Yung ma-kasal sa 'Babe' ko. Pero ngayon... Hindi na ako masaya.

Naging busy kaming lahat buong January.

Invitations, reception, yung mga aabay, yung mga isu-suot.

You Got KISSED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon