Chapter 17: The Crossover

3.9K 119 37
                                    

## Chapter 17: The Crossover ##

>Andy's POV<

Salamat naman sa echuserang author ng story na ito at binigyan nya ko ng sariling panahon para makatalak naman sa kwentong to.

Peace Author ^^v mamaya tanggalin nya pa ung exposure ko e. Para hindi magalit si Authy vote at comment na lang kayo lagi sa story na to. (sipsip lang ang peg ko no?)

Ayan na nga. Mamaya na ang birthday party ng pinakamamahal kong best friend na si Princess Paul.

Princess? Kasi ang theme ng party nya e Disney Princess. CHOS. hahahaha.

At dahil alam kong busy sya sa school ngayon since today is Wednesday, I volunteered to help his parents na maghanda para sa munting kainan dito sa bahay nya.

Naku bihira lang to kaya nilubos ko na ang pagiging punong-abala.

"Andy, salamat naman at nag-devote ka ng time para tumulong sakin sa pagluluto." Kasalukuyan kaming naghihiwa-hiwa ng kun anu-ano sa kusina ni Tita Matilda.

"Wala po yun, Tita. Para naman kay Paula ito e. Hahahaha."

"Maswerte si Paul at ikaw ang best friend nya."

"Maswerte talaga Tita. Hahahaha." Sa ganda kong to?. Hahahahaha. Ayan sa kakatawa ko mali tuloy hiwa ko sa hotdog. Hindi na tuloy pantay-pantay :'((( Failed Hotdog Slice.

Kasabay ng automatic kong pagsusuot ng pink na apron ni Tita Matilds sa bewang ko para magmukha akong sexy chef, automatic ko na ring ininform ang mga mahahalagang kaklase ni Paul para umatend ng party nya.

Oh di ba pakialamera lang ang peg ko? Well, I'm his BFF kaya I have the rights to do such acts.

Simple lang naman ginawa ko. I just informed them na invited sila sa mumunting salu-salo sa bahay ni Prinsesa Paula.

Un lang. Kung pupunta sila edi good. Kung hindi. Ok lang rin. More food for me. Hahahaha.

Ung Ezra na super close ni Paul at Papa Vince nya lang naman ang sinabihan ko. Wala nang iba pa. Bukod na lang kung may iimbitahin pa si Paul.

Wala naman akong maimbitang boylet since wala naman akong lovelife sa ngayon. Ang buhay pagibig muna ni best friend ang iintindihin ko. Makita lang syang masaya kapiling ang lalaking mahal sya, ok na ok na ang lola mo.

Ang bruhang Paul kasi, pag-aaral na lang palagi ang inaatupag. Paano na lang ang puso nya? Pakakainin nya ng mga libro? Hindi pwede un uy!

MAY KARAPATANG LUMIGAYA ANG BAWAT BAKLA SA SANLIBUTAN!!!

"Andy, pakibili mo naman ako ng bawang kila Aling Mila. Naubusan tayo ng stock ng bawang e."

Pinaglalaban ko na ang karapatan ng sangkaBEKIhan dito oh. Istorbo si Tita. Hahahaha.

"Sure, Tita. Be right back."

Gorachi na ko sa tindahan ni Aling Mila na hindi naman ganoon kalayo sa balay nila Paul kaya keri lang.

"Bawang nga po, Madam." nilagay ko na ung bayad sa counter. Counter talaga?

"Ilan, boy?" Boy ka jan? Bulag ka Manang?

"Lahat po yan." Pagka-abot ni Manang ng binili kong cloves ng garlic madali na kong naglakad pabalik. Feeling ko nasa runway ako habang naglalakad sa kahabaan ng kalsada nila Paul ng biglang may kumalabit sa akin.

"Anong kailangan mo?" Mataray mode activated.

"Umm.. Excuse me, alam mo ba bahay ni Paul?"

A UNIQUECORN LOVE STORY [BoyxBoy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon