Prologue

2.5M 42.2K 30.6K
                                    

This novel is intended for mature readers only and should not have been read by the 18 below.

WARNING: This story occasionally contains strong language and some mature situations (wrong parenting/upbringing, drugs, mental health issues, violence, death, poverty, bed scenes, and unusual humor) which are intended for an older youth audience.

I write different genres and use different voices.. You may check my other works if you're uncomfortable reading this story.

DISCLAIMER: Characters, places, and events are fictitious.

Unedited raw copy.

THIS NOVEL IS COMPLETE HERE ON WATTPAD.

-------------------------------------------------------


Prologue


NAPAIHIP ng hangin si Jason habang pinagki-kiskis nya ang kanyang mga palad. Panay ang lingap nya sa paligid na para bang mayroon syang tinatakasan.


Humalukipkip ako matapos ko syang pukulin ng yamot kong tingin. "Ano na? May klase pa ako bukas nang maaga!"


Ngumiti sa akin ang nanginginig nyang mga labi. "Relax, babe. Kaunting hintay na lang."


"Pucha, naman, oh! Bawal akong gabihin!" Tiwala ako sa kanya dahil boyfirend ko na sya walong buwan na ang nakakaraan. Syempre, hindi ko ito pwedeng ipaalam kina Amang at kay Mama. Kasalukuyan kasi akong kolehiyala at patapos na sa kinukuhang kurso.


Lumapit sya sa akin. "Hindi natin pwedeng palampasin ito. Tiba-tiba tayo rito, big time ang isang ito."


Napangiti ako sa sinabi nya. Kung big time ang isang ito eh, di puwedeng last ko na ito. Tinitigan ko siya. "STTHL?"


"Anong STTHL?"


"Seroiusly. To. The. Highest Level?" Excited na kasi talaga akong huminto sa monkey business namin na 'to ni Jayson.


Ang totoo ay ito na ang pangalawang beses ko sa raket na ito. Hindi ko alam kung anong raket ito, pero malaki ang kita kaya pumayag ako. May hinala na ako na ilegal, katulad ng una na may kinalaman sa sugal, pero hindi naman siguro ganoon kadelikado. Basta, huli ko na talaga ito.


Kailangan ko lang kasi talaga ng pera ngayon. Nakautang kasi ako sa 5-6 na tumubo na nang tumubo at ngayon ay ginigipit na ako ng pinagkakautangan ko. Mahirap lang kasi kami, di ko afford ang mga luho ko kaya ayun, nabaon ako sa utang at kailangan ko iyong bayaran sa pamamagitan nito.


Ayaw ko naman manghingi kina Amang dahil kapos din kami lalo pa't nagbabayad din kami sa tuition ko. Ayaw ko na silang madamay pa sa kalokohan ko. Ako ang gumawa nito kaya ako ang dapat na lumutas.


Nagbago ang mga mata ni Jayson nang mapatingin sya sa aking likuran. "Oh, ayan na pala sya, eh."


Napalingon na rin ako sa isang lalaking naka-itim na kamiseta. Tulad ni Jason, palinga-linga rin ito sa paligid. May dala itong grey attache case.

Love Me HarderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon