[50] #100STHHSunset

136K 3.3K 1.2K
                                    

HI GUYS! So some announcements, please take time to read (IF YOU LOVE ME) 

1. SORRY FOR THE SUPER LONG WAIT! Vacation ko na yey! Please pray na sana ipasa ko lahat ng subjects ko sa law school please. :( I believe in prayers. 

2. Meron tayong 100 Steps To His Heart Shirt!!! :))) Bili kayo. For Php 250 lang! For more update, punta kayo sa facebook page ko: https://www.facebook.com/GirlinloveWatty 

3. Magkakaroon po ako ng summer meetup! Yey! If gusto niyo ako mameet. If gusto niyo magrant sa kabagalan ko ng update, if gusto ko niyo ikiss kasi love niyo ako, or gusto niyo lang magbonding with me. Punta kayo sa meetup! This May 16. 2015!! Sa Luneta yung place kasi may special connection sa 100 Steps! :) For more information, punta kayo sa: 

https://www.facebook.com/events/646761042118494/ 

4. Plan namin sa meetup naka 100STHH Na shirt para mas madaling hanapin and para may uniform. So order na kayo ng shirt! :) 

5. Pakirefresh ng memories niyo, or ireread niyo ulit yung 100 Steps To His Heart dahil... dadako na tayo sa iyakan part ;) Anyway, ENJOY! <3 

6. HASHTAG TO USE: #100STHHSunset 

 xoxo, Girlinlove 

Chapter 50

Hope's POV

"Uy the couple is here." Sigaw ni Venice. Dalawang linggo na matapos yung nangyaring pagaaya sa akin ni Mico sa Valentine's Ball. Aaminin ko kinilig ako sa ginawa niya kasi pakiramdam ko sobrang special ko. Never ata sa buong buhay ko naimagine yun. Akala ko sa wattpad lang yun eh, tipong kay Kean at Chanel. Pero sa akin din pala?

Anyway, nandito kami ni Mico sa SM Mall of Asia kasi bukas na ang Valentine's Ball at nagaya si Venice na mamili kaming lahat ng dress. Dapat kaming mga babae lang kaso nagpumilit si Mico na sumama ang mga lalaki para daw ievaluate ang mga suot ng girls at makapili ng terno. Hindi ko alam kung dahil palaging magkasama si Mico at Miks eh si Miks ay nagiging mas lalaki, o nagiging binabae din 'tong partner ko sa Valentine's Ball.

Pero ayun nga pumayag naman sila kaya magkakasama kami ngayon sa pamimili; si Bryle at Venice (na siyempre magkapartner sa ball), si Chelsea at Miks (na magkapartner rin, at tingin ko may namumuo... Well sa part ni Chelsea, umamin siya na namiss daw niya si Miks tapos parang kinilig siya noong nakita niya pagkatapos ng camp! Kakilig hindi ba? Si Miks naman hindi alam o NR lang o ewan ko ba sa isang 'to), at si Enzo na parang umiiwas simula noong tinulungan niya ako sa design. Walang partner si Enzo dahil nasa States si Eula. Sabi sa akin ni Chelsea parang break na nga daw yung dalawa eh. Ewan ko lang. Joke, kunwari pa ako. Noong malaman ko yun kinulit ko talaga si Chelsea sa kung ano ng status, kinonfirm ni Chelsea na break na nga daw kasi daw ayaw daw maging unfair ni Eula. Baka dahil sa LDR? Kaya siguro mukmok 'tong si Enzo.

"Oh saan na tayo?" tanong ni Bryle na kaakbay si Enzo. Dahil nga si Mico kung makasama sa akin parang linta, yung bromance ni Bryle at Mico nalipat kay Enzo.

"Dress! I know a place ;)" sabi ni Venice. Umoo na lang kami. Bale, cocktail dress lang kailangan namin hindi long gown. Yung long gown tipong Graduation Ball.

At bilang hindi naman talaga ako mahilig mamili ng damit, si Venice na ang nagprisenta na humanap ng damit ko. Sabi kasi niya meron na talaga siya kasi nakapagpatahi na siya (mahilig talaga siya sa dress at mga balls at may sarili silang mananahi. Rich kid talaga) at kaya siya nagaya ay dahil gusto niyang tulungan ako mamili. Hindi naman siya offensive una kasi si Venice mahilig talaga yan sa mga makeover na ganyan, at pangalawa hindi ko din alam isusuot ko kapag nagball!

Umikot ikot lang si Venice at naghanap ng naghanap kasama si Chelsea. Mukha ngang mas nagkakasundo pa yung dalawa. Napagod ako bumuntot ng bumuntot kaya naupo muna ako doon sa gilid. Matapos ang labinlimang minuto, halos pipikit na ang mata ko sa antok habang nakaupo ako dito sa may upuan ng biglang may gumalaw at umupo sa tabi ko kaya napamulat agad ako; pagtingin ko si Enzo pala.

100 Steps To His Heart [Published Book]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon