Wizard's Tale 2: Chapter 16

148K 3.5K 495
                                    


(Alyanna POV)


Umaga na kami nakabalik ni Brylle sa loob ng camp. Inihatid niya ako sa kwarto ko pero pagdating namin doon, nag-aabang si Prince Rouel.

"Your Highness..." Gulat na gulat siya nang makita kaming magkasama ni Brylle. "Akala ko natutulog pa kayo... magkasama po ba kayo buong gabi?"

Kapag nalaman ng Prinsipe ang totoo, siguradong pagagalitan niya kami! "Maaga lang talaga akong nagising, tapos nagkita lang kami kanina."

"Eh ikaw, Prince Rouel? Hindi pa sumisikat ang araw pero nag-aabang ka na rito."

"I'm here to inform the Princess that we will have to go back to the palace immediately."

"Bakit po? May balita na ba tungkol kay Geminus?"

Sa itsura ni Prince Rouel, mukhang 'yun nga ang dahilan. Pero bukod doon, may something sa expression niya na nakapagpakaba sa akin.

"Geminus was proven guilty will all the accusations. They looked at her past at nakita nila na siya nga ang nagbalak na pumatay sayo nung sanggol ka pa lang." Hindi ko ma-explain ang naramdaman ko nun. "Dahil sa nagbunyag na katotohanan, nag-amok ang Oracle at nadamay sa mga atake niya ang mahal na Reyna. Malubha siya ngayon, Prinsesa."

Nanlamig ang buong katawan ko, nanginig ang mga tuhod ko pero umalalay sa gilid ko si Brylle.

Naghanda kami agad para bumalik na sa palasyo. Hindi pwedeng mawalan uli ako ng isa pang ina nang dahil kay Geminus.


* * *


Nakabalik na kami sa palasyo. Nadatnan pa namin ang gulong ginawa ng Oracle. "Prinsesa, Prinsesa, Prinsesa!" Sinalubong naman ako nina Lala at Kerria. "Mabuti naman at nakabalik na kayo!"

"Si Queen Alisia? Kamusta na siya?"

"Kasalukuyang pinagagaling ngayon ng mga healers ang Reyna. Pero dahil Dark Sorcery ang ginamit ni Oracle Geminus, nahihirapan silang alamin kung anong klaseng sumpa iyon."

Agad kaming nagpunta sa kwarto ng Hari at Reyna, at doon nakita kong nakaratay na nga sa kama ang aking ina. Mabuti na lang at sumama sa amin si Headmaster Diazo para matulungan kami.

Muling nagkita ang dalawang leaders ng angkan, "Your Majesty." Binati niya muna ang Hari. "Ikinalulungkot ko na sa ganitong sitwasyon pa tayo nagkitang muli."

"Ayos lang, Headmaster. Ngunit paano na ang ginaganap na Ranking Quest sa Wizardry Camp kung naririto ka?"

"Ibinalita sa akin ng asawa kong si Erizally na malubha si Queen Alisia. Mas mahalagang matingnan ko ngayon ang kalagayan ng mahal na Reyna."

Sinuri na ng leader ng Flemwall ang kalagayan ng aking ina. Magkahawak-kamay naman kami ng aking ama at ramdam ko ang tindi ng pag-aalala niya.

"It's an ancient A+ Shadow Hex. Not only the physical but the mental awareness of the Queen is affected. Mahina ang pulso niya, mababa rin ang dugo. Hindi ko mapasok ang isipan niya..." Nasa malalim na konsentrasyon ang Headmaster nang bigla itong magulat. "Ang Geminus na 'yun, hawak niya ang pag-iisip ng Reyna. Nasaan siya ngayon?"

"Nasa kulungan. Nagmamatigas siya at ayaw makipagtulungan sa amin."

"I'm afraid that if I try to reverse the spell, it will cause more harm to the Queen. Pero kapag hindi siya nagamot within two or three days... our Kingdom might lose her."

Wizard's Tale Trilogy (1-3) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon